Perfect illusion

51 2 0
                                    


"Babe Gala tayo?  " Lumapit ako sa boyfriend ko na nagluluto at niyakap siya mula likuran.


" Babe tapusin ko lang to malapit na tong maluto kaya magbihis kana para mamaya aalis na tayo. " hinalikan ko siya sa pisnge bago pumasok sa kwarto at naghanap ng dress na pweding suotin.

Papasok na sana ako sa cr para maligo ng biglang pumasok si dave. 


" oh Babe bakit ka nandito?  Tapos na yung niluluto mo?"

"Hindi pa.  Pero nakalimutan ko kasing sabihin na wag kang mag suot ng dress at maikling short. "  sumimangot ako sa kanya kaya tumawa siya at lumapit sakin.

" Sige na maligo kana. Tapusin ko lang yung niluluto ko. " hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ulit sa kwarto.

Naka simangot kung binalik ang dress at nag hanap ng pants at crop top.


Dave is my boyfriend. Tatlong taon na kaming nagsasama and limang taon kaming may on.  Simula nung pumayag yung mga magulang namin bumukod na kami sa kanila. Nung una mahirap lalo na hindi ako sanay sa gawaing bahay pero palaging nandiyan si dave para turuan ako kahit pagod siya galing trabaho palagi siyang may time para sakin.  Saming dalawa siya lang ang nag t'trabaho samin dahil ayaw niyang magtrabaho ako. 

" Babe im done. Maligo kana don. ako na tatapos dito. " lumapit siya sakin at niyakap ako. 

" Parang nagbago ang isip ko.  Dito nalang kaya tayo. " kinurot ko siya dahilan para tumawa siya.

" Sige  na maligo kana.  Para maka alis na tayo. " ngumiti siya sakin ng nakakaloko kaya umatras ako sa kanya.

" Hindi ako sasabay sayo.  Tapos na ako kaya maligo ka na don. " tumatawang tinalikuran niya ako kaya napa iling nalang ako habang papuntang kusina para tapusin ang kanyang niluluto.

Inayos ko ang mesa para makakain na kami bago umalis. " Babe di kapa ba tapos? " sigaw ko

" Wait lang babe nagbibihis pa.  Gusto mo akong tulungan? " sigaw niya din pabalik pero hindi na ako sumagot pa.

Sanay na ako sa kapilyuhan ni dave at hindi na bago sakin yon.  Sa limang taon naming magkarelasyon may nangyari na saming dalawa.  Binigay ko ang sarili ko sa kanya ng buong puso dahil alam kung hindi niya ako sasaktan.  Alam kung hindi niya ako iiwan.

" Hey.  Anong iniisip mo? " napatingin ako sakanya at ngumiti.

" Nothing.  Kain na tayo? " tumango siya sakin kaya nilagyan ko ng pagkain ang kanyang pinggan at ganon din naman yung akin.


Pagkatapos naming kumain hinugasan ko muna ang aming pinagkainan bago kami umalis.

" Fasten your seatbelt. "

" Done. Saan tayo pupunta? " i ask habang nakatingin sa labas.

" Where do you want? " tinignan ko siya.

" Mall?  Gusto kung sumakay ng mga rides. " sinulyapan niya ako at tumingin ulit sa kalsada.

"Mamaya pa magbubukas ang mga rides kaya mag ikot ikot muna tayo sa mall. "

Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa labas ng bintana.  Tahimik kaming nakarating ng mall at ginawa nga namin ang sinabi niya.  Nag ikot ikot kami sa buong mall at binibili ang mga damit na nagugustuhan namin. 

Alas kwatro na kaming natapos kaya niyaya ko siyang pumuntang jollibee dahil nagugutom na din naman ako.

" Babe akin na yung pinamili natin ilalagay ko sa kotse para wala na tayong bibitbitin mamaya. " tumingin ako kay dave at sa pagkaing inorder namin.


Short Stories Compilation (Under Revision)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora