My best friend

43 1 0
                                    



" My bestfriend "
#Oneshot

" Ry Bakit ka nandito? " tanong ko sa bestfriend ko dahil umagang umaga nandito na agad sa bahay. 

" Wala akong magawa sa bahay. "

" Edi puntahan mo si trisha. " tumabi ako sa kanya at inihilig ang ulo sa sofa. 

" Sa tingin mo papayag si trisha kung liligawan ko siya. " Inis akong tumayo at pumuntang kusina. 

" Hoy!  Kinakausap pa kita.  " hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ako ng tinapay at cheese. 

" Bakit ba tuwing si trisha ang pinag uusapan natin nagagalit ka? " napalunok ako at biglang napa tigil sa ginagawa. 

" Hindi ako galit. "

" Bakit bigla kang umalis kung ganon. " inilapag ko sa pinggan ang tinapay bago lumingon sa kanya. 

" Nagutom lang ako- "

" Nagseselos kaba? " agad akong umiling sa kanyang tanong pero kinabahan ako ng lumapit siya sakin. 

" Yung totoo nagseselos kaba kay trisha? "

" Hindi!  Yon ang totoo kaya pwedi ba tigilan mo na ako. " inis kung kinuha ang tinapay at padabog na umalis sa kusina. 

" Pwedi mo ba akong samahan? " tumango lang ako sa kanya habang nanonood ng tv. 

" Sige magbihis kana ngayon na tayo aalis. "

" Ano! Baliw kaba?  Alam mong hindi ako pwedi ngayon-"

" Pero tumango ka nung tinanong kita kaya dali na samahan mo na ako. " padabog kung binitawan ang pinggan na hawak ko at walang salitang iniwan siya sa sala. 

" Anong gagawin natin dito sa mall? " bagot kung tanong sa kanya dahil pagkatapos kung nagbihis kanina dinala niya ako dito. 

" Samahan mo akong mamili. "

" Aba mapatang!  Gagawin akong taga buhat ng mga pinamili- Aray! " inis ko siyang tinignan ng pitikin niya ako sa noo. 

" Wala akong sinabi na ikaw ang mag bubuhat sa pinamili ko.  Dinala kita dito para tulungan ako sa pagpili. " hindi na ako nag salita at na una nalang na bumaba sa kanyang kotse. 

" Bilisan mo!  Ang bagal. " pumasok kami sa mall at tahimik lamang akong naka sunod sa kanya hanggang sa tumigil kami sa flower shop kaya gulat akong tumingin kay ryan. 

" D-dont tell me-"

" Oo bibili tayo ng bulaklak kaya bilisan mo diyan. " gulat parin akong nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala. 

' Ito na ba yong hinihintay ko?  O assumera lang talaga ako. '

" Bell dito ka nga.  Anong maganda? " pinilit kung hindi ngumiti habang naka tingin sa mamahaling bouquet. 

" Roses " maikli kung tugon sa kanya. 

" Sa tingin mo magugustuhan to ni trisha? " para akong nabingi sa kanyang tanong at ilang minuto bago nag sink in sa utak ko ang sinabi niya.

" H-ha?  A-anong s-sabi m-mo? " bawat salitang lumalabas sa aking bibig pakiramdam ko mas lalo akong nasasaktan. 

" Tatanungin ko kasi si trisha ngayon kung pwedi ba akong mangligaw at hindi ko alam kung ano ang gusto niya kaya naman sinama kita dito. "

" S-si-sinama m-mo a-ako p-para l-lang t-tulungan k-kang p-pumili n-ng b-bulaklak? " kahit naguguluhan siya sa inaakto ko walang pag aalinlangan na tumango siya sakin. 

Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now