My second love story

153 26 0
                                    



"Babe gusto mo ba gumala tayo? " sabi ko sa fiance ko.  Habang naka tingin sa tv pero nabigla ako ng biglang tumayo si keith.



" Hindi na pagod ako.  Kaylangan ko na palang umalis babe. " sabi niya at nagmamadaling umalis.



Napa buntong hininga nalang ako dahil this past few  weeks tuwing pupunta siya dito sa bahay kahit wala pang isang oras aalis na agad siya dati rati hindi naman siya ganyan  minsan nga siya pa magyaya na lalabas kami. Dati nga kahit busy siya pupuntahan niya talaga ako dito sa bahay para lang yayaing lumabas. 

Hindi kasi kami magkasama sa iisang bahay  Kahit matagal na kaming dalawa hindi parin kami pinayagan ng parents namin na magsama sa isang bubong.  Kahit nga  engaged na kami ayaw parin pumayag ng mga parents namin kaya naman kapag may free time lang kami magkasama lalo na pag pupunta siya dito sa bahay doon lang kami may oras para sa isat isa pero lately palagi siyang walang oras sakin palagi siyang ilag sakin na para bang may nagawa akong di niya nagustuhan na para bang galit siya sakin kung akoy iwasan niya. 




Hindi ko nalang inisip ang mga napapansin ko kay Keith at kinumbinsi ko nalang ang sarili ko sa isipang busy lang talaga siya sa trabaho. 



Kinabukasan maaga akong gumising dahil na isipan kung ako naman ang pupunta kay Keith kaya alas nuwebe palang nakapagbihis na ako at agad akong nagpaalam kila mama para maaga akong makarating sa apartment ng boyfriend ko dahil plano ko din na ipagluto siya  ng pagkain. 



Pagdating ko sa apartment ni keith agad akong nakapasok dahil may binigay siya saking susi. 
Dumeritso ako sa kanyang kwarto para tignan kung tulog paba siya at ng makita ko na mahimbing siyang na natutulog pumunta naman ako sa kusina para makapaghanda ng pagkain. 




Alas onse na ng matapos ako sa pagluluto kaya pinuntahan ko ulit sa kwarto ang boyfriend ko upang gisingin at para makakain narin kami. 






" Babe gising na its already eleven. " sabi ko pero hindi parin siya gumising kaya naman mahina kung tinapik ang kanyang pisnge dahilan upang gumalaw siya at inaantok na tumingin sakin. 




Gulat siyang napatingin sakin at agad hinila ang kumot para itakip sa kanyang katawan.  Naka boxer lang kasi siya kaya kita ang mga bagay na hindi dapat na makita. 





Natatawa akong umiling sa kanya at na unang naglakad.  " bilisan mo diyan naka handa na ang pagkain.  "





Naka upo na ako sa mesa at nilalagyan ng pagkain ang kanyang pinggan ng bigla siyang pabagsak na umupo sa aking harap.



" okey ka lang? May problema ba-"




" Ayos lang ako.  Kumain na tayo. " tumango nalang ako sa kanya at tahimik kaming dalawa na kumain kaya agad ding natapos. 


Hinugasan ko muna ang mga pinagkainan namin bago sumunod sa kanya sa kwarto at nakita ko siyang naka higa sa kama habang hawak ang kanyang cellphone.



" Babe gala tayo.  Gusto kung pumuntang mall-"





" Ikaw nalang tinatamad ako ." Sabi niya kaya nalungkot ako at tahimik siyang tinalikuran upang maka alis. 



" Hayss.  Sige na nga hintayin mo ako sa labas. Magbibihis lang ako. "  narinig kung sabi niya kaya masaya akong humarap sa kanya ngunit naka talikod na siya sakin kaya umalis nalang din ako at hinintay siya sa sala.




Hindi din naman siya nagtagal at agad din naman siyang lumabas kaya agad akong sumunod sa kanya at pagbaba namin nabigla ako ng ibigay niya sakin ang helmet.



Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now