PROLOGUE

13 5 6
                                    




Nagising ako sa sikat na araw na dumadampi sa balat ko kaya agad ako napamulat ng makita kong, nasaan sila? Wala silang lahat ng magising na ako.

Agad akong tumayo at hinanap sila ng mata ko, nasaan sila? dali dali akong tumayo para hanapin sila, sa paglalakad ko ay may naamoy akong kakaiba, tila isang malansang amoy na hindi mo magugustuhan, anong amoy iyon?



Sinundan ko ang amoy at nararamdam kong malapit na ako sa lugar na 'yon, sa paglingon ko ay may nakita akong isang bundok-




Nanlaki ang mata ko at nangingilid ang luha ko sa sobrang kaba at nginig ng katawan ko, tila namanhid ang buong  katawan ko sa nakita ko, ang isang bundok ng bangkay-

Isang bundok ng bangkay ng tao at lahat sila ay pamilyar sa akin habang nakadilat ang mga mata nila, nakatingin ang lahat sa akin at nando'n ang mga-

Kaibigan ko...


"X-xianne." sambit ng nasa likod ko at nakita ko ang isang duguang mukha ni Ryssa na gumagapang palapit sa akin, umiiyak ito habang lumalapit sa akin, nakikita ko itong nahihirapan habang umiiyak na binabanggit ang pangalan ko, napaatras ako dahil sa takot.


Dali dali kong hinawakan ang ulo ko na ikinatumba ko dahil sa nararamdaman kong sakit na tila nabibiyak na sa sobrang sakit, ang ulo ko-










"X-xianne, wake up." agad ko namang dinilat ang mata ko sa narinig kong boses.

Who's the enemy?Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt