W.T.E:C8

1 1 0
                                    



Humarap ako upang simulan ng maglakad dala ang ahas na nahuli ko ngunit sa pagharap ko ay ikinagulat ko at isang nanlilisik na mata, nakatayo ito at may kalayuan sa akin, isang? isang parang-
Nakatayo lang ito sa kalayuan at parang naghahanda ng sumugod.



'Di ko na maipaliwanag ng bigla itong tumakbo ng mabilis habang ako ay tulala parin sa nakikita ko, totoo ba 'to?,



Nagising ang diwa ko ng nabitawan ko ang ahas at agad itong gumapang ito palayo.




Nagsimula na itong tumakbo.



Naramdaman ko na ang bilis ng takbo niya at hindi ito karaniwang hayop lang, kasing laki ito ng oso na napatay namin at ang malalaki nitong ngipin, nag mistulan itong itim na malaking soro, isang nakakatakot na mukha na may matulis na nguso habang naglalaway ang malalaki nitong pangil.




Halimaw

Malapit na ito sa akin.





Dali dali akong tumakbo ng mabilis, naramdaman ko ang pag galaw ng mga bato sa likod ko at nakasunod ito sa likod ko habang tumatakbo ako, ang bilis nito at mukhang hindi ko na kakayanin pang tumakbo, tumingin ako sa harap ng dadaanan kong kalsada at lumiko, pinilit kong bilisan pa ang pagtakbo ko, nararamdaman ko na malapit na siya sa akin dahil sa yapak ng takbo nito.




Naramdaman ko ang pag untog ng ulo ko sa sahig nang natapakan ko ang isang bato na dahilan ng pagkatumba ko, hiniwakan ko ang noo ko dahil sa hapdi nito at nakita ko ang dugo sa kamay ko.




Sa pagharap ko ay nakita ko siya na nasa harap ko lang mismo, hinihingal ito at naglalaway ang malalaki nitong mga ngipin, napatulala ako sa lapit nito sa mukha ko na tila isang galaw o kurap ko lang ay mawawalan na ako ng ulo.



May biglang gumalaw na bato mula sa taas na agad kong nakita kaya pinilit kong tumayo at umalis agad ako gamit ang natitira ko pang lakas, bahala na kung masakmal ako basta kailangan kong makaalis.



Sa pagbagsak ng bato ay natabunan ng alikabok at buhangin ang lugar na iyon, wala akong makita, nasaan na ang halimaw?



Narinig ko ang nakakatakot nitong huni, dali daling nawala ang alikabok kaya lumapit ako ng unti kung saan ko naririnig ang huni, nakita kong nadaganan siya ng batong nanggaling sa taas at humihiyaw ito na parang nahihirapan.



Lumapit ako dito at tumingin ito sa akin na nanlilisik ang mata, Ito ay may dilaw na mata habang may makapal na itim na balahibo. malaki siya tulad ng oso at may hugis itong soro dahil sa tulis ng bunganga nito.



Ang laki nito, wala akong napagaralang ganitong hayop o maski sa tinuro sa amin nung bata kami, kakaiba ang itsura niya.



Lumapit pa ako dahil gusto ko pa siyang makita ng malapitan, nadaganan ng bato ang kalahati nitong katawan kaya hindi ito basta-bastang makakatayo, apat ang paa nito at kakaiba ang  buhok na nasa ulo niya dahil umiilaw ang mga 'yon ng berde at gumagalaw, parang maninipis na ahas na may ilaw sa dulo nito, madami iyon at patuloy na umiilaw, ang ganda.



Lalapit pa sana ako para hawakan ang umiilaw na buhok nito ngunit bigla itong gumalaw na ikinagulat ko, tumatayo ito at pinipilit alisin ang batong nakadagan sa kaniya kaya agad na akong tumakbo bago pa ito makawala dahil nauuga na ang bato at malapit na siyang makatakas.



Narinig ko na ulit ang yapak nito, naghahanap ako ng daan at tataguan ng may humila sa akin mula sa likod, ito ay madilim na parte ng isang lugar at tinakpan nito ang bibig ko.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who's the enemy?Where stories live. Discover now