That should be me

54 1 0
                                    

" Babe wag mo na akong sunduin mamaya kasi marami kaming gagawing trabaho. " sabi ko sa boyfriend ko at ibinigay sa kanya ang helmet.

" Sigurado ka?  Kasi kung hindi kita susunduin mag p'practice nalang ako sa bahay. " tumango ako sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.

" Sige na,  ingat ka sa pagmamaneho. I love you. " sabi ko at sabay talikod sa kanya.

" I love you too.  Tawagan mo ako mamaya . " hindi na ako lumingon at kinaway nalang ang aking kamay. 
Hes Wency , my boyfriend.  Limang taon na kami ang still counting. Legal kami both side kaya malaya kaming magkita. At nasa tamang edad nadin naman kami kaya hindi na kami pinagbabawalan pa sa totoo nga niyan nag sasama na kami sa isang bubong. 

" Miss Castillo pinapatanong ni sir kung natapos muna ba daw yung pinapagawa niya? " napatingin ako sa ka officemate ko.

" Paki sabi hindi pa pero malapit na at ako nalang ang magbibigay sa kanya mamaya. " tumango siya kaya humarap na ulit ako sa computer. 
Isa akong designer at may project kami kaya kaylangan kung tapusin ito ngayong araw na ito.

" Jess tara sa canteen kain na tayo. " narinig kung yaya sakin ng kaibigan ko.

" Sige kayo nalang tapusin ko lang to."
Its already twelve noon pero hindi parin ako tapos kaya hindi muna ako kumain dahil kaylangan ko itong maipasa ngayon.

" Thanks god natapos din. " sumandal muna ako sa upuan para ipagpahinga ang aking likod.  Ilang minuto matapos magpahinga ay kinopya ko muna ang gawa ko at inilagay sa flash drive bago ibigay sa boss namin. 
Gabi na ng matapos ako sa lahat ng mga gagawin ko kaya wala na halos mga tao ang natira.  Inayos ko muna ang mga gamit ko bago bumaba para maka uwi. 

Maglalakad na sana ako para maghanap ng masasakyan ng biglang may humintong motor sa harap ko.

" Hi babe.  Kumain kana? "

" Sabi ko naman sayo na wag muna akong sunduin diba. " umiling siya sakin bago pinasuot sakin ang helmet.

" Magagawa ko ba yon? " hindi na ako sumagot pa at umangkas na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Tahimik lang kami buong byahe at mabilis naman kaming naka uwi dahil walang traffic.

" Babe tutugtog pala kami bukas para mag audition. " napa tingin ako sa boyfriend ko habang papasok kami ng bahay.

" Talaga?  Anong oras? "

" Hmm ten ng umaga. " napabuntong hininga ako dahil baka hindi ako maka punta. 

" Babe baka hindi ako maka punta-"

" Ayos lang ano kaba.  Sinabi ko lang sayo para alam mo kung saan ako bukas. " tumahimik nalang ako at nag isip kung paano ko siya mapupuntahan bukas.

Ang pagkanta ang hilig niyang gawin Kaya nanghihinayang ako dahil hindi ako makakapunta bukas.  Alam kung nadismaya siya lalo na't gustong gusto niyang nandon ako  pagkakanta siya.  Member siya ng isang banda at siya ang vocalista ng banda kaya subrang proud ko sarili ko dahil akin siya at ako ang kasama niya habang patuloy niyang kinakamit ang kanyang pangarap.

Kinabukasan nagising ako dahil sa alarm clock kaya kahit inaantok pa ako pinilit kung tumayo at mag ayos. pagbaba ko pumunta akong kusina ngunit wala si Wency kaya na isipan kung tawagan siya pero hindi sinasagot. 

Nagtampo siguro kaya maagang umalis kahit mamayang ten pa ang audition nila.  Kumain muna ako bago pumasok sa trabaho. 

" Jessel okey kalang?  Kanina ko pa napapansin na hindi ka mapakali ." Sabi ni cha at tumabi sakin.

" May audition kasi sila wency ngayon kaso hindi ako maka punta kasi may tatapusin pa ako. " sabi ko sa kaibigan ko.

" Hmm.  What if ako nalang gagawa ng trabaho mo at pumunta kanalang sa boyfriend mo. " nagliwanag ang mukha ko dahil sa sinabi niya at yayakapin ko na sana siya ng pigilan niya ako.

Short Stories Compilation (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon