W.T.E:C7

1 1 0
                                    





"Tapos mo na bang gamutin si Joel?" tanong ko kay Hames, "Oo tapos na" sambit nito, kumaway naman si Joel sa akin na nasa gilid lang ni Hames at nakita ko ang nakatapal na tela sa braso niya, "Bilisan na natin, ayoko sa lugar n'to, mas magiging delikado tayo dito." sambit ko at tumungo naman sila.



Dala dala ni Ryssa ang flashlight dahil wala narin kaming baong kandila, naglakad na kami at tahimik lang para mapanatiling maririnig namin ang kalaban sa paligid.



"Woah, may liwanag do'n nakikita niyo ba?" madaling sambit ni Ryssa at agad naman akong tumingin sa tinutukoy niya, may butas do'n at may liwanag nanga, "Wah! nandito na tayo!" nagtatalon niyang sambit at agad na tumakbo sa liwanag na 'yon, "Magingat ka Ryssa." sambit ni Hames at sinusundan ang tumatakbong si Ryssa.


"Nandito na pala tayo" sambit ng katabi kong si Joel habang nakangiti, ngumiti rin ako pabalik at naglakad na patungo sa liwanag, sa paglalakad ko ay nakita ko naman ang nakangangang si Ryssa habang tumitingin sa liwanag na iyon.



Dali dali akong pumunta sa liwanag na'yon, tirik ang araw na bumugad sa amin at nanibago din ang mata ko dahil sa tagal namin sa loob ng madilim na tunnel, nung una ay hindi ko pa makita ang labas ngunit lumiwanag narin ang paningin ko at tumambad sa amin ang naglalakihang buildings mula sa malayo, bago makarating do'n ay maglalakad parin kami ngunit makikita na dito ang mga buildings dahil sa matatayog ito.



Agad namang natumba si Ryssa sa sobrang tuwa, "A-ang paraiso." sambit nito at naiiyak na siya, may malaking daanan dito na tinatawag na kalsada at sa paligid nito ay maraming halaman at puno, luma narin ang kalsada at natatakpan na ito ng mga damo.



May mga biyak ang kalsada na dadaanan namin, "T-tara na." kumikinang ang mata ni Ryssa habang tumatapak sa kalsada, tumingin naman ako kay Hames na tinitignan ang lugar at si Joel na mukhang nagsasya ring tignan ang mga buildings.


"H-hindi na ako makapaghintay, sumakay ng Kotse." sambit ni Ryssa. Naglakad na ulit kami habang tinitignan ko ang paligid, isang mahabang kalsada pa ang lalakarin namin, "Nagugutom na ako." sambit ko at agad namang lumapit ni Joel sa akin at binigyan kami ng tag iisang kamote.



"Kailangan na nating maghanap ng makakain sa City." sambit ni Joel ng makita niyang wala ng kamote sa bag niya, naglalakad ako habang kumakagat ng kamote ng may nakita akong papel sa gilid ng kalsada at tinatangay ito ng hangin.



Agad ko iyon kinuha at nakita ko ang nakasulat, "Calendar 3995." basa ko dito at kinuha ang papel na nakuha ko rin sa isla ng Shardan. "Hames, lumapit ka dito." utos ko sa kaniya at agad naman siyang lumapit, "Parehas sila." sambit ko habang tinitignan ang papel, "Dito ba galing ang calendar na napulot ko sa isla natin?" habol ko pa, "19 years na ang nakakalipas, bakit 3995 lang ang calendar at wala ng sumunod pa?" nagtatakang tanong ni Hames habang tinitignan ang dalawang Calendar.



Tinago ko na ang dalawang Calendar sa bulsa ko at nagsimula na kaming maglakad, "'Wag kang manguna, Ryssa!" sigaw ni Hames dahil nagmamadali si Ryssa maglakad, "Bilisan niyo na kasi!" tumatawang sambit nito, dali dali naman akong tumingin sa paligid ng may nakita akong isang puno, "Halika Joel, may mansanas do'n oh, may puno ng mangga rin." masaya kong sambit dahil sa lugar namin, hindi tumutubo ang mansanas sa lupa do'n kaya bihira lang ako makatikim ng mansanas.



"Tara kumuha tayo." sambit ni Joel at dali dali kaming pumunta sa puno, agad namang bumalik si Ryssa dahil gusto niya rin kumain ng mansanas, "Salo." sambit ni Joel habang nasa taas ng puno at kumukuha ng mga bunga ng puno, kumuha na kami ng mga bunga ng mansanas at mangga para sa paglalakbay namin.



Who's the enemy?Where stories live. Discover now