Kabanata 10

169 25 3
                                    

ABBY'S POV

We're all in.From the past days,we decided na sa gymnasium na lang gaganapin 'yong audition.

Humingi na rin kami ng tulong sa presidente ng student council,which she agreed quickly.

Nasa gymnasium ako ngayon para kunin 'yong list ngayon at maglalagay ng bago.

'yon kasi napagplanuhan para raw hindi na kami maghihintay pa na matapos ang nakatakdang araw sa paglilista nito.

Girls performance mauuna,sa susunod na week na 'yong boys.

After ko makuha ito ay nagtungo na ulit ako sa student council room.

Gabi na at nasa third floor pa man din ito. Hindi ko alam ba't nandoon ang student council room,ang weird.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil may tao pa rin dito.

Tutok na tutok ito sa ginagawa niya at hindi napansin ang presensya ko.

"Balak mo ba magstay dito?" I asked after ko mailapag sa lamesa 'yong list na nakuha ko.

"Tatapusin ko lang 'yong presentation." Sagot nito ng hindi man lang nag-atubiling tignan ako.

"I'll stay then." Saad ko at pumunta sa bintana.

Namangha ako dahil sa ganda ng tanawin na nakikita ko. Kita mo ang buong kagandahan ng school,isama mo na rin ang kaunting sinag ng city lights. Pati na rin ang madilim na kalangitan na tanging buwan at kaunting bituin ang nagpapaliwanag.

Ang pagsabay ng mga sanga at dahon ng puno sa kung ano mang direksyon ng hangin.

Ang ganda pala magpalipas ng gabi dito,tanaw mo 'yong kabuan ng school. Lahat ito ay may liwanag na nanggagaling sa ilaw.

I stayed at the window for a couple of minutes dahil gandang-ganda ako sa tanawin nito.

Tinignan ko naman ang babaeng tutok sa ginagawa niya.

Ang ganda pala talaga niya kapag hindi nagsusungit.

Her fluffy cheeks,na parang itlog. Singkit niyang mata na nakakaakit pagmasdan.

And her kissable lips,ano kayang pakiramdam ng mahalikan 'yon?

What? Oh.Sht,hindi.

"Tapos ka na bang titigan ako?" Nanlaki mata ko sa tanong nito.

Gano'n ko na ba siya katagal tinitigan?

"Tapos ka na?" Pag-iiwas ko sa tanong nito at inilihis ang tingin ko sa kaniya.

"Hindi pa ngunit malapit na." Sagot niya. I sighed in relief ng hindi niya na pinansin pa ang tanong kanina.

Tinignan ko ito ng mapansin kong ibinalik niya na atensyon sa ginagawa niya.

This woman felt surreal to me. How could be someone effortlessly gorgeous and somehow full of cuteness.

Such a breathtaking scenery for me.

What?the hell? No!

She yawned. Pati ba naman 'yon maganda pa rin?

"Do you want coffee?" I asked her to distract myself from staring every parts of her face.

"Wala bang gatas?" Wow,demanding.

"Sige, I'll take the coffee." Saad nito ng hindi ako sumagot.

"Okay."

Since may mga gamit naman na dito sa student council room ay nadalian na lang ako sa paggawa nito.

L O V E ?Where stories live. Discover now