Chapter 11

172 20 4
                                    

GABB'S

Patuloy pa rin ako sa paghila kay Coleen habang papalabas na kami ng Campus

"Gabb..." tawag na sa akin kaya napatigil ako sa paglalakad ko pero hindi ko sya nilingon

"Yung sundo natin" saad nya kaya naman napalingon ako sa kanya at nakaturo na sya doon sa kotse kung saan nakapark na yung sasakyan namin. Napatingin pa ako sa mukha nya at halatang nagpipigil ng tawa kaya naman napairip na lamang ako at hinila na sya papunta doon

Sabay kong binuksan ang pinto ng backseat at ng shotgun seat nakita ko pang nagtataka sya kung bakit pero hindi na nag tanong at pumasok na lang sa loob, walang nag salita ni isa sa amin kaya naman mabibingi ka hindi sa ingay kundi sa sobrang tahimik

Nang makarating na kami sa palasyo at agad na ako lumabas, pagbubuksan ko pa sana sya ng pinto pero... sya na ang nangbukas at dire-diretso nang naglakad papasok ng makababa sya. Aba iniwan ako dito?

Agad ko naman syang sinundan at inakbayan habang ang isang kamay ay naka hawak sa strap ng bag ko. Tumingin pa sya sa akin ng gawin ko iyon pero nginitian ko na lamang sya.

"What are you doing here in my room?" mataray na tanong nya sa akin ng bigla din akong pumasok sa kwarto nya. Pagpasok nya kasi sa kwarto kanina ay isasarado na sana nya ang pinto pero hinarang ko ang kamay ko at sumunod sa kanya sa loob

"Wala lang" sagot ko naman at nahiga sa kama nya, ambango kumapit na yung amoy nya dito

"Stop it" saad nya ng makita nya akong inaamoy amo ang kama nya

"Ambango kasi ehh amoy lungad ng baby" natatawang saad ko sa kanya na nagpakunot ng kilay nya

"What?!" yan na nagsisigaw na sya asar na to

"I said a-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang lumapit na sya sa akin at kumuha ng isang unan para ipang hampas sa 'kin. Bawat hampas nya sa akin nadadala ako. Lakas naman nito

"Anong amoy lungad ng baby ka dyan huh?" saad nya habang patuloy parin sa paghampas sa akin, napapatawa na lamang ako sa ginagawa naming dalawa na para kaming mga bata. Natyempuhan ko naman ang kanyang palapulsuhan kaya hinawakan ko iyon para itigil na nya ang panghahampas sa akin

"Bakit ka tumatawa? may nakakatawa ba huh?" owshiii taray naman ng baby na cute-tan ako sa mukha nya kaya naman napangisi ako, nang...

"Ouch!" saad ko bigla ba naman akong sampalin. Napabitaw naman ako sa pagkakahawak ko sa kanya at hinaplos ang mukha kong sinampal nya

"Bakit mo naman ako sinampal?"

"Akala ko kasi nababaliw kana, tawa ka ng tawa wala naman nakakatawa" napailing na lang ako at niyakap sya sa likod

"Kinikilabutan ako sayo," saad nya sa akin kaya naman nagtaka ako. Nilingon nya ako sa likod nya habang ako naman ay nakatitig lang sa mukha nya

"Bigla bigla ka na lang ganyan" dagdag pa nya at tumayo kaya naman napabitaw na ako sa pagkakayakap. Tumayo sya sa harap ko at nakapamewang habang ako naman ay nakaupo pa rin sa kama nya

"Mag tapat ka nga, may gusto ka na ba sa akin?" tanong nya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. I just smirk at her and shookt my head tsaka tumayo na at kinuha ang bag ko para lumabas ng kwarto nya



COLEEN'S

Tumingin pa muna ulit sakin sya at tumawa bago tuluyan lumabas ng kwarto ko

"Baliw na nga" saad ko nang makaalis na sya

Humiga na lamang ako sa kama ko at hindi inaasahang naka tulog

Buwan ang lumipas at malapit nang matapos ang first sem namin, hindi na kami nagkakasama ni Gabb tuwing lunch at si Robin naman, naging kaclose ko na kaya sya na lagi kong kasama at kaasaran kapag na sa school

Mabait sya at masiyahin kabaliktaran sya ni Gabb kaso... Parehas nga lang silang magaling mang asar

"Coleen..." Tawag sa akin ni Robin. Nasa room kami ngayon pero wala ang teacher kaya nakikipagdaldalan sya sa akin ngayon

"May nakita akong buda na payat" saad nya sa akin na parang batang nag kukwento sa magulang nya kung ano ang nangyari sa buonh maghapon nya

"What? Buda payat?" Hindi makapaniwalanh saad ko

"Oo... Ganito kasi yan" ani nya at umayos pa ng upo na akala mo naman talaga sobrang haba ng ikukwento nya

"Isang araw yung buda nilagay nila sa barko kasi ililipat sa ibang lugar, tapos lumubog yung barko edi napunta sa ilalim ng dagat yung buda" ano daw? Oo na lang

"Pano naging payat yun?" Tanong ko

" Kasi bago pa sya ma-rescue naubos na yung mga isda sa dagat, wala na syang makain kaya namayat" pagtatapos nya sa kwento nya at tumawa pa kaya tumawa na lang din ako ng alanganin

Diba? Para din syang si Gabb. Hindi ko alam kung joke pa yun or what. Anyway... Sya yung lagi kong nakaka partner sa mga portrait activities namin kasi kailangan daw i drawing yung mga ka partner namin tapos mag po-pose sila ganun

Para lang nag pipicture pero dinodraw namin.

"Let's eat" pagaaya ni Robin sa akin dahil lunch na namin ngayon. May tinatapos pa ako pero hindi naman ito ngayon ipapasa.

"Tara na, finish it in the palace you have more time there" saad nya sa akin at kinukulit na ako, para syang bata na pinipilit ang magulang na bumili ng laruan

"Oo na. Wait lang aayusin ko lang 'to" saad ko sa kanya at sinimulan ng linisin ang kalat ko. Excited pa ang loko.

Tinulungan na nya ako sa pagliligpit dahil na gugutom na daw sya at natatagalan na sa akin. Sinadya ko yun hinawakan nya ako sa pulsuhan ko at inaya na nya ako sa cafeteria nagtatatalon pa sya habang naglalakad kaya yumuko na lang ako dahil ako ang nahihiya para sa kanya

Nakahawak pa ang isang kamay nya sa strap ng bag nya ng makarating kami sa cafeteria ay medyo marami wala na rin kaming matanaw na bakanteng table

Nagiikot lang ang mata ko at nagbabakasakali na makahanao ng mauupuan nang makakita ako ng pamilyar na likod lumapit ako doon at ako naman ang humila kay Robin para mapunta kami sa table na iyon

Tinakpan ko ang mata nito at kunwari pang pinahulaan kung sino ako.

"Coleen" saad nya at tinanggal ang kamay ko sa mga mata nya at lumingon sa likod para makita ako

"Andaya naman" saad ko at pabirong hinampas ang kanyang braso bago umupo sa tabi nya, nangunot naman ang kanyang noo

"What are you doing here" tanong nya sa akin at tumingin pa kay Robin na nakatayo parin sa likod ko, sinenyasan ko sya na umupo sa tabi ko at ginawa nya iyon kaya lalo nang nangunot ang noo nya.

"Malapit ng magdikit ang sirang tulay" saad ko sa kanya dahil malapit ng mag dikit ang makapal nyang kilay sa sobrang kunot. Nilagay ko ang aking dalawang hinlalaki sa kilay nya at inunat iyon

"Wag ka naman mag salubong hindi bagay sa 'yo" dagdag ko pa kaya hinawi na nya ang kamay ko sa mukha nya at dumiretso na ang tingin nya kaya habang ako, eto... tinatawanan lang sya

Kasama nya rin sa Table sina Dana, Lara at Daryll kumakain na silang lahat kaso lumapit ako kaya natigil sila saglit. Hindi na rin sila nag tanong kung bakit kami nandoon dahil halata na naman nila sa paligid na wala na talagang bakante. Si Robin na lang daw ang bibili ng pagkain namin kaya naman nakipag kwentuhan na lang muna ako kayna Gabb

"Daryll your so quiet, may pinagdadaanan ka ba?" Tanong ni Lara kay Daryll na kakatapos lang mag salita pero tumingin ito sa gawi ni Gabb na diretso pa rin ang tingin kaya alam ko na kung sino talaga ang tinutukoy ni Lara

Hindi nya masabi mismo kay Gabb dahil seryoso nga ito ngayon. Hindi na lang muna ito pinansin at nagkwetuhan lang hanggang sa matapos na ang oras ng lunch

Kilala na din pala nila si Robin, siguro dahil pinsan sya ni Gabb kaya ganun

-----------------------------------------------------------



The Definition of HomeWhere stories live. Discover now