Chapter 11

369 14 7
                                    

Samantha's (POV)

Mahina pa si Gabby ng mga sumunod na araw. Pero magakagayonman ay hindi ito lumubay ng kakahanap kay Louise.

Malapit na kaming maubusan ng idadahilan dito at sa tingin ko ay unti-unti na rin niyang natutunugan na maski kami ay walang alam kung nasaan ang kanyang kasintahan.

Kasalukuyan kami ngayong nakatambay dito sa kuwarto niya. Partikular na nasa kanyang paanan habang nagkukuwentuhan at nag-aasaran ng bigla kaming matigilan dahil sa pag-imik niya.

"Tell me Ma" pagbungad nito.

"Where is my girlfriend?" mahina ngunit madiin nitong pagtatanong kay Auntie. She maybe wanted to control her emotion pero ng hindi kaagad kumibo ang kanyang kausap ay nagtaas na ito ng boses.

"Can anyone fucking tell me where she is?!" paghiyaw nito. Frustration already registered on her lovely face.

Hindi kami kumibong magapipinsan at lihim na nagpalitan ng makahulugang tingin.

Si Dreek na kanina lamang ay bangkang-bangka sa kalokohan ay dagliang nagseryoso habang nagtatagis ang mga bagang at animo nag-iisip ng malalim.

Nate remain calm but staring at our cousin with sympathy in her eyes.

I sighed deeply at tumayo para daluhan si Gabby pero hindi pa man ako nakakalapit ay tuluyan na itong umiyak.

"You told me she was here with me the whole time while I was in coma. Pero nasaan na siya, Ma? I'm begging you. Please. " she plead in full pain. She looks terribly miserable and we pity her.

Kahit gustuhin naming gawin ang nais niya ay hindi namin alam kung paano iyon isasasakatuparan.

"I c-can't see her like this " Dreek mumbles matapos ay dumaan sa gilid ko at lumabas ng kuwartong iyon.

Nate followed him without a word.

All of us are affected.

At sino bang hindi kung makita mo ganito kamiserable ang isa sa taong malapit sayo.

Gabby was the tough among us. And seeing her how helpless right now really makes our hearts broken. Hindi kami sana'y na makita siyang ganito kahina.

Oo, totoo. Naging ganito na siya minsan and that's the time when Jena left her. but base on what i observed ay mas malala siya ngayon.

I couldn't blame her dahil sino ba namang hindi mapu frustrate kung ang taong inaasahan mong magisnan sa pagmulat mo ng mga mata ay wala sa tabi mo. The worst part is walang makapagsabi kung nasaan ito.

Nag-iwas ako ng paningin at bago pa niya makitang maski ako ay pinanghihinaan ng loob ay natagpuan ko na lamang ang sariling sinundan palabas sila Nate.

Naabutan ko ang mga ito na nasa seating area sa labas lamang ng Suite ni Gabby.

I walk towards them cross arms at pinag aralan ang kanilang reaction. Pareho silang hindi umimik at tila malalim ang kanya-kanyang iniisip ng basagin ko ang katahimikan iyon.

I sigh.

"Can you do something about this, Nate, Dreek?" I asked in very low voice after i glance at them.

Wala talaga akong idea kung nasaan si Louise ng mga oras na iyon dahil kung alam ko ay kaagad ko na itong sinundo.

Kung sino sino na ang pinagtanungan namin including her family ng minsang bumisita ang mga ito kay Gabby pero kagaya namin ay iisa lang din ang kanilang katanungan.

Nasaan nga ba si Louise?

Namali pa nga yata ako ng diskarte ng itanong ko ito sa kanila dahil tila naging sanhi iyon ng kanilang dagliang pag-aalala.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 2Where stories live. Discover now