Chapter 8

684 31 13
                                    

Gabby's (POV)

The night went on at tuluyan ng lumalim pero hindi ko pa din maisakatuparan ang nais kong gawin.

Medyo tipsy na si Louise dahil panay na ang paghilig nito sa akin. Hindi naman ako makakuha ng maayos na tiyempo para kausapin ito dahil bukod sa engrossed ito sa usapang arkitektura with Alex ay hindi ko rin mahagilap si Rowie na siyang makakatulong ko sana ng mga oras na iyon.

I silently pick out my phone from my pocket at pasimpleng minessage ang kumag kong kaibigan until eventually ay natanawan ko itong lumitaw mula sa kulumpon ng mga kababaihang nagsisisayaw.

She's smiling like a crazy one ng dumulog sa amin at pabalyang umupo sa aking tabi.

Tila hindi naman siya inalintana ng dalawang nag-uusap kaya pasimple ko itong kinambatan.

Umayos ito ng pagkakaupo at bumulong "ilang shot pa ba ng tequila ang kailangan mo, para makargahan ng tibay iyang dibdib mo ha?" puna na ng katabi matapos sagiin ang aking braso.

"Pwede mo namang ipagpaliban kung dinadaga ka na talaga" kantiyaw pa nito matapos tunggain ang hawak na baso ng alak.

Umiling ako.

"No. there will be no other time to do this"

I sip into my hard drinks trying to contain all the nervousness that keeps on bugging me. And then i face my girlfriend.

Makailang beses pa akong bumuntong hininga but then when im about to get her attention ay kaagad naman itong...

"babe, wash room tayo please?" malambing nitong usal.

Napapikit at ako at lihim na napamura.

Hindi ko malaman kung maiinis ako ng mga oras na iyon o ano dahil ang naka akma kong pakikipag-usap sa kanya ay heto at naunsyami pa.

Humagikgik ang katabi kong si Rowan. "ang epic" she mumble.

Sinamaan ko ito ng tingin na sinagot naman niya ng peace sign then annoyingly grinned at me.

"babe, ano sasamahan mo ba ako hindi? " pagpukaw ni Louise sa amin with slight irritation in her voice.

I shift my gaze to her at alanganing ngumiti "a-ah y-yeahh sure, tara" pagyakag ko while rubbing my nape. Pinauna ko na itong lumakad and when I'm about to follow her Rowie pull the sleeve of my shirt. "That's your cue, your highness."

I deeply sighed. Pinuno ng hangin ang dibdib para magkaron ng sangkaterbang lakas ng loob.

Sinundan ko si Louise.

"For your happiness, my friend!!... cheers!!"

Pag hiyaw pa ni Rowie na siya namang ikina iling ko.

My girlfriend and i end up in an empty comfort room. Wala sa loob na nai-lock ko ang pintuang pinasukan at aligagang tinitigan ang likuran ng aking kasintahan.

"Wait lang babe, ha" aniya matapos kumuha ng toilet paper.

"Y-yeah, just go ahead. I'll wait for you here" i response. Starting to calm my self.

Abot-abot ang pagdagundong ng puso ko habang nagpaparoot parito ng paglalakad sa espasyong nanduon.

Damn!why does it need to be this hard!

I cleared my throat several times at paulit ulit na inusal ang mga katagang hindi ko matanto kung paano ko pagdudugtong dugtungin.

"Babe, are you okay?" Pagpuna ni Louise.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 2Where stories live. Discover now