Chapter 2

277 19 0
                                    

Coleen's POV.

"COLEEEN!!!"

Nagising ako sa isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng aming simpleng bahay. Alam ko na agad kung sino ito, sino pa ba edi walang iba kung hindi ang aking Mama na nanggigising. Haynako naman kasi ka aga aga pa naninigaw na agad. Bakit kasi ang aga nyang magising tapos sasabihin nya tanghali na ako gumising tapos ang dami na  niyang nagawa

Hayssst

"Po!, babangon na!" saad ko na lang pabalik dahil hindi naman titigil si mama hanggang hindi nya ako nagigising. Nanatili pa muna akong nakahiga sa aking kama at nakatingin sa kisame. Lumipas ang ilang minuto

" Coleen! Baka gusto mo ng gumising dyan hindi ka señorita, puro ka tulog dyan tanghali na andami ko ng nagawa, ikaw nakahilata ka lang dyan. Bumangon kana tanghali na bilisan mo. Wag mo na akong hintayin na bumalik pa ako dito sa kwarto mo" saad ni mama na nakapagpagising ulit sa akin. Pwede kana maging rapper Ma 

Shemsss nakatulog pala ulit ako. Sabi ko na ng aba ehh, expected ko na ang mga ganoong linyahan ni mama tuwing umaga saulo ko na nga ehh. Kaagad akong bumangon dahil nga malalagot ako kapag nakabalik pa dito si mama.

Inayos ko muna ang aking kwarto at yung itsura ko bago lumabas

"Goodmorning" nakangiting bati ko sa kapatid ko pagkalabas ko ng kwarto nasa salas lang si mark at nanonood ng T.v.

"Good afternoon" bati nito pabalik sa akin kaya nagtaka ako, afternoon? Maaga pa ah. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may bandang itaas ng aming T.v. Nakita ko ang oras pasado 11 na .

Shit! Totoo pala yung sinabi ni mama na tanghali na, napasarap pa yung tulog ko. Argghh ano ba yan

Napahawak na lamang ako sa aking buhok out of frustration, akala ko naman normal thing lang yun dahil madalas sinasabi sakin ni mama yun. Pero this time seryoso na pala sya

Ano ba yan Coleen

"Kakain na!" sigaw ni mama mula sa kusina namin. Agad naman tumayo ang kapatid ko at pinatay na ang t.v. namin. Lumapit ito sa akin at inilapit ang kanyang mukha sa akin.

Di tayo talo uyy kapatid ki-

"Matulog ka kasi ng maaga ate para hindi ka tinatanghali ng gising" na putol ang kung ano mang iniisip ko ng ibulong nya sa akin iyon. Tinapik nya ang aking balikat bago tuluyang lumukad papuntang dinning room habang tumatawa tawa pa

Humanda ka sakin mark, Hmmmmp

Dumiretso na lang ako sa kusina at nandoon na silang lahat, naka upo na at ako na lang ang hinihintay

"Ohh ayan na pala ang prinsesa natin ehh gising na" mapang asar na bungad sa akin ni papa bago ako tuluyan umupo sa aking pwesto

" Papa naman" nagtatampong saad ko sa kanya. Ang lakas nilang mang asar silang dalawa ng kapatid ko pero close ko yan si papa

Simple lang ang buhay namin dito sa pilipinas nananahi at nag didisenyo sila mama at papa ng mga damit, pero hindi naman gaanong mabenta at kakaunti lamang ang mga costumer namin. Minsan nanlilibre pa si papa sa mga kumpare nya ng mga repair sa pinapatahi nilang damit kaya hindi na kami umasenso. Lagi naman syang napapagalitan ni mama dahil dun pero mahal parin naman nila ang isa't isa maybe it's part of their relationship

Pero ayos lang yun masaya na kami sa ganun dahil kahit papaano nakakakain parin kami ng tatlong beses sa isang araw at masaya kami at hindi nag aaway away

The Definition of HomeWhere stories live. Discover now