Kabanata 14

173 24 1
                                    

THIRD PERSON'S POV


Sa pag-uumpisa ng  lunes ay siya ring pagpunta nila sa student council room. Isa-isang pumasok ang mga ito sa magkakaibang oras.

Si Sela na nauna ng isang oras dahil dito niya napagpasyahang ituloy ang tinatapos na gawain para sa isang asignatura.

Sumunod naman sa kaniya sina Rans, Jem,Lara at Brei na magkasalubong ang dalawang kilay. 

"Kanina ka pa?" Tanong ni Jem kay Sela. Nag-angat ito ng tingin at tanging tango lang ang sagot niya.

Wala pang ilang minuto ay sumunod na sina Dana,Ecka,Belle,Ella,Gia at Gabb. Umupo sila sa kanilang pwesto ng walang nagsasalita at tanging tinginan lang ang ginawa.

Pumasok si Sheki na may dalang pagkain na agad minataan ni Rans at lumapit dito upang tulungan siya.

"Araw-araw ka ng may dalang pagkain,Sheki. Daming pera." Pansin ni Rans ng makaupo sila at nagbukas na ng isang pagkain. "Pagkain mo Rans?" 

"Share your blessings kasi." Rans rolled her eyes at Brei.


SELA'S POV

Bigla akong napatingin sa pumasok dahil sa masigla nitong bati. "Hi ebriwan!" It's Abby.

Nasa likod naman nito si Alice na hindi gusto ang presensiya ng kasama. Weird.

I just shrugged and continued doing the school works para wala na akong gawin sa bahay. 

I flinched when someone sat beside me and put her arms around my shoulders. I slowly looked at her and  quickly moved back because she was too close. Mukha niyang nakangiti at nakatingin sa akin ang bumungad.

"Hi,babe." Bati nito at kumindat. Napangiwi ako sa ginawa niya at akmang aalisin kamay niya sa balikat ko ng mas lumapit pa ito sa akin.

"Itigil mo na 'yan kung ayaw mong kaladkarin kita paalis." Seryosong saad ni Ecka kay Abby. Napatingin ako sa gawi niya,seryoso siyang nakatingin kay Abby. Her friends are eyeing her,giving dagger at the latter. Ang weird.

Inalis nito kamay niya sa balikat ko at itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko habang natatawa pa.

Ang weird ni Abby ngayon.

She crossed arms at tumitig sa akin. Her eyes,bakit parang ibang-iba ito sa madalas kong matitigan. It feels like,it tells another story. Not the usual one that is too intimidating and deep that will drown you in agony.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" She's asking for a shakehands. Nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi dahil sa kakaiba ang presensyang dala niya.

When her smiles slowly fading away. I immediately reached for her hands and shook our hands.

"Sure."


"Anong gagawin natin ngayon?" She asked. My brows forrowed,confused.

"Huh? Nandito ka naman noong nakaraang week bakit hindi mo alam?" Jem confusedly asked.

I looked at her at nakita ko ang matatalim na titig nina Rans,Belle at Brei na ganoon din ang kaninang tingin ng kaniyang mga kaibigan. What the hell is happening?

"Nakalimutan ko,sorry." Hingi nito ng paumanhin ngunit ramdam ko ang kaba sa kaniyang boses.

"Mukha mo nakalimutan." Rans stated looks really annoyed by Abby's presence. "Ano bang ginagawa mo rito?"

L O V E ?Where stories live. Discover now