W.T.E:C2

6 3 7
                                    



"Umaasa ako sa'yo anak."

"Ikaw ang tatapos sa maling ginawa ng mama ha,"

"Mahal na mahal kita, anak pasensya na kailangan ko itong gawin."

"Matulog ka muna." sambit nito na may mapait na ngiti, naramdaman ko ang dahan dahang paglabo ng mata ko.










8 YEARS LATER...




"Xianna anak, tawag ka nila Ryssa sa labas," sambit ni papa mula sa labas, "Palabas na." sambit ko habang nilalaro ang kutsilyo sa harap ko, maliit na kutsilyo lang ito pero naantig ako sa blade nito, naglakad na ako palabas at nakita ko ang kumakaway na si Ryssa, katabi nito si Hames.


"Xianne halika! may nakita kami!" sigaw nito kaya agad akong tumakbo papunta sa kanila, "Papa, alis muna ako." sigaw ko at narinig ko namang tumugon si papa.



"Anong meron?" tanong ko sa nakangiting si Ryssa, agad naman siyang lumapit sa akin at bumulong, "May nakita kami sa gubat," bulong nito.

Si Ryssa, may kaliitan pero maputi ay mayroong maiksing buhok habang ang akin naman ay mahaba, si Hames naman ay matangkad at may pataas na buhok. habang si Joel ay matangkad at matipuno ang pangangatawan na parang laging nag eexercise at bagsak ang buhok.



"May nakakita ba sa inyo?" mahina kong tanong at agad siyang umiling, "'Wag kang mag alala, wala." sambit pa nito at tumingin kami sa paligid, naglakad na kami papunta ng gubat para tignan kung ano ang nakita nila.

"Sabi nila sa labas daw ng malaking batong harang may tinatawag daw do'n na City, may nabasa rin akong libro tungkol sa City na tinago nila mama at papa sakin pero dahil magaling ako nakita ko iyon." kwento pa nito habang naglalakad kami.


"Yeah, City is a modern place, there's a lot of airplanes and boats there, ginagamit nila yo'n sa transportasyon," sambit ni Hames, "Madami ang modernong kagamitan do'n based sa book na binasa namin ni Ryssa." pahabol pa nito, may secret hide out kami kung saan nagpaplano kaming lumabas dito sa batong harang ngunit malawak ang tinitirahan namin kaya hindi namin makita ang dulo ng lugar na 'to.


"Andito na tayo," excited niyang saad at nandito rin si Joel na napatingin sa akin at agad ko siyang tinanguan, "Tignan mo'to, nahalungkat namin dito banda sa gubat." sambit ni Ryssa kaya agad ko na itong hinawakan at inalis ang dumi nito, tinignan namin ito.


"Para siyang isang recorder na nakita ko sa book," sambit ni Ryssa at agad naman naming tinignan ang mga pindutan nito, "Tignan mo may pindutan," sambit ni Joel sa likod at pinindot ko iyon, nagulat kami ng nagplay iyon ng isang tunog.


"Ano 'to." sambit ko at agad na inilabas ni Hames ang libro at may hinanap siya, habang ako ay tinitignan ang maliit na bagay na'to na nagpapatugtog ng kung anong tunog, "Ito tignan niyo, recorder 'yan na naglalabas daw ng musika," paliwanag niya pa habang nakatingin sa libro at agad ko itong binigay kay Ryssa.



"Walang kwenta," sambit ko at naglakad na papunta ng hide out, dito namin nilalagay ang mga gamit na nakukuha namin mula sa gubat at sa iba pang parte ng lugar dito, "Sa tingin ko, may alam ang mga matatanda tungkol sa labas ng batong harang, pero ba't tinatago nila 'yon sa atin?" sambit ko habang nakahiga sa duyan ng hide out at iniikot ang kutsilyong hawak ko.



Matagal na rin kaming nagiimbestiga sa paligid at tungkol sa batong harang.



Pumasok narin sila at tinabi ang recorder na iyon sa gilid, ang hide out namin ay gawa lang sa kahoy ngunit may malaki naman itong pwesto. umupo na sila sa upuan dito sa tabi ko.



Who's the enemy?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora