School Camping Murder Case - File 1: Lights

7 0 0
                                    

"In the swamp of doubts and questions, the detective intelligently eliminates the impossible and opens the chest of truth."

---

"Ano ba naman ito! Hindi ko gusto ang ending nitong kwento, nagpakamatay ang lalake nang mahulog ang minamahal niya sa building? That's so archaic!" reklamo ni Josephine, ang presidente ng Class A, ang klase ding pinapasukan ni Kaeden. Binabasa nito ang isang nobela kung saan nagpakamatay ang lalaki nang mahulog sa isang building ang kanyang girlfriend. For him, she is his life. Now that she's gone, he'll end his life as well. Malakas ang pagkalapag ni Josephine sa libro sa may lamesa. Napansin agad ito ni Kaeden. Alam niya na hindi na naman nagustuhan ng dalaga ang binabasang libro. Detective fiction ang major ni Josephine sa kurso nitong AB Creative Writing. She prefers Doyle than Shakespeare, Poe than Steele. Umiiling siyang nilapitan ito at binigay ang isang in-can soda drink.

"Magpalamig ka muna ng ulo mo, Madonna of Mystery," wika niya. Ito ang tawag ng lahat kay Josephine. Nakuha niya ang titulong ito dahil sa kanyang mataas na kritiko sa mga nobela. Mas angat sa unibersidad ang mga nobela na kakaiba, kaya't dito naman niya nakuha ang kanyang titulo bilang Madonna of Mystery.

"Hay, salamat naman at dumating ang soda drink ko," pabirong pasasalamat niya kay Kaeden.

"Sabi ko naman kasi sa iyo yung kay Jedediah Berry - Manual of Detection ang basahin mo, since it's your line of genre, pero hindi mo gustong pakawalan yang libro."

"Ikaw, Kaeden, bakit ba parang hindi ko nakikita sa iyo ang aura ng dad mo? Siya ang isa sa mga kilala at magagaling na detective sa ating bansa. Meron ding private cases ang dad mo sa ibang bansa. He was well and deserved to be known, pero, bakit hindi mo yata namana ang galing niya?" tanong ng dalaga.

Napatawa na lamang si Kaeden dahil madalas niya itong naririnig sa mga kaklase. Kung alam lang nila na noong bata pa siya, halos ipagpilitan ni Lolo Jun niyang basahin lahat ang mga libro ng kanyang ama tungkol sa pagiging detective nito.

"By the way, maiba ako. Pupunta ka ba sa school camping natin? Sabi nila compulsory yun. Pero knowing the school funds, gagawin nila itong mandatory at grade based, para ang makukuhang pera ay gagamitin sa paggawa ng bagong modifications at pagbili ng bagong materials ng school."

Naalala ni Kaeden na may school camping pala sila. Hindi sana siya pupunta, pero alam niyang possible ang iniisip ni Josephine kaya't naghanda na siya ng mga gamit niya.

"Oo, pupunta ako. Isn't that by next week time?"

"Yup! And you know what? There are many things to see there. Alam mo ba yung mga grassy fields sa pictures ng school natin sa may bulletin board? Pupuntahan natin yun."

"Uh-huh..."

"And guess what, yun ang camping site!"

Ang grassy fields na tinutukoy ni Josephine ay ang nasa kanilang bulletin board. Isa itong madamong talampas sa gitna ng dalawang burol. Isa rin ito sa mga pinupuntahan ng ilang journalist para kunan lamang ng isang magandang larawan.

Ang araw na pinakahihintay ng lahat ng mag-aaral ay dumating. School camping na. Ilan sa kanila ay nag-enjoy. Akala ni Kaeden ay hindi siya mag-e-enjoy ngunit nang nasa camping na sila, isa itong magandang experience para sa kaniya. Ang maganda pa nito, andoon si Professor Magtanggol, ang iniidolo niyang guro.

"Sir Hero!" tawag niya dito nang makasabay nila siyang pumunta sa camping site.

"Oh, ikaw pala, Kaeden."

"Sir, kumusta na nga po pala ang asawa niyo? Balita ko ay na-ospital daw siya."

"Ah, okay na siya. Sabi ng doctor konting pahinga nalang daw at makakauwi na siya."

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now