Chapter 6

203 17 2
                                    

COLEEN'S

Wow...ang laki pala talaga kapag palasyo. Naglalakad na ako ngayon papunta sa court room para makausap yung Hari at Reyna. Sumusunod lang ako sa secretary dahil hindi ko naman alam ang pupuntahan baka maligaw pa ako dito mapagkamalang nanloloob

Pinagusapan lang naman ang tungkol sa kasal at sa kung ano ang mangyayari sa pamilya ko kapag pumayag na talaga ako sa kasunduan. Si lolo kasi ehh...char

Naglalakad lakad ako sa hardin nila dahil may hinihintay pa ako. Nais ko sana makita yung prinsipe kaso wala daw sya dito ngayon sabi ng mga maids pati na rin ng Reyna. Nasa school pa daw kasi nag aaral, matalino siguro sya

Habang nag da-day dream ako sa hardin ay nakita ko ang inang reyna na nag lilinis ng paligid ng kanyang halamanan, nagaalis ng mga ligaw na damo kaya naman lumapit ako para tumulong

Syempre pakitang tao char

"Why are you cleaning here? Don't you have a gardener?" Tanong ko, baka kasi kung mapaano pa sya dito...medyo may kaedadan na pati sya kaya ako nagaalala

Napatawa na lamang sya sa tanong ko

"Hayaan mo na, hindi naman talaga ako kumuha ng gardener kasi i want to clean this by myself, para na rin ma-exercise yung katawan ko. Alam mo naman matanda na ako i need to exercise my bones para tumagal pa buhay" saad nya sa akin, nagulat naman ako dahil marunong pala sila magtagalog nahihirapan pa ako mag ingles. Maalam naman ako pero hindi ganun ka galing

"Nag tatagalog po kayo?" Tanong ko

"Yes... actually lahat dito sa palasyo nagtatagalog" saad ng inang reyna. Buti naman para hindi na ako mahirapan sa pag iingles baka mamaya iba pala meaning nung mga sinasabi ko ma offend pa sila

Mga ilang minuto pa ang lumipas ng ayain ko nang pumasok ang mahal na inang reyna sa loob para mag pahinga

"Pasok na po tayo sa loob para makapag pahinga na din po kayo" saad ko at inalalayan ko ang inang reyna na tumayo

Wala namang gaanong importante ngayong araw dahil sabi nila sa akin ay bukas pa sisimulan ang pag tuturo sa akin ng tamang pag kilos ng isang prinsesa. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil isa na akong prinsesa o hindi

Hinayaan lang nila akong mag ikot ikot sa loob ng buong palasyo para daw maging pamilyar may sumasama naman sa akin na mga maids kaya hindi ako natatakot maligaw

Sa pag iikot ko ay nakaramdam bigla ako ng pagod kaya naman umakyat na ako sa kwartong ibinigay nila sa akin habang hindi pa daw kami kasal ng prinsipe ay doon muna ako matutulog

Simple lang ang kwarto ko may kaunting libro akong dalang libro kaya inilagay ko iyon sa side table ng kama, halos kumpleto na naman sa kwarto dinagdagan ko lang ng kaunting gamit ko. Syempre dala ko parin yung mga papel na ginagamit ko sa pag sketch dahil mukhang marami akong maiguguhit dito sa ganda ng tanawin

Nahiga na ako sa aking kama at ipinikit ang mata para matulog. Nagising na lamang ako ng may kumakatok na sa pinto ng kwarto

"Princess, mag di-dinner na po" saad nung maid na nasa labas ng kwarto ko, tinignan ko ang oras...malapit na palang mag 7:30

"Matagal pala akong nakatulog" saad ko sa sarili ko matapos makita ang oras. Agad akong bumangon para mag ayos ng sarili bago bumaba sa dinning area, nakakahiya kung mukha akong bruha kapag bumaba ako doon, ayoko naman dalhin dito yung ka dugyutan ko sa bahay

Paglabas ko ng kwarto ay lumingon muna ako sa sinabing kwarto daw prinsipe pero hindi daw 'yun madalas matulog sa kwarto nya. May nakita akong nakasilip at agad na sinara ang pinto, nakita ko pang naipit ang daliri nito kaya naman napatawa ako ng mahina

Habang nasa hapag ay napansin kong wala pa rin ang prinsipe at kung sino lang ang nakausap ko sa court room kanina sila sila pa din ang kasama ko sa hapag. Pinagmasdan ko lang sila isa isa at mangha parin

"Coleen, apo may problema ba?" Tanong ng inang reyna sa akin kaya napabalik ako sa pagkain

"A-ahh wala po" saad ko sabay ngiti. Tahimik lamang kaming lahat na kumakain ibang iba sila samin, kami kasi napaka ingay kumain nagaasaran pa minsan, doon ko lang napansin na mukhang hindi sila masaya bilang isang pamilya pero hindi ko na lang gaanong inisip 'yun dahil baka sabihin pa ay masyado na akong maraming nalalaman

Pagkatapos ng hapunan ay bumalik na ako sa aking kwarto, sumilay muna ako sa kwartong tinignan ko din kanina para malaman kung sino yung nakasilip pero walang tao sa loob nung buksan ko 'yun. Natapos angmaghapon ng hindi ko manlang nasisilayan ang prinsipe, siguro hindi sya umuwi kaya bumalik na lang  ako sa kwarto ko




GABB'S

"Let's go bar tonight" saad ni Dada halatang manginginom ehh...jk

"Tara" saad naman ni Dana, habang si Lara naman go lang kahit saan pero minsan na ayaw din

"Ikaw ba PRINCE GABB? Wanna join?" Tanong sa akin ni Dana, kahit kailan talaga tskk

"Opss, I don't accept no, so Let's GO!!" Umakbay sa akin si Daryll at kinaladkad na ako kasama sila kaya hindi na ako nakatanggi. After class kami pumunta sa bar pero pinapasok parin kami kahit naka uniform pa,  siguro dahil nakilala nila ako bilang prinsipe pero sana hindi dahil malalagot ako sa Hari kapag ganun. Nagtext na din ako kay William na dalhin yung motor ko sa bar kung saan kami ngayon alam ko naman na hindi sya mag susumbong, baka loyal yan

Hindi naman namin first time mag bar, kaya lang hindi ako komportable sa mga suot namin dahil baka may biglang sumita pero hayaan na nandito na ehh

Nag order sila ng beer  at ilang mild drinks. Inom lang ng inom hanggang maubos ang inorder namin, hati hati kami sa bayad kaya okay lang, hindi na kami nag dagdag pa dahil hindi naman namin balak magpakalasing tamang pang pa chill lang

"Nakita mo na ba yung Fiancee mo?" Tanong ni Lara sa akin sumagot lamang ako sa kanya at sa iba pa nilang tanong. Lumabas na kami sa bar at nag paalam sa isa't isa pagkatapos noon ay nagtungo na ako sa parking lot para kuhanin ang pinadala  kong motor, ako na lang ang uuwi mag isa dahil gabi na rin naman

Kung magpapasundo pa ako kay William ay mahahalata lamang nila na gabi na ako umuwi. Mabilis ko lamang na pinatakbo ang motor at agad na nakauwi sa palasyo, nakabantay na si William sa dadaanan ko para hindi ako mabisto at kunwari ay kanina pang nakauwi

Mabuti na lamang at lahat sila ay busy lalo na ang Hari kaya naman agad akong nagtungo sa kwarto ko para mag bihis bigla namang may kumatok sa pinto

"Prince Gabb, dinner is ready" saad noong nasa labas, agad akong nag tungo sa pinto at binuksan iyon nakita ko pa ang maid na kumatok sa pinto ko at sinitsitan sya

Agad naman syang lumingon. Shawty pre ay jk maid pala yan bawal. Sinenyasan ko sya na lumapit sa pinto at yun naman ang ginawa nya

"Pwede bang dalhan mo nalang ako ng pag kain, doon mo dalhin sa isang kwarto na tinutulugan ko. Kapag tinanong kung bakit hindi ako sasabay sa kanila sabihin mo may ginagawa akong importante" saad ko sa kanya tumango naman sya mukhang maintindihan, agad naman umalis yung maid

Dali dali akong nag palit ng damit para lumipat sa isang kwarto. Bubuksan ko na sana ang pinto ng may nakita akong babae

"Sya..." saad ko, bigla naman itong napalingon sa gawi ko kaya agad kong sinara ang pinto naipit pa kamay ko yawa

"Shit! Aray ko!" Sigaw na bulong ko habang iniinda ang sakit  yawa naman oyy

----------------------------------------------------------------

The Definition of HomeWhere stories live. Discover now