School Camping Murder Case - File 2: Perspective

7 0 0
                                    

"A crime does not only have one perspective. A good detective seeks the perspective that leads to the solution of the crime."

---

"Estelle Dela Vega. Age: 19, taga South District. Kawawang bata, namatay sa maagang taon," wika ng isang pulis na nasa tent ng biktima. Hindi pa inaalis ang biktima sa kanyang tent, maging ang dugo mula sa biktima ay hindi man lang ginalaw. Ang ilang pulis ay kinuha ang camera at kinunan ng litrato ang bawat angulo ng biktima.

"Inspector, iba na talaga sa panahon ngayon. Walang pinipili. Bata, matanda, pinapatay ng bata rin o mas matanda. Ang mas masaklap, ang ilan, kapamilya pa nila," sagot ng isa pang pulis.

"Tsk tsk tsk. Cause of death, ayon sa ating imbestigasyon, isa itong ligaw na bala. Hindi natin ito maididiin sa isang tao mula sa grupo ng paaralan. Wala sa kanila ang may baril, we already checked that up. Wala ring motibo ang mga estudyante dahil magkakaibang klase ang mga ito, ibang department pa."

"Sabagay, isa na naman itong wandering bullet case. Dumadami na ito dahil sa mga mahilig magpaputok ng baril na walang dahilan."

"Inspector!" kaway ni Kaeden sa pulis. Nginitian siya ng inspector habang sinusundan ng tingin si Kaden na papalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Kaeden!"

"Kumusta na kayo Uncle..."

"Heto, ganun parin. Ikaw kumusta na? Kabilang ka rin pala sa klaseng ito."

Si Inspector Basil Del Valle ang isang ama kay Kaeden mula nang mamatay si Red. Siya ang investigative partner ng kanyang ama nang nabubuhay pa siya. Alam ni Basil kung paano lumaki si Kaeden. Mabait at hindi gaya ng ilan, mayroon itong talentong alam niyang maaari niyang gamitin sa magandang paraan.

"Opo. Ano nga po palang nangyari sa imbestigasyon ninyo?"

Binuklat ni Basil ang kanyang notebook. Masaya ito dahil tila nagkakainteres na rin sa wakas si Kaeden sa pagiging isang detective gaya ng kkanyangama.

"Ang baling tumama sa kaniya ay nangaling sa isang mataas na projectile. Medyo may kalayuan ang pinaggalingan ng bala. Tinamaan sa puso ang biktima kaya hindi na nakaligtas pa. Finalized ito bilang isang wandering bullet case, o sa ibang salita eh ligaw na bala."

Sandaling napaisip si Kaeden at napakamot ng ulo.

"Bakit, may problema ba?" tanong ni Basil.

"Hindi ba imposibleng isang ligaw na bala lang iyon?"

"Sinasabi mo bang walang silbi ang ginawa namin, bata?" mataas na tonong tanong ng kasamahan ni Basil na pulis. Pinigilan siya ni Basil at sinenyasang hayaan muna si Kaeden.

"Kasi po, kung malayo ang projectile ng isang bala, maaaring ang pushing power nito ay bababa. I-konsidera din ninyo ang slope ng bundok na ito. Halimbawang ilagay natin sa isang Cartesian plane ang slope ng bundok na ito sa kahit anong value na mataas. Ang slope ng bundok ay 54 meters high, at ang projectile ng bala patungo sa flat surface nito ay kahit na anong banda, hindi nito kayang abutin ang taas ng slope ng bundok. Ibig sabihin, hindi nito matatamaan ang biktima."

Habang pinapaliwanag ito ni Kaeden ay inintindi ni Basil ang bawat detalye. Tama si Kaeden, hindi aabutin ng bala ang talampas. Masyadong malayo.

"At isa pa Uncle, ano kaya ang nakita ko kagabing ilaw?" tanong ni Kaeden. Muling lumalalim ang misteryo, at napapaisip siya kung paanong ang isang ligaw na bala ay matatamaan ang isang malayong target sa mataas na slope ng bundok.

---

Inisa-isa ni Inspector Basil ang kanyang pag-iimbestiga. Ang mga naunang witness at ang mga guro ang kinuhanan niya ng statement. Tama ang sinabi ni Kaeden, maaaring hindi nga ito isang aksidente. Nasabi kasi ni Kaeden ang ilaw na iyon mula sa langit. Kung ano man iyon, kailangan nilang malaman. Tahimik naman si Kaeden na nakikinig sa imbestigasyon at gustong kumpirmahin ang mga ito.

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now