Radio Reporter's Wife Murder Case: Clicks

2 0 0
                                    

"A crime never has one perspective. A keen detective sees through all."

---

Maingay. Maraming tao ang nagsasaya sa lugar na iyon, may kani-kaniyang buhay at kasiyahan. Naroon si Josephine na masayang naglalaro ng slot machine. Gaya ng inaasahan ni Kaeden, sinama siya nito roon para maglaro niyon. Wala siyang interes sa ganitong laro, ngunit kung ang kaniiyang kaibigan ang mag-anyaya sa kaniya ay napapasama siya.

"Oh ano Kaeden, hindi ka ba maglalaro...? Malay mo makuha mo yung prize kapag tumama ka...!" anyaya ng kaibigan.

Pangiting lumapit si Kaden sa slot machine at kumuha ng ilang tokens. Nilagay niya ito sa slot at nagsimulang gumana ang makina. Naroon ang iba't-ibang pigura, ngunit ang kailangan nilang buoin ay ang tatlong magkakasunod na 9. Maingat na pinindot ni Kaeden ang Slot Button. Unti-unting humina ang makina kasabay ng pagtigil ng mga pigurang mabilis na umiikot.

Halos hindi maipinta ang saya ni Josephine nang makitang 999 ang nasa slot machine. Sa saya niya ay napayakap siya sa kaibigan habang pinagmamasdan ang mga tokens na lumalabas sa slot machine, ng kanilang premyo. Hindi makapaniwala si Kaeden na sa unang beses niyang maglaro ng ganito ay mananalo pa siya kaagad.

"Swerte ka yata eh! Dapat pala ikaw ang isama ko kung pumupunta ako dito..." wika ni Josephine habang tinutulungang kunin ang mga tokens sa slot machine. Nakakapagtaka ngang sa unang beses ay nanalo pa ito. Siguro nga ay sinuwerte siya sa pagkakataong iyon. Agad nilang pinagpalit sa token booth ang mga ito at pinalitan ng tunay na pera. Medyo marami-rami rin ang napanalunan nila kaya't naisipan nilang kumain sa isang restaurant.

Umupo sila malapit sa glass wall ng restaurant. Mainam ito para Makita ng mga tao sa loob ang nasa labas, o hindi kaya ay ipromote ng kanilang restaurant specialties and cuisine. Napansin ni Kaeden mula sa labas ang mga nagmamadaling pulis na sumakay sa kanilang sasakyan at pinatakbo ito. Nagtaka siya kung ano ang nangyari at tila nagmamadali sila.

Samantala, nagmamadaling nag-ayos si Inspector Basil at pinatakbo ang kaniyang sasakyan sa itinawag ng kaniyang tauhan na lugar. Sa isang mansion daw ito malapit sa parke. Inabutan niya roon ang kaniyang mga tauhan at ilang radio reporters. Napansin niya na mayroong crime scene tape sa loob. Agad siyang pumasok sa mansion at inalam kung ano ang talagang nangyari.

Napabuntong-hininga si Basil sa nakita sa loob ng mansion. Tila napapagod na siya sa tila madalas na pagkakaroon ng killing cases sa lugar nila. Matapos ang problema niya tungkol sa mga nagdaan ay heto na naman at may pinatay. Nakahandusay ang bangkay at may tama ito sa ulo. Naroon na rin ang Medical Examiner nila na tumingin sa bangkay.

"Erik, anong nangyari dito?" tanong ni Basil sa pulis na rumesponde roon.

"Inspector, natagpuan ng isang residente ang bangkay. May ibabalik daw sana siyang gamit pero napansin niyang walang tao. Pumasok siya at natagpuan ang bangkay."

---

"Sino ba ang namatay...?"

"Siya si Mildred Marasigan, asawa ng radio reporter na si Diego Marasigan..."

"Kaya pala narito ang mga ilan sa radio reporters eh...alam ko na ang ganitong diwa ng mga tao. Hahanapan nila ng report ang kasama nilang reporter para ibagsak ang career..."

Binaling ni Basil ang tingin sa Medical Examiner. Lumapit siya rito at tinignan ang bangkay.

"Ano ang COD ng bangkay...?" tanong niya.

"Nagtamo siya ng malakas na paghampas sa kaniyang ulo. Natamaan ang left part ng brain lobes niya, ilan sa kaniyang mga nerves at ugat papunta sa utak ay nagtamo ng blunt force trauma. Nawalan ng oxygen ang biktima kaya't madali siyang namatay."

Case Book of Detective Kaeden: VOLUME 1Where stories live. Discover now