W.T.E:C6

5 0 0
                                    




Sa paglalakbay namin ay napatawad ko na sila, nagpaliwanag naman sila at gustong gusto nila itong gawin kaya wala narin akong magagawa dahil hindi narin naman na ako makakabalik do'n kaya sumama nalang ako sa kanila.



Hindi ko sila pwedeng iwan dahil pamilya ko na rin sila kaya nag desisyon ako na samahan sila at harapin ang bagay na sinimulan namin dahil kami kami rin ang gumagawa ng kapalaran namin, wala akong dapat sisihin sa bagay na minsan ko narin ikinasaya.



Halos isang araw ang lakad namin papunta sa tulay na ito at ngayon ay nandito na kami sa harap ng tulay, "Sa wakas." sambit ni Ryssa habang masayang tinitignan ang tulay habang ako ay tinitignan ko ang lawak ng dagat sa baba ng tulay, sa likod ng batong harang may tinatago palang ganitong kagandang lugar sa labas.



"Isla ang tawag dito sa lugar na tinirhan natin, isang maliit na lupa na napapalibutan ng tubig, ginawa ang tulay na ito noong 3997 para gawing daanan ng mga tao papunta sa loob ng batong harang at ang paggawa ng tulay na ito ay pinamunuan ni Shardan na pangalan din ng village na tinitirahan natin, si Shardan ang dating namumuno sa Shardan village pero isang araw ay hindi na siya natagpuan pa at biglaan ang pagkawala niya." paliwanag ni Hames at agad naman akong napaisip kung ano pa ang nalalaman niya, mukhang 'di ko na siya mapagkakatiwalaan pero marami siyang nalalaman.




"Saan mo naman nalaman iyan?" tanong ko at ngumiti naman si Ryssa, "Si Hames, pakealamero 'yan ng gamit ng papa niya." natatawa nitong saad at agad naman akong tumango, bata palang kami ay hindi ko makasundo si Hames, bukod sa tahimik siya ay hindi ko rin siya nakakausap kaya hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.




"Dito na kaya muna tayo magpahinga, gabi narin kasi." sambit ni Joel at tumango naman ako, ang itsura ng tulay ay simento at gawa sa bato pero mukhang luma na ito kahit ilang taon palang ang nakakalipas nang ginawa ito, "Ang tulay daw na'to, hindi daw ito natapos gawin kaya sa dulo nito mahihirapan tayong tumapak sa lupa dahil putol." sambit sa akin ni Ryssa habang nakatingin din sa malawak na tulay.


Kaya pala mukhang luma ay dahil hindi pa tapos gawin, "Bakit hindi ito natapos?" tanong ko at agad naman siyang sumagot, "May nangyare daw na nakapagpatigil sa paggawa ng tulay at hindi ko alam kung ano iyon." sagot niya.





Nagsimula na akong humiga sa gilid ng tulay at tumingin sa mga butwin dahil gabi narin, ang ganda talaga ng bitwin parang gusto ko itong titigan araw araw, noong nagising ako at nakalabas sa kubong iyon nung bata ako, parang nakaramdam ako ng kalayaang matagal ko ng inaasam-asam.



Minsan nang nagtanong sina Ryssa sa akin kung may naaalala daw ba ako bago ako magising no'n ngunit wala akong maalala sa nakaraan ko, ang nangyayare lang sa akin minsan ay ang panaginip ko pero hindi ko iyon maintindihan at hindi ko narin natatandaan sa tuwing babangon na ako.



Mabilis na sumapit ang umaga at agad akong humikab habang tirik ang araw na dumadampi sa balat ko, "Oh Xianne gising kana pala, halika dito at kumain." sambit ni Joel habang nakaupo silang tatlo do'n, tubig at prutas ang mayroon kami ngayon.




Dali dali naman akong pumunta sa kanila at kumain, "Ilang oras ang lalakarin natin sa tulay na'to?" tanong ko dahil pansin ko ang haba ng tulay at mukhang malayo layo nga ito, "Mga kalahating araw." sagot ni Hames habang ngumunguya, basag parin ang mukha niya at nakita ko ang pasa ng suntok ko, mukhang ayos lang naman siya kaya hindi na ako magsosorry.




"Tara na." sambit ni Ryssa na parang namumutla, "Ryssa ayos kalang?" tanong ko at agad naman siyang ngumiti, "Halika sa likod ko" sambit ni Hames kay Ryssa na agad naman niyang ikinagulat, "Kaya ko." sambit ni Ryssa ngunit bumagsak ito bigla at buti nalang ay nasalo ito ng likod ni Hames, "Anong nangyare sa kaniya?" tanong ko.




Who's the enemy?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora