Until our paths cross again

190 24 0
                                    


" Zhaira sigurado kana ba sa gagawin mo?"

" Jam, alam mo namang planado na ang lahat. " sabi ko sa kaibigan ko at nagpatuloy sa paghahanap ng pweding suotin mamaya.

" Ok basta mag ingat ka sa kanya dahil ang balita ko matinik yun sa babae. "

" Wala akong paki alam dahil ang gusto ko lang magalit sila mommy at daddy sa kanya. " umiling siya sakin at tinulungan ako mag hanap ng magandang damit.

Kaylangan kung maging maganda mamaya para magawa ko ang matagal ko ng plano. Kaylangan kung maakit siya sakin at mapalapit sa kanya.

" Sasama ako sayo, Oh ito suotin mo "
Binigay niya sakin ang maikling dress.

" Sumama ka kung gusto mo pero wag kang tumutol sa plano ko. " tinignan ko ang oras at may isang oras nalang kami para mag ayos.

" Magbihis kana para maaga tayong maka alis. " sabi ko at pumasok sa cr para magbihis. Pagkatapos nag lagay na din ako ng make up.

Tapos na akong mag ayos kaya pinuntahan ko na si jam sa kabilang kwarto. " bilisan mo aalis na tayo. "

Binuksan niya ang pintuan kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

" Ang ganda mo. "

" ikaw din naman." Ngumiti ako sa kanya at nag desisyon na kaming umalis.

Sakin na siya sumakay since sa condo ko siya matutulog ngayon para matulungan ako sa plano ko about don sa lalaking higad.


Pagdating namin sa bar bumungad agad samin ang amoy ng alak at sigarilyo. Pero hindi ko nalang pinansin at nagsimula na akong maghanap sa taong sadya ko.

" Alam mo ba kung saan siya tumatambay? "

" Oo, syempre nag tanong ako sa mga nakakakilala sa kanya " tinignan ko siya ng masama.

" Alam mo pala hindi mo man lang sinabi. Tara na nga. " tinulak ko siya para mauna sakin.

" Dito tayo umupo para malapit sa kanya ." sabi niya pero hindi ako nakinig at inilibot ko ang aking paningin.

Hinili niya ako dahilan para mapa upo ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Lingon ka ng lingon pano pag mahalata ka niya. "


" Saan nga kasi siya. " Bagot niyang tinuro ang kaharap naming table.


Tinignan ko ang kanyang tinuro at Napa ngiti ako ng makita ko si kairo. Kaya naman pala hindi ko makita kanina kasi ang daming babaing nakapalibot sa kanya.

' Malandi '

" Gawin na natin ang plano. " ngumiti lang siya sakin kaya lumapit na ako sa waiter na may dalang alak at kumuha ng isang baso.

Tinignan ko siya at nakita kung naka tayo na siya sa likod ni kairo at hinihintay ko nalang na sumenyas siya sakin at ng tumango siya naglakad na ako palapit sa kinaroroonan nila.

Nasa likod na ako ni kairo ng pinatid ako ni jam dahilan para mabuhos ang dala kung alak sa damit niya at muntik pa akong masubsub sa table kaya palihim kung tinignan ng masama si jam na ngayon tumatawang naglakad papalayo samin.

" Shit! Bulag kaba? Tignan mo nabasa tuloy ang damit ko! Tanga!" Napa tingin ako kay kairo na ngayon pinag tutulungan ng mga babae para punasan ang damit niyang nabasa.

Tinignan ko siya ng masama. Kung wala lang akong plano sa kanya kanina ko pa siya sinampal. Huminga muna ako ng malalim bago nagpanggap na nag pa'panic


Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now