W.T.E:C4

4 3 8
                                    




"Ang magiging bago nating pinuno ay pagbobotohan ngayon," panimula na ng ama ni Hames at agad namang may nagtaas ng kamay, "Paano kung gawin nalang nating pinuno ang malakas na lalaking iyon," turo nito kay Xykier na nakaupo lang sa gilid, "Halimaw." 'yun ang naririnig ko ngunit 'di ko maintindihan kung bakit nila tinatawag na halimaw ang lalaking iyon.




"Baka nakakalimutan niyo na hindi maganda ang tingin sa kaniya ng mga tao," sabat pa ng isang babaeng tumayo, "Pero ang lakas niya ay nababagay sa isang pinuno." laban pa ng isa kaya nagusap-usap sila, tumingin naman ako kay Xykiel na parang naiinip na.


"Kung siya ang gagawin natin pinuno, hindi ba't masyadong bata at walang alam tungkol sa pamumuno?" sabat pa ng iilan at nagusap usap ulit sila. "Napagdesisyunan na ang magiging pinuno," sambit ng ama ni Hames at lumabas ang isang lalaking may malaking katawan at mukhang nasa 30+ years old pa lamang ito.



"Siya lang lider ng hukbo ng bantay at siya rin ang magiging pinuno." sambit ng ama ni Hames at wala nang tumutol pa, tinanong ang mamamayan kung sino ang tututol ngunit wala nang nagabala pa, agad naman akong kinalabit ni Ryssa at sisimulan na namin ang plano.



Dali-dali na kaming naglakad habang nagsasalita pa ang bantay ng hukbo na magiging pinuno, malayo narin ang amoy ni Xykier mula sa amin, habang tumatakbo kami ay natatanaw na namin sila Joel at Hames na hinihingal at halatang galing din sa takbo.



"Tara na." sambit ni Hames at naglakad na kami, nakatawid na kami ng tulay at dumeretso na kami kung saan kami pumunta kaninang umaga, maliwanag na ngayon kaya nakita namin ang laki ng batong harang, dali daling lumapit si Ryssa sa batong harang. "Woah," namamangha niyang saad habang hinahawakan ang bato at tinitignan ang laki nito.



"Wala na tayong time, matatapos na ang pulong," sambit ni Hames at tumakbo na kami papunta sa labasan, may mga bantay parin dito, "Paano tayo lalabas?" tanong ni Ryssa kay Hames habang nakatago kami dito sa damuhan at sinisilip ang mga bantay.



"Ganito ang plano." sambit ni Hames at nagsimula na kaming makinig.



Malaki ang katawan ni Joel kaya kami naman ni Ryssa ang nagnakaw ng damit pang hukbo, dali dali ng pumunta si Joel habang nagpapanggap na isa sa mga hukbo, "May hinimatay na bantay sa likod." sambit ni Joel sa mga bantay, "Hindi namin tungkulin iyon," sambit ng bantay na ikinakaba namin, "Mali," sambit ni Hames at napatingin kami sa dalawang bantay, "Ako na ang bahala," sambit ko, tinakpan ko ng tela ang bibig ko at dahan dahang lumapit sa mga bantay.





Habang kausap nila si Joel, nasa likod ako at agad kong sinuntok patalikod ang isang bantay na ikinatumba niya, hindi pa nakakaharap ang pangalawang bantay ay nasuntok ko narin.



"Xianne ba't mo ginawa 'yon?" gulat na saad ni Joel, "Itago niyo na sila," sambit ko at tumakbo naman palapit sina Ryssa at tinago ang dalawang bantay, "Tara na." sambit ni Hames at dahan dahang binuksan ang malaking bato habang kumikinang ang mata ni Ryssa.




Dahan-dahan nang nagbukas ang bato at kitang kita ang saya ni Ryssa sa liwanag na nakikita niya mula sa labas, Dali dali na kaming lumabas isa-isa, unti lang ang bantay sa tuwing may pulong kaya ito ang chance namin para tumakas.



Tumakbo na kami palabas, tinanggal na ni Joel ang suot niyang pang hukbo na may takip sa mukha, Sobrang excited ni Ryssa kaya nangunguna siya sa pagtakbo, "Malaya na tayo," sambit ni Ryssa habang tumatakbo, nagsara na ang batong pinto at sa paglabas namin ay may masukal na daan ng kagubatan ngunit pag humarap ka sa harap ng batong harang ay makikita ko ang tagong pintuan na parang pinoprotektahan ng maigi ang lugar, tago ito at napapalibutan ng kagubatan kaya mahihirapan itong makita.



Who's the enemy?Where stories live. Discover now