Chapter 6

493 34 3
                                    

Louise (POV)

I'm about to approach Jamie to inform about our hang-out together with Gabby's friends when i noticed her having an argument over the phone.

Hinintay ko muna itong matapos bago ko tuluyang nilapitan.

"Amay" bungad ko after she ended the call. "please reserve your tomorrow night ha? may lakad tayo nila Gabby" I informed.

She glance at me and nodded absentmindedly.

I suddenly crease my forehead.

" hoy!" I nudge at her " Problema mo? Bakit salubong ang mga iyan?" pagtukoy ko sa mga kilay niya. Hindi na maipinta ang mukha nito.

She sighed "nakaka-bwisit itong subcontractor natin .Nai-stress ako sa katigasan ng mga ulo" himutok nito not even manage to glance at me habang panay ang pagtipa ng madiin sa kanyang cellphone.

"hindi ko na masisisi ang girlfriend mo kung bakit binoboljak sila palagi sa meeting"

Muling kumunot ang noo ko.

Isa lang naman ang paboritong pagalitan ni Gabby.

"sila Little Giants?" pagtukoy ko.

My friend roll her eyes in dismay " sino pa nga ba?"

Hindi ako kaagad umimik.

" kung bakit kasi hindi na lang ipina-augment ang mga trabaho kay MACRO, ade sana ay hindi tayo naghahabol ng schedule sa ngayon" hinaing nito while fetching her PPE.

Nanatili akong walang kibo knowing na may isang bahagi ko ang tumatanggi na mapasama sa amin sila MACRO. Maybe because of the thought na kapag nababanggit ang kompanyang iyon ay mukha ng ex ni Gabby ang rumerehistro sa akin .

"Anyway, panik muna ko sa itaas ha,usap tayo mamaya" paalam nito.

Tumango ako pero hindi na niya iyon nakita dahil nagdire diretso itong lumabas sa unit na kinalulugaran namin.

Sinundan ko na lamang ito ng paningin while thinking kung bakit ganuon na lamang ang pagharang ni Gabby sa MACRO para tuluyang makapasok sa Company nila.

Part of me knew na isa sa dahilan ay si Jena at Nick pero sa pagkakaalam ko ay inisantabi na niya ang personal na sama ng loob sa dalawa, at inayos na ang kung anumang isyu na aking narinig ng minsang nahuli ko itong may kausap sa telepono.

Nasa ganuon akong pag iisip ng pukawin ako ng pagtunog ng sariling cellphone.

I answer it ng mapansing si Jof ang nasa kabilang linya.

"Ma'am Louise naka balik na po si Kuya Edwin, hihintayin ka na lang daw niya sa ibaba" pagbibigay alam ng aking kausap na aking sinang-ayunan.

I quickly went downstairs after the call.

Nagtanggal lamang ako ng PPE, inayos sandali ang sarili, binitbit ang personal na gamit atsaka tuluyang lumabas ng Site Office.

Apparently, I have scheduled a training with the Engineering Design Group sa head office. My girlfriend endorsed me to include into this workshop na ang layunin ay makapagdesign ng mga structure na pwedeng gamitin for the future projects.

Umaga nakatakda ang training na iyon pero dahil may naunang gumamit ng Service Vehicle ng company ay afterlunch na ako natuloy. Umayon naman iyon sa sitwasyon ng sumaktong makiusap si Gabby na sa hapon na lamang ako pumunta dahil sa nakalinya at sangkaterbang niyang meeting na kailangan niyang daluhan ng umagang iyon.

Kasalukuyan na naming binabagtas ang daan patungo sa Head office when I message my girlfriend.

"baby, wer on r way na"

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 2Where stories live. Discover now