Chapter 10

290 12 2
                                    

Louise (POV)

"Louise" pukaw ng isang pamilyar na tinig. Sinundan iyon ng ilang mga yabag ng hindi makakuha sa akin ng tugon.

My eyes are fixated on my girlfriend lifeless body and I don't want to be interrupted.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit nito. Didn't able to believe na sa isang iglap ay kamuntikan itong mawala sa piling ko.

"Louise" muling pagtawag sa akin ni Samantha ng malumanay. Tuluyan na itong nakalapit at ngayon nga ay nakaupo na sa couch na aking kinaroroonan.

I glance at her pero muling itinuon ang atensyon kay Gabby.

"Kailangan mo muna sigurong magpahinga. Nangangayayat at nangangalumata ka na, baka ikaw naman ang magkasakit niyan" concern na usal nito.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng matipid. "okay lang ako, Sami.Huwag mo ako alalahanin" matamlay kong tugon.

" Hindi puwedeng hindi kami mag-alala sayo, ano ka ba. Isang linggo ka ng walang matinong tulog. Hindi ka rin kumakain ng maayos. Bibihira ka makipag-usap sa amin. So sa tingin mo hindi kami dapat mag-alala?" Litanya nito na hindi ko nakuhang salagin.

Nagbawi ako ng tingin at muling tumunghay sa akin katipan.

Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya. Simula ng dalhin dito si Gabby ay nawalan na ako ng ganang makipag-usap. Hindi nga lamang iyon ang nagbago dahil pakiramdam ko ay nawalan na rin ako ng gana sa maraming bagay. Ang tanging gusto ko lamang ay nasa tabi ng katipan bantayan at pagsilbihan ito sa kabila ng pagpipilit intindihin kung bakit sa dami ng masasamang tao ay sa kanya pa ito nangyari.

"kung kaya ko lang ibalik ang oras, ako na ang umako sa lahat ng pananakit sa kanya ni Victor" pagbungad ko

" T-tutal ..... ako naman ang puno't dulo ng lahat ng ito.Kasalanan ko kung bakit nasangkot si Gabby sa gulong ito" himutok ko kasabay ng magkakasunod na pagpatak ng aking luha.

Samantha hissed at umusod papalapit sa akin." huwag mong sabihin iyan" pagsawata nito matapos umakbay sa akin.

"Don't blame yourself Louise, dahil walang sinumang may kasalanan sa mga nangyari. Kagustuhan ng pinsan kong iligtas ka sa demonyong iyon dahil alam kong mahal na mahal ka niya. At alam ko rin itong pangalawang pagkakataon na nagkasagupa sila ay ginawa niya ulit para hindi ka magawan ng hindi maganda ni Victor. She will not be pleased knowing na sinisisi mo ngayon ang sarili mo" pangaral nito while rubbing may back at pilit akong pinapatahan.

"Nuong gabing nakita ko siyang naliligo sa sarili niyang dugo ay h-halos ikabaliw ko. H-hindi ko inakala na ang sandaling pagpapaalam niya ay hahantong sa ganuon. Iniwan niya akong may ngiti sa mga labi pero natunghayan ko siyang.... Kalunos-lunos ang itsura at halos wala ng buhay" I voice out angrily completely disregarding what she said.

"Mga hayop sila, Samantha! Mga hayop sila!" ang pagtitimpi kong pag-iyak ay nauwi sa paghagulgol kasabay ng pagbangon ng sama ng loob sa mga taong lumapastangan sa kanya. At sama ng loob dahil hindi ko man lamang siya nadaluhan ng mga oras na iyon.

"hush, Louise... kumalma ka na" patuloy na pag-alo nito mataman pa ako nitong kinabig ng yakap.

" Pare-pareho lamang tayo ng nararamdaman. Gabby, was the tough among us and you can't just imagine how hard for us to see her like this. Pero kailangan nating magpakatatag. Kailangan mong tibayan ang sarili mo. Kailangan mong maging matibay para sa kanya. She needs you and so are we, Louise. Please stay strong for our cousin" paki-usap nito kasabay ng pag garalgal ng kanyang tinig.

Tama siya hindi lang naman ako ang nahihirapan sa mga oras na ito kung hindi maging sila. Lalong lalo na si Mama Helena na kagaya ko ay hindi rin mapigil ang hindi umiyak dahil sa awa sa kanyang bunsong anak.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon