My promise

123 24 1
                                    

"Maam pinatawag niyo daw ako? " hinihingal kung tanong sa adviser namin dahil papauwi na sana ako kanina ng sabihin ng kaklase ko na pinatawag daw ako kaya agad akong tumakbo dito sa office ni maam. 

" Mr. cayman gusto ko lang itanong kung makakapunta ba ang papa mo sa paparating na graduation natin.  Top one kapa naman kailangan na may pumuntang kamag anak mo."

" Opo maam makakapunta po si papa. " alanganing sagot ko. 

" Mabuti kung ganon.  Sige pwedi kanang umuwi. "  tumango muna ako bago tumakbo papalabas ng office dahil kailangan kung umuwi ng maaga at hindi ako pweding gabihin lalo nat naglalakad lang ako pauwi samin.

PAGDATING KO sa bahay agad kung nakita si papa na naka abang sakin sa pintuan kaya agad ko siyang niyakap. 

" Pa , april 7 kailangan mong pumunta sa school namin. " masayang sabi ko kay papa at pinaupo siya sa upuang malapit samin. Close  kami ni papa dahil kami nalang dalawa ang magkasama simula ng iwan kami ni mama at pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para  kay papa. 

" Ano naman ang gagawin ko don? "

" Syempre top one ang anak niyo kaya kailangan nandon kayo. " Mayabang akong ngumiti kay papa at bakas ang gulat sa kanyang mukha. 

" Talaga anak?  Ang galing mo talaga , mana sakin. Pero pasensya kana nak wala akong mahahanda sa graduation mo. "


" Ano kaba pa ayos lang yon. Pumunta kalang sa graduation ko ayos na sakin.  "

" Syempre naman pupunta talaga ako.  Hindi pweding hindi.  "

HABANG PAPALAPIT ang araw na hinihintay ko sumabay naman ang pagkasakit ni papa. Naghahanda kami non para sa nalalapit naming graduation kaya todo ang practice namin sa dapat naming gagawin ng biglang ibalita sakin ng isa sa mga kapitbahay namin na sinugod daw si papa sa hospital. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng sabihin sakin ng doctor na may sakit si papa. Stage 4 liver kung tawagin ay cirrhosis.  Parang pinagsakloban ako ng langit at lupa dahil sa nalaman at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nagkanda utang utang kami dahil subrang mahal ng mga gamot na iniinom ni papa.

" Pa , kapit ka lang malakas tayo kaya natin tong lagpasan.  "



" Albert anak iuwi muna lang ako.  Alam kung habang lumilipas ang araw palaki ng palaki ang babayaran natin dito sa hospital.  " Umupo ako sa tabi ni papa at ngumiti para ipakita sa kanya naayos lang ang lahat. 




" Pa wag munang isipin yon ang mahalaga gagaling ka-"


" Sa bahay nalang ako magpapagaling."

MONDAY NG inuwi ko si papa sa bahay pero tuloy tuloy parin ang pag inom niya ng gamot. Nabayaran narin namin ang bill namin sa hospital sa tulong ng mga kaibigan at mga taong malalapit samin. 

" Pa kailangan mong kumain.  Kailangan mong magpalakas diba sabi mo pupunta kapa sa graduation ko?  Malapit na pa,  ilang araw nalang matutupad kona ang pangarap ko at ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpursigi na mag aral.  "

" Oo naman ako ang aakyat sa stage para isabit ang medalya mo. " ngumiti ako kay papa at pinagpatuloy siyang pakainin. 

" Albert anak oras na.  Iwan muna ako dito kailangan munang pumasok. "


" Pero pa-"

" Ayos lang ako.  Sige na pumasok kana wag ng makulit. " bumuntong hininga akong lumapit sa kanya at inayos ang higaan ni papa.

Short Stories Compilation (Under Revision)Where stories live. Discover now