Black Swan Murder Case: Stiff

1 0 0
                                    


"The best witness to a crime is the evidence."

---

Dahil sa paglalaro ay hindi na napansin ng lahat na wala pa si James, maliban na lamang kay Kaeden na nagtataka dahil wala pa ito. Nabigla ang lahat nang may marinig silang sigaw ng isang babae sa labas. Napalingon ang lahat sa pinaggalingan ng boses. Mabilis na lumabas sina Kaeden para tignan ito. Nadatnan nila ang nagkumpulang mga tao sa CR at may isang babaeng nakaupo sa sahig at tutop ang bibig habang tinuturo ang isag cubicle mula sa male's CR.

"A-anong nangyari...?" tanong ni President Aguirre.

"M-Mr. President...si Sir James..." sagot ng employee. Agad na bingyan si President Aguirre ng daan ng mga tao para tignan ang nasa cubicle. Gulat siya sa nasaksihan. Mula sa cubicle ay naroon ang walang buhay na si James. Dilat ang kanyang mga mata at nag-iba na ang kulay ng kanyang mga labi.

Dumaan si Kaeden at nilapitan ang bangkay. Nilagay niya ang kanang kamay sa may leeg ni James. Ininspeksyon niya rin ang labi nito at kamay.

"Rigor mortis just started to happen. Exactly 3 hours before this happened, he was still alive..." paliwanag niya. Lumapit din si Josephine dahil may napansin siya sa leeg ng biktima.

"Kaeden...ano yung marka na iyon sa leeg niya...?" tanong ni Josephine.

Sinipat ni Kaeden ang markang iyon. May nagmarkang linya sa leeg ng biktima, nagsisimula sa left side ng leeg hanggang sa right side. Namula ang marka kaya't agad na napansin ito ng dalaga. Hinawakan ni Kaeden ang may bandang ibaba ng leeg. Mayroon siyang kinumpirma bago nagsalita at sagutin ang tanong ng dalaga.

"Mr. James suffered from asphyxiation due to strangulation...and what I can see from the marks...these are manual strangulation marks..."

"That means...Mr. James was killed..." sabat naman ni Prosecutor Aileen.

Tumango lang si Kaeden. Nagbulong-bulungan ang mga employers nang kinumpirma ito ni Kaeden. Agad namang nagpatawag si President Aguirre ng pulis. Gaya ng inaasahan, si Inspector Basil ng Investigation division ang rumesponde.

Hindi nagtagal ay dumating ang kanyang police car. Sinalubong nina Kaeden at ang iba pang VIP roon.

"Ikaw ba si President Aguirre, ang tumawag sa akin kanina?"

"Yes, Inspector...nasa comfort room ang biktima..."

Nagtaka si Inspector Basil. Nasabi kasi agad ng president na 'biktima'. Nang makita niya si Kaeden ay tila nagkaroon na siya ng ideya kung bakit niya ito nasabi.

"Tinawagan ko na ang ME (Medical Examiner) namin, mamaya ay dadalhin na ang biktima for autopsy..."

"Inspector...mayroon akong advanced inspection para sa biktima..." sabat ni Kaeden.

"Ano yun Kaeden...? Mukhang you are having interest sa Forensic Science..."

"Meron lang po akong notes ni dad. I studied it well..."

"So, ano ang pre-autopsy mo?"

"The rigor mortis just started. Alam natin na ang rigor mortis ay nagsisimula lamang after 3 hours. The TOD (Time of Death) is then before 3 hours. I also found out that the COD (Cause of Death) is asphyxiation through manual strangulation. Nawalan din siya ng hangin, that caused his death. There was also a straight mark on his neck...maybe the mark of our murder weapon..."

Pumalakpak si Aileen mula sa likod. "Exactly! Talagang ikaw nga ay anak ni Detective Red...kung ganoon, we must check everyone kung sino ang maaring pumatay sa kaniya..." wika nito.

"Pero sa dami ng guests, aabutin tayo ng gabi..." sagot ni President Aguirre.

"Hindi na kailangan. Bago namatay si Mr. James, may mga taong malapit sa kaniya na maaaring gumawa noon at nagtatago dito sa party..." sabat naman ni Kaeden.

"I-ibig mo bang sabihin isa sa amin ang pumatay?" tanong ni Mr. Magallion, isa sa mga nasa billiard room kasama nila.

"Magkakasabay kayo nina Josephine, Mr. James at si Jamie. Maaaring isa sa inyo ang pumatay sa kaniya..."

"Pati ako...?" bulong ni Josephine sa sarili at napasimangot sa narinig.

"That's impossible...! Ano naman ang motibo namin para patayin si James?" depensa ni Jamie.

"Hindi ba lahat tayo ay mayroong motibo...?" wika ni Leo. Tumahimik ang lahat nang marinig ito.

"Tara na sa loob...kailangan ko kayong maimbistigahan..." sabat ni Inspector Basil at pinapasok silang loob sa isang pribadong kwarto. Nagsimulang kinuha ni Inspector ang kanilang mga alibi, motibo sa biktima at kung ano ang relasyon nila sa biktima.

Si Juancho ay dating band member ng banda ni James nung college pa lamang sila. Ngunit dahil mas pinili ni James na magsolo at solohin ang talent fee, nabuwag ang banda. Isa sa mga nagkaroon ng galit sa kaniya ay si Juancho, lagi kasi siyang kinukutya at inaaway ni James. Tahimik lang si Juancho habang pnapakinggan ang mga pagmamaliit at pagkukutya ni James sa kaniya.

Nagkaroon noon ng isang karelasyon si James. Naging maganda ang pagsasama nila ng babae, ang babaeng iyon ay ang kapatid ni Jamie. Nang malaman ni James na may malubhang sakit ang kasintahan ay agad niya itong hiniwalayan at sinabing ayaw niyang alagaan ng buong buhay niya ang isang babaeng katulad niya. Hindi nagtagal ay namatay ang kapatid ni Jamie, sa huling hantungan ng kapatid ay pinangako ni Jamie na papatayin niya si James bilang kabayaran sa kamatayan ng kapatid. Isa rin si James sa naging dahilan ng mabilis na pagkamatay ng dalaga dahil sa matinding kabiguan at depresyon.

Dalawang taon na ang nakakaraan ng muling may naging karelasyon si James. Si Aileen. Maganda nang una ang kanilang pagsasama ngunit si James ang naging dahilan kung bakit hindi siya pinayagan ng korte na kunin ang isang kaso, dahil pinigilan siya ni James. Hindi naipanalo ng substitute lawyer ang kaso na sanhi ng kamatayan ng isang witness. Sinisi ni Aileen ang sarili at si James nang malaman ang nangyaring iyon.

Si Mr. Magallion lamang ang tanging walang motibo para patayin ang biktima. Halos hindi sila magkakilala at ni kung ano mang relasyon ay wala sila.

Matapos kunan ni Basil ang mga VIP ng kanilang statements ay muli niya itong binasa. Kung iisipin, tama si Kaeden, isa sa kanila ang pumatay. Masakit mang aminin, maging ang kaniyang anak na si Aileen ay suspect din.

Nasa billiard room lahat ng mga VIP kasama sina Kaeden at Josephine. Saglit silang winid-hold ni Basil para imbestigahan ang kanilang statements. Ang ME naman ay kinuha na ang bangkay at ilalagay sa autopsy.

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now