W.T.E:C5

6 2 12
                                    


Dali dali silang nagtampisaw sa tubig sa sobrang saya, habang ako naman ay nasa gilid at tinitignan ang shell na nakita ko habang binabasa ang sarili ko dahil sa dugo.


Ang ganda pala ng dagat, may asul itong kulay hindi tulad sa ilog, naaamoy ko ang amoy ng preskong hangin at ng dagat na nagbibigay ng kalmadong pakiramdam sa akin, "Ayos kalang?" tanong sa akin ni Hames habang nakatingin sa nagtatampisaw na si Joel at Ryssa sa tubig, "Bakit?" tanong ko sa kaniya.



"Wala lang, sa nangyare kanina baka nasugatan ka o ano." sambit pa nito habang nilalaro ang buhangin na puti, nakaupo kami sa gilid ng dagat, "Nasaan ang City?" tanong ko pa sa kaniya at tinuro niya ang malayong lugar ng dagat na may isang tulay, nakikita ko ang tulay mula rito ngunit maliit lang ang nakikita ng mata ko.


"Tatawid tayo do'n." sambit nito at agad akong napakunot noo, "Anong ibig mong sabihin? aabutin pa tayo ng ilang araw bago makarating sa City?" tanong ko na agad niyang ikinatungo. dali-dali naman akong nainis, "Hindi na ako tutuloy." sambit ko at tumayo na ikinagulat niya.


Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad papunta sa gubat ng hilain ni Hames ang kamay ko, "Wait, Xianne saan ka pupunta?" sambit nito, "Babalik na ako." sagot ko at nagsimula nang maglakad, "Iiwan mo ba kami?" tanong niya at huminto ako, "Hindi tayo pwedeng magtagal dahil delikado at hahanapin ako ni papa." sambit ko pa, "Dahil sa ginawa mong pagsuntok sa bantay, alam na nilang may grupo ang lumabas at pag balik mo do'n marami na ang bantay, siguradong mapaparusahan tayo sa pagbalik natin." sambit nito at agad ko siyang hinarap.


Siniko ko siya hanggang sa ikauntog niya ito sa puno, "Ano ba ang nalalaman mo? kahit ba bumalik tayo ngayon mapaparusahan parin tayo?" naiinis kong tanong at tumango siya, "Nilagay mo kami sa kapahamakan, Hames." inis kong saad at tumingin sa kaniya ng masama.


"Xianne, tigil." sigaw ni Ryssa at inaawat naman kami ni Joel, agad akong napabitaw sa kaniya, "Nangako kayong hindi tayo magtatagal dito sa labas kaya umuwi na tayo at tanggapin ang parusa." seryoso kong saad. "Malapit n-na tayo sa City" hagulgol na sambit ni Ryssa, "Naglakad na tayo ng malayo at malayo narin ang narating natin kaya bakit pa tayo babalik?" habol pa niya at tumingin sa akin.


"Ryssa, mapaparusahan tayo-" 'di ko natapos ang sasabihin ko, "Al-lam kong mapaparusahan tayo." sambit nito na ikinagulat ko, hindi ko alam ang tungkol sa parusa, "Ryssa?" sambit ko at umiyak siya, "Sorry kung tinago namin 'to, malaki ang parusa sa lalabag sa nagiisang batas." saad pa nito na ikinagulat ko, "Anong batas?" nagtataka kong tanong, "Joel may alam kaba dito?" sambit kosa kaniya ngunit umiling ito.


"Wala akong alam." sambit niya, "Ang nagiisang batas ng mga bantay sa hukbo, bawal ang lumabas sa batong harang ang susuway ay may parusang kamatayan, si Xykier lang ang maaaring lumabas at pumasok sa batong harang." paliwanag ni Hames na ikinadilim ng paningin ko.

"Bakit tinago niyo sa akin 'to!" sigaw ko at gusto kong magwala, "Kasi alam k-kong hindi ka papayag pag nalaman mo at wala narin kaming balak bumalik sa lugar na'yon-" 'di natapos ni Ryssa ang sasabihin niya ng sampalin ko siya.


"Walang kwentang dahilan, sana man lang inalam niyo ang mararamdaman namin bago kayo gumawa ng desisyon." gigil kong saad, kaibigan ko si Ryssa pero sa ganitong posisyon, wala na siyang kwenta.


"Pareho kayo ni Hames, kinaibigan niyo lang ba kami para gaguhin?!" sigaw ko pa at agad akong pinigilan ni Joel habang si Ryssa ay nakaupong umiiyak. "Ginawa niyo 'to para sa pansarili niyong desisyon!" sigaw ko pa.

"Wala kayong kwenta, sinugal niyo ang buhay namin para lang sa walang kwenta niyong pangarap!" 'di ko mapigilan ang galit na nararamdaman ko, ando'n si papa sa loob hindi ako pwedeng mamatay.


Who's the enemy?Where stories live. Discover now