It's forbidden but i love him

64 1 0
                                    



" Ma diba sabi mo may mga anak si tito? "
Walang interest kung tanong ko kay mama habang kumakain kami ng mangga.

tumingin si mama sakin na para bang sinusuri kung anong emosyon ang mababasa niya sa muka ko " Oo, may dalawa siyang anak nandon sila sa mama nila. "

Napabuntong hininga ako bago magtanong ulit sa kanya " ilang taon na kayo ni tito aries? "

"Apat na taon-" tumayo ako pagkatapos kung marinig yung sagot na gusto kung marinig galing sa kanya at pumunta sa kwarto ko para kumuha ng jacket.

Pagkalabas ko nakita ko si mama na nag alalang naka tingin sakin kaya napa iwas nalang ako ng tingin " Akin na yung pera ako na ang bibili ng ulam natin sa palingke. "

" Pero di mo pa kabisado papuntang palingke baka mawala ka. "

" hindi naman ako tanga at isa pa malapit lang naman yung palingke." naiinis kung sabi

Napa buntong hininga nalang siya at kahit napipilitan binigay niya sakin ang pera " mag iingat ka tawagan mo ako pag di mo alam yung daan pupuntahan-"

" sige , alis na ako "  sabay talikod sa kanya at naglakad palabas

Apat na taon? ibig sabihin matagal na niyang niloloko si papa at diman lang siya nag abalang sabihin ito kay papa ng ito pay nabubuhay siguro kung di ko pinakialaman yung fb niya di kopa malalaman na may kinakasama na siyang iba.  Iniisip ko pa lang si papa na nangungulila kay mama noon kasi ayaw ni mama umuwi kasi mas gusto nitong mag trabaho para daw sa pag aaral ko ngunit wala kaming ka alam alam na iba na pala trinatrabaho niya. 

Nung nalaman ko na may ibang kinakasama si mama para akong pinagsakloban ng langit at lupa parang nawala bigla yung pangarap ko para sa pamilya ko parang gusto kung mamatay sa oras na yon.  Yung sakit na naramdaman ko walang katumbas. parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala hiniling ko sa oras na yun na sana pala di ko pinaki alaman yung fb ni mama.  Sana di ko nalamg nalaman . hindi ko alam kung bakit bigla kung nabuksan yung fb niya kahit di ko naman alam kung ano password  nito siguro naka tadhana talaga na malaman ko na yung inaakala kung perpektong pamilya isa lang palang ilusyon.

Napa buntong  hininga ako ng maramdaman kung namasa yung mata ko kaya tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha. 

Pinakalma ko muna ang  sarili ko bago tumingin sa dinadaan ko ng mapansin kung hindi ito ang daan papuntang palingke. 

Naghanap ako ng taong pweding pag tanungan at saktong may nakita akong lalaking naka upo sa gilid ng kalsada habang ang kasama nito ay naka upo sa bike na naka hinto

" Excuse  me , saan yung daan papuntang palingke? " tanong ko sa kanila ng maka lapit ako tumingin naman sakin yung lalaking naka upo sa bike na sa tantya ko mag ka edad lang kami .

Tinignan ako nito mula hanggang paa bago muling tumingin sa mata ko "diretso ka tapos kumaliwa ka diyan tapos kumaliwa ka ulit at yon na nasa harap muna non yung palingke." sinasabi niya yon habang naka tingin sa daan kaya tango naman ako ng tango at tinandaan yung sinabi niya.

" Samalat ."ngumiti ako sa kanya bago siya tinalikuran pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng napa hinto ako dahil may humawak na sa kamay ko kaya tinignan ko ito. 

" di ka man lang ba mag papakilala sakin? " seryoso niyang tanong kaya napa irap ako sa kawalan.

" Pea , just call me pea " binitiwan nito ang kamay ko kaya tumikod ulit ako.

" My name is hans. " narinig kung sigaw niya ng medyo maka layo na ako kaya lumingon ako at nakita kung nakatingin siya sakin habang naka ngiti kaya tipid naman akong ngumiti. 

Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now