W.T.E:C1

9 4 8
                                    

I cried a lot while looking at my mom's desperate face.

"M-mom, s-top please,"

"Mom, it h-hurts,"

"Mom, 'di ko na po kaya, s-stop please,"

"STOPPPPP!"


Unti-unting bumukas ang mga mata ko at sa liwanag na nakikita ng mata ko, nasaan ako?

Anong mayroon?

Tumayo ako ng dahan dahan habang nararamdaman ang sakit ng ulo ko, umiyak ako at nagsimulang magingay dahilanupang makarinig ako ng yapak ng paa mula sa 'di kalayuan, may isang matandang lalaki na kulubot na ang balat ang lumapit sa akin.

"S-sino ka?" sambit ko habang umiiyak at niyakap niya ako, "G-gising ka pala anak" Nangingilid na ang luha ng matanda,   "X-xianne anak,." Habol pa nito at niyakap ako ng panandalian.

Xianne is my name?

Ngumiti ang matanda sa'kin ngunit wala parin akong maintindihan sa paligid, kaano-ano ko ang matandang ito? Hindi ko maalala.

Sinamahan ako ng matandang ito palabas at hawak hawak niya ang kamay ko, nakalabas kami sa isang kubong bahay na gawa sa kahoy, mabilis ang pintig ng puso ko habang naglalakad palabas, tila ispesyal ang nangyayari ngayon.

Nagliwanag ang mukha ko ng nakita ko ang ganda ng paligid, ang mga ibong lumilipad-

Naramdaman ko ang pagpatak ng tubig mula sa mata ko, ano 'to, tubig na lumalabas sa tuwing nalulungkot at nasasaktan ako?


luha

Natagalan ako sa pagtitig sa ganda ng paraisong nakikita ng dalawa kong mata, agad kong pinunasan ang luha dahil ito ay harang sa aking nakikita, totoo ba ito? O isang masamang panaginip?

Ngunit pano ito naging isang panaginip kung ito ay tila isang pangarap na matagal ko nang gustong makamit?

Napakaganda at hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nadarama, ang ganda ng lugar na ito at ayoko na muling umalis pa.


Sa katapusan ng aking paglinga-linga ay napansin ko ang matandang nakahawak sa aking palad na nakatingin sa akin.

"Sino ka?" hila ko sa kamay ko habang nakatingin sa matandang nasa tabi ko, ngumiti ito na tila hindi ko maipaliwanag kung ano ang ninanais niya, tumingin ako sa aking harap, madami ang mga tao sa paligid at ang araw, oo ang araw napakaliwanag at nakakabulag ang ganda.



Ngayon ko lang nakita ang lahat ng ito sa buong buhay ko at tuloy parin ang patak ng luha sa mata ko habang tinitignan ang paligid, dumadampi ang init ng araw mula sa balat ko na ikinatuwa ko.


"Tignan niyo, gising na siya, 'yung babae gising na!" narinig kong sigaw ng isang babae mula sa malayo.

Tumatakbo sila papalapit sa aming pwesto at ngayon ko lang napansin na kasing laki ko lang ang babaeng nasa harap ko, may mga kasama ito na nasa likuran niya.

"Xianne ang pangalan mo, Xianne Koziah." Bulong ng katabi kong matanda, "Ako si papa Jose, ang magiging papa mo mula ngayon." Habol pa nito na may ngiti sa labi ngunit naguguluhan parin ako, anong sinasabi niya? nasaan ako? anong lugar 'to at nakikita ko ang mga bahay na yari sa kahoy at mga puno sa paligid.

Tuloy parin ang daloy ng luha sa mata ko habang tinitignan ang paligid, ang pakiramdam ng kalayaan, nararamdaman ko ngayon.

Napakarami na yatang tubig ang nasasayang sa aking katawan dahil sa pagluha.

Who's the enemy?Where stories live. Discover now