Chapter 7

181 20 2
                                    

GABB'S

Umayos na ako nang tayo at hindi na lang gaanong ininda yung naipit kong daliri. Naghahanda na akong lumipat sa kabilang kwarto pero sumilip muna ako kung nandoon pa ba sya... At buti naman wala na kaya naman mabilis akong nakalipat

Pagpasok ko sa kwarto nasa may table na yung pagkain na pinakiusap ko sa maid. Kumuha lamang ako isang libro bago ako naupo sa swivel chair. Kumain lamang ako habang nag babasa ng libro at naka suot pa ako ng specs

Isinantabi ko na lamang ang aking pinagkainan pagkatapos para naman hindi makalat tignan yung table ko

Nasilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata kaya naman dahan dahan akong nagmulat. I saw the Queen staring at me. Siguro sya yung nagbukas ng kurtina kaya lumiwanag. Napagtanto ko na nakatulugan ko na pala ang pagbabasa ko kagabi at nakaunan ang aking ulo sa isa kong braso habang ang isang kamay ay hawak pa din ang libro

Agad kong inayos ang sarili at sinara ang librong binabasa kagabi, binalik ko na rin ito sa kung saan ko kinuha habang sinusundan lamang ako ng tingin ng Reyna. Ramdam ko na nakatingin sya sa akin may may gustong sabihin

"What time did you get home?" Tanong nya sa akin, sabi na ehh mag tatanong

"Before 7:30...i guess" sagot ko naman nang hindi pa rin sa tinitignan

"Why so late?" Saad ng reyna

"Is it late?" Napangisi na lamang ako "I have fun with my friends yesterday, that's why I'm i came home late" dagdag ko at lumabas na sa kwartong iyon para mag tungo na sa totoo kong kwarto

Agad akong naligo dahil may pasok pa ako, medyo nag madali ako dahil sa oras...medyo lang naman. Mayamaya pa ay kumatok na si William sa pinto ko, ibig sabihin handa na yung sasakyan

"Where's Daryll?" Tanong ko kayna Dana at Lara dahil sila lang nakita kong naghihintay sa akin

"May hangover yata, hindi pa namin nakikita eh" saad naman ni Dana. Pare pareho naman kami ng nainom ah, pano sya mag kakahang over. Naglalakad na kami papasok ng manarinig akong yabag ng paa kaya napatigil ako

"Why?" Tanong ni lara na nakaakbay sa akin. Napatigil din silang dalawa habang nagtatakang tumingin sa akin. Hindi na ako nagsalita at nanatili na lamang nakatayo

"Uy si Daryll!" saad ni Dana nang makita nyang patakbo na itong papalapit sa amin. Napalingon din si Lara kaya nakita nya

"Buti na lang naabutan ko kayo akala ko nasa room na kayo ehh" Saad ni Dada habang hinihingal pa nakayuko at nakapatong ang dalawang kamay sa tuhod nya bilang suporta

"Kaya pala tumigil si Gabb kasi naramdaman ka nyang malapit kana" saad ni Lara

"Bigat kasi ng paa mo kaya ramdam ni gabb ehh" nangaasar na saad ni Dana kay Daryll habang ako tahimik lang nakikinig sa kanila

"Tahimik natin dyan ah... prince ga- oyy saglit lang " hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Daryll at agad na naglakad patungo sa room namin na parang walang kumakausap sa akin. Badmood ako ehh. Bakit ba?

Naging mabilis na natapos ang buong maghapon at nagsiuwian na din kami. Wala naman silang balak mag gala ngayon dahil kakagala lang kahapon.

Pagkapasok ko sa palasyo ay napansin kong nagpapractice na ng paglakad yung babaeng nakita ko kahapon. Hindi pa sya gaanong sanay dahil kahapon lang yata sya dumating dito kaya nahihirapan pa sya, mukhang hindi nya rin ako napansin sa sobrang tutok nya  sa kanyang paglakad kaya naman dumiretso na lamang ako sa kwarto pinalitan ko lang ang pang itaas ko ng sweat shirt at kinuha ang libro at specs ko

Naisipan kong sa pool side mag basa ng libro, nagpakuha na rin ako sa maids ng juice na maiinom habang nagbabasa



COLEEN'S

Maaga akong nagising ngayon, nagulat pa ako dahil hindi naman ako ganito gumising sa bahay namin. Siguro naninibago ako sa oras dito kaya ganoon

Nagtungo na ako sa C.R. para maligo at mag ayos, sinuot ko lang yung gown na pinadala nila dito sa kwarto ko tsaka yung heels

Sa buong araw ay wala silang ibang pinagawa sa akin kung hindi magpractice ng paglakad. Natutumba pa ako noong unang subok dahil hindi naman ako gaanong sanay sa mataas na sapatos

May libro pang nakapatong sa ulo ko at dapat daw hindi ito malaglag habang lunalakad ako. Nang mapulsohan ko na ang tamang paglakad ay medyo madali na para sa akin pero minsan na huhulog pa rin

Hapon na noong pinatigil nila ako at sinabing bukas na daw ulit

"Nakauwi na po ba yung prinsipe?" Tanong ko sa mga maids dahil gusto ko na talagang makita yung pakakasalan ko daw, baka mamaya pangit yun. Hindi naman kasi lahat ng prinsipe gwapo ehh char

"Opo... Princess Coleen" saad ng isa, kaya nagliwanag ang mukha ko noong marinig 'yun. Agad akong tumakbo para mahanap kung nasaan sya ngayon. Naririnig ko pang tinatawag ako ng mga maids kasi baka daw madapa ako dahil tumatakbo ako ng nakatakong. Hindi ko na lang sila pinansin dahil excited na ako ehh

Nalibot ko na lahat at wala akong nakitang prinsipe doon, pero may isa pa akong hindi ang pool area...papunta na ako doon ng bigla akong mabangga sa isang lalaki nakatalikod sya at hindi ko sya napansin dahil sa daan ako nakatingin. Hindi naman malakas ang pagkakabangga ko at mukhang malakas sya kaya hindi sya tumalsik

Dahan dahan syang humarap sa akin

"Ikaw?" Saad ko ng makita sya "Bakit ka nandito huh?... trespassing ka no?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya pero seryoso lang ang mukha nito

"What are you talking about... I'm not trespassing" saad naman nito sa akin. Sya yung pumunta sa bahay namin, yung biglang pumasok sa gate tapos pinagkamalan akong trabahador

"Pwede ba tumabi ka, may hinahanap kasi ako ehh...bakit ba paharang harang ka dyan" saad ko sa kanya sabay hawi sa kanya at tinignan ang buong pool area pero walang tao

"Sino bang hinahanap mo?" Tanong sa akin noong lalaking nabangga ko kanina

"Yung prinsipe, hinahanap ko gusto ko kasi sya makita... Kaso humarang ka dyan kaya hindi ko na sya nakita" saad ko sa kanya. Nakaalis na siguro sya. Napatawa naman sya kaya kunot noo ko syang tinignan

"Why are you laughing?"naiinis na tanong ko

"Nothing" natatawa parin nyang tanong

"Bwiset kasi paharang harang hindi ko tuloy malaman kung anong itsura nun" pabulong na saad ko, pero mukhang narinig nya parin dahil napangisi sya, kita ko yun kahit hindi ako nakatingin sa kanya

"Don't whisper i can still hear you" saad nya, sabi na ehh ano bang klaseng tenga meron sya at naririnig nya pa iyon

"It's quite here kaya maririnig ka parin talaga kahit bumulong ka" dagdag pa nito... Aba mind reader din yata

"Btw, I'm Gabb" saad nya sabay abot ng kamay sa akin, tinanggap ko naman iyon at nagpakilala din

"Coleen. Princess Coleen" saad ko naman sa kanya at ngumiti, ganun din sya sa akin

"Gusto mo ba talaga malaman kung gwapo yung prinsipe?" Tanong nya sa akin kaya agad akong tumingin sa kanya

"Oo, may alam ka ba tungkol sa kanya? Ano ka ba dito?" Tanong ko sa kanya

"A-ah a-ano... Personal guard nya ako" saad ni Gabb sa akin kaya napatango na lamang ako. Mukha ngang marami akong makukuhang impormasyon  sa kanya tungkol sa prinsipe

--------------------------------------------------------------

The Definition of HomeWhere stories live. Discover now