W.T.E:C3

7 2 8
                                    






"X-xianne." hagulgol nitong saad habang pinipigilan ako sa paglalakad, "Xianne please pumayag kan-na," tumingin ako dito at gustong gusto niya talaga lumabas, bata palang kami ay nahahalata ko na na gusto niya iyon.

"Mangako ka sa'kin, babalik agad tayo." agad naman siyang tumango at ngumiti. "Sige tara na tignan na natin ang mapa." sambit ko at niyakap niya ako sa sobrang saya, "Narinig mo'yon Joel, sasama siya kaya sasama ka." masayang sambit ni Ryssa.

"Ganito ang plano, unang pupuntahan natin ay ang ilog at hahanap tayo ng paraan para makatawid do'n," paliwanag ni Hames, nakaupo kami ngayon habang inaaral ang mapa, ginuguhit niya sa lupa ang plano naming pagtakas, "Aatras muna tayo kung delikado na," sunod pa nito at agad kaming tumango.

Nagsimula na kaming maglakad at hawak-hawak ni Ryssa ang kamay ko, "Salamat talaga Xianne." sambit ni Ryssa at hinawakan ko siya sa ulo. "Ayos lang, kaibigan ko kayo mula bata, ang kasiyahan niyo ay kasiyahan ko rin." saad ko at ikinangiti niya.

"Tama, tama." sambit ni Joel habang nakapatong ang kamay niya sa balikat namin, "Ikaw kuya Joel, ikaw mag liligtas sa amin ha," sambit ni Ryssa at agad namang natawa si Joel, "Ako nalang magliligtas sa'yo, Ryssa." saad ni Hames at kinilig si Ryssa na agad kong ikinatawa.

Nagkekwentuhan kami habang naglalakad na pauwi, bukas namin gagawin ang plano at aatras kami kung hindi man aayon sa plano ang galaw namin, matalino si Hames at may tiwala kami sa plano niya.

"Oh andito na pala kayo, halikayo at kumain, madami akong niluto ngayon." sambit ni papa, "Oh, dito na kayo kumain, sabi ni papa." saad ko sa kanila at agad namang natuwa si Joel, "Tara, nagugutom narin ako," sambit ni Ryssa, "Me too" habol ni Hames at pinapasok ko na sila.

"Naalala ko nung bata palang kayo, yung tabachoy na tinawag niyo, ang laki na ng katawan ngayon tulad na ng kay Joel." kwento ni papa habang kumakain kami, "Mas malaki parin Joel namin," pagmamalaking sambit ni Ryssa, "Eh kumusta na po yung sampal sa inyo nung nanay niya?" natatawang tanong ni Joel at naalala naman namin iyon.

"H'wag niyo ngang asarin si papa," sambit ko habang ngumunguya, "Hays 'wag niyo nga akong asarin dahil anak ko ang sasampal sa inyo," pagmamalaki niyang saad, "Naku, love kami niyan, 'di niya kaya." sambit ni Joel at nagtawanan naman sila.

"'Di ko kayo love," sambit ko at ngumuya.






Lumabas na ako ng madaling araw palang, hinanda ko na ang kutsilyo ko sa bulsa ko at hindi kami pwedeng makilala ng kahit sino man kaya may takip ang bibig namin, 'yon ang plano.

Pumunta na ako sa hide out namin dahil do'n ang usapan namin, nang nakarating na ako do'n ay nakita ko si Ryssa na inaantok-antok pa, "Ryssa." sambit ko at tinanggal muna ang nakakabit sa bibig ko.

"Woah, hi Xianne." saad pa nito habang humihikab, "Nasaan sila?" tanong ko kay Ryssa, "Andito na kami?" masiglang saad ni Joel, madilim dilim pa dahil hating gabi palang.

Tulog daw ang iba sa taga bantay sa ganitong oras at tumakas lang din ako sa bahay, walang nakakaalam sa plano namin at sinisiguro namin na hindi kami mahuhuli, "May nakita pala akong booklet sa opisina ni papa kaya dinala ko," sambit ni Hames kaya agad kaming napalapit sa kaniya.

"Nagsimula ang lugar na'to noong January 3995 at tinatawag itong Village of Shardan, na mayroong 812 na katao at lumaki ito ng lumaki base dito sa booklet, pinapakita lang nito ang pagdami ng tao kada taon at wala ng iba pang nakasulat, ang huling record nito ay ang tao sa taon ng 4014, ito ang taon natin ngayon at mayroong 2189 katao." paliwanag ni Hames sa booklet na hawak niya.

"Gano'n ba talaga hindi kaingat sa gamit ang pinuno natin, andali mo namang nakukuha ang mga 'yan," sambit ni Joel, "Hindi, matagal ko nang alam ang mga taguan niya ng mga ganito pero alam niyang wala naman akong magagawa kung makikita ko man ito kaya hindi na siya nag aalala pa." paliwanag pa nito.

Who's the enemy?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon