Suicide

114 26 1
                                    


" H-hello M-ma , uwi ka muna please! Kaylangan ko po kayo. " Humihikbing turan ko kay mama.

" Chlariz anak. Sorry hindi ako makaka uwi kasi birthday ng tito mo ngayon hindi ako pweding umalis. "

" Pero ma-"

" Sige mamaya na nandito na ang mga bisita. " sabi niya sabay patay sa tawag.


Napangiti ako ng mapait dahil ang akala ko may mapapagsabihan na ako pero wala parin pala. Mas importante kay mama ang bago niyang pamilya kisa sakin, samin.

--------------

Lumapit ako kay ate para sana kausapin siya.

" A-ate"

" Ohh! Bunso bakit ka umiiyak? "

" A-ate t-tu-tulungan m-mo a-ako na r-rape po ako. N-ni r-rape po n-nila a-ako." Yes im a rape victim at nakakahiya mang sabihin pero hindi kona kayang sarilinin ang bangungut na nangyari sakin. Bawat araw na dumaan mas lalo akong nahihirapan. Bawat araw na lumilipas para akong unti unting pinapatay.

" Alam mo chlariz hindi mo ako maloloko. Alam kung prank to tapos ipopost mo sa social media. Nako! Wag ako at wala akong oras na makipag lokohan dahil aalis pa ako dahil may date pa kami ng boyfriend ko. " sabi niya sabay talikod sakin.

Sa pangalawang pagkakataon napa ngiti ako ng mapait habang naka tingin kay ate na papaalis. Kalokohan na pala ang mag sabi ng totoo? Kalokohan na pala ang aminin ang bagay na kinakahiya mong nangyari pa sayo? Sana nga prank lang to , para wala akong maramdamang pandidiri sa sarili ko. para hindi ako nasasaktan ngayon. How i wish na panaginip nalang ang lahat ng nangyari.

-------------

" Baks , napapansin kung palagi kang absent. Anong problema? Napapansin ko din na palagi kang wala sa sarili. "

Nagkaroon ako ng pag asa ng lapitan ako ng bestfriend ko. Sa wakas may mapagsabihan din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit at doon binuhos lahat ng luha na ilang araw ko ding pinipigilan.

" B-baks , n-na r-rape a-ako! Ni rape nila ako! At wala akong nagawa para pigilan sila. Wala akong nagawa para ipaglaban ang sarili ko- "

" Wait! Yon lang? Nako chlariz akala ko kung ano na. Ni rape kalang pala! Ang drama mo, ako nga hindi na rin virgin. Sige kaylangan ko ng umalis dahil gagala pa kami ni abby. "

" P-pero b-baks-"

" Bye. Wag munang isipin yon. Maliit na bagay lang yon. "

Napa upo sa sahig ng talikuran ako ng bestfriend ko. Talikuran ako ng taong importante sakin. Talikuran ako ng taong akala ko masasandalan ko sa panahong kaylangan ko.

------------

" Chlariz anak alis na ako. "

" P-pa uuwi po ba kayo mamaya? "

" Chlariz anak, Pasensya na hindi ako makaka uwi mamaya marami kasing trabaho. "

" P-pero papa may sasabihin sana ako. Kaylangan ko po ng kausap pa. May problema po ako-"

" Kausapin mo nalang ang boyfriend mo , busy ako. " Sa pangatlong pagkakataon tinalikuran ulit nila ako.
Palagi nalang! pero ayos lang sanay na ako. Gusto ko lang naman talaga ng makaka usap ngayon pero parang wala ata silang pakialam.

Lumipas ang ilang araw hindi ako pumasok. Nandito lang ako buong maghapon sa kwarto at wala man lang ni isa sa kanila ang lumapit para kamustahin ako.


Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now