Black Swan Murder Case - FIle 1: Strings

9 0 0
                                    

"Murders are executed in a fashion that some serial killers tend to do a pattern. A detective observes those patterns and deduce a cause, which pinpoints the identity of a criminal."

---

Tahimik na nagbabasa si Kaeden ng libro sa lilim ng isang malaking puno malapit sa kanilang paaralan. Malinis ito at doon siya palaging nagpapahinga kung break nila sa school. Tahimik sa mga usapan, ligtas sa mga katanungan ng kaniyang mga kaklaseng ayaw magsaliksik at siya na lamang ang tinatanong ng mga sagot. Dumagdag sa katahimkan ang magandang sikat ng araw. Saglit na natigil ang pagbabasa niya nang marinig ang school bell. Tumayo siya sa pagkakaupo sa ilalim ng puno at mabilis na lumakad patungo sa kaniyang silid. Habang naglakakad ay napansin niya ang kaibigang si Josephine sa may garden bench. Mukhang malungkot ito at may pinoproblema.

"Bakit parang ngayon ko lang nakita ang Madonna of Mystery na may problema?" pansin niya dito.

Matamlay na tumingin ang kaibigan sa kaniya. May problema nga ito.

"Paano ba naman kasi, yung tito ko, hindi na raw makakapunta sa party ang mama at papa ko. May urgent business kasing kailangan nilang tapusin. Ang sabi nila, ako nalang daw ang pumunta, bilang representative nila...kinausap ko na ang organizer ng party at ilang members, sabi nila, pwede rin daw basta's may kasama ako..."

"Oh, eh di Sheena...siguradong gusto niya yun dahil mahilig siya sa party..."

"Hindi eh, kailangan daw lalake ang kasama ko..."

Nararamdaman ni Kaeden na siya na naman ang isasama ni Josephine. Hindi na siya nagtanong at akmang aalis na doon dahil siguradong hihilain siya sa party. Mabilis siyang lumakad palayo ngunit hinabol siya ng dalaga at hinarang sa daan papunta sa kaniyang klase.

"Kaeden, wala ka namang gagawin di ba? Samahan mo na ako dun sa party..."

"Busy ako eh...tsaka, marami naman pwede mong imbitahin diyan eh..."

"Please...? Tulong mo na rin sa parents ko...sige na..."

Sadyang hindi matanggian ni Kaeden ang kaibigan. Napakamot ng ulo si Kaeden at nginitian siya.

"Sige na nga, pero...huwag kang humarang sa daan...may klase pa ako..." wika niya at hinintay si Josephine na bigyan siya ng daan sa hagdanan at nagpatuloy sa paglakad. Masaya naman si Josephine na umalis at nagtungo sa school canteen. Sa wakas ay wala na siyang proproblemahing makakasama sa party ng kanyang mga magulang.

Kinabukasan, magkasabay sina Kaeden at Josephine na umalis at tumungo sa venue ng party. Isa itong malaking mansion na pagmamayari ng may pasimuno sa party. Siya rin ang gumastos para sa party at nagbayad ng mga organizers para siguraduhing maayos at napapanahon ang kanilang suite.

‎-----

Hawak hawak ni Josephine ang ilang mga folders nang pumasok sa mansion. Napansin naman ito ni Kaeden kaya't tinanong kung ano ang mga iyon.

"Mga business plans, proposals at suggestion. Babasahin ko nalang at ipi-presenta ang mga it okay President Aguirre, ang may pasimuno ng party at president ng business contract na ito. Ayoko mang gawin, this is a favor for my parents...I must do all I can..." paliwanag niya. Tumango lang si Kaeden at pumasok na rin sa mansion hall kung saan maraming tao ang naroon. Agad niyang napansin na ang mga ito ay may sari-saring posisyon, ilan sa mga nandoon ay secretary, local officers, local employees, mga managers, at ilan pang business positions.

"Business filled pala itong napuntahan natin..." bulong ni Kaeden sa kaibigan.

"Oo nga eh, ilan sa kanila ay kilala pa sa ibang fields...kilala mo ba yung mga nandoon sa right corner ng hall? Yung nasa red seat?" sagot ni Josephine at tinuro ang isang table na may kulay pulang upuan sa kanang bahagi ng mansion hall. Lima silang naroon, dalawang babae at tatlong lalaki. Nakikilala ni Kaeden ang isa sa kanila, ang babaeng naka-eyeglass at naka-formal dress. Siya si Prosecutor Aileen Del Valle, ang anak ni Inspector Basil Del Valle.

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now