Chapter 9

289 15 7
                                    

SPG

May mga mahahalay at bayolente pong lengguwahe.

********
Gabby's (POV)

Napapailing akong huminto matapos makatawid ng kalsada atsaka hinimas ang namamaga kong kamao.

Iginalaw galaw ko iyon at kapagdaka'y napangiwi sa kirot na sumigid.

Fuck! Ang tigas ng mukha ng mga gago.

Pagbulong kong himutok at muling sumulyap sa pinanggalingang bungad ng bar.

Kasalukuyang kinakaladkad ng mga bouncer ang dalawang lalaking wala ng malay.

I hiss.

Ang aangas mga wala naman palang binatbat.

I sighed and accidentally shifted my intention sa babaeng aking tinulungan. Nanduon pa din ito sa isang sulok, inaalo ng isang lalaki habang inaalalayang makatayo.

I creased my eyebrow ng mapadako ang aking paningin sa sexy at maikli nitong suot.

Women now a days, oo... magsusuot ng mga revealing na damit and then kapag binastos ay hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili.

Paano na lamang pala kung iba ang naka-tiyempo sa panghaharass sa kanya ng dalawang gagong iyon.

Maipagtatanggol at sasagipin din kaya siya kagaya ng ginawa ko?

Paano kung hindi?

Baka kung nagkataon ay kung saan na siya dinala para pagpiyestahan at gawan ng hindi maganda.

Tsss!

Kunsumido kong ipinilig ang aking ulo.

Ay ewan! Bakit ba nagpapapekto pa ako at naiinis kung naisalba ko na ang babaeng iyon.

I started to walk towards the parking lot completely disregarding my thoughts.

Binilisan ko ang aking pagkilos sa pag aalalang naiinip na ang aking mga iniwan particular ang aking katipan.

Dapat yata ay hindi na lang ako nag ala super hero para kaagad akong nakabalik sa kanya.

Oo nga. To think na special day mo ito pero kung ano ano ang inaatupag mo.

Pag tatalo ng kalooban ko.

Special day.

Damn it!

Pag-alburoto ko sa pagsigid ng katotohanan. I quickly open my car's driver seat at sinimulang maghalughog ng tuluyan akong nakalapit sa aking pakay.

After a few minutes or so i finally found that precious thing that i am looking for.

It's on the car floor.

I sighed.

Maybe the reason kung bakit  hindi matuloy tuloy ang balak ko kanina ay hindi ko naman pala ito dala-dala.

I pick it up without hesitation at masayang ini lock ang aking  sasakyan.

Maglalakad na lamang sana ako palayo ng sa hindi inaasahan ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na humampas sa aking ulo.

I suddenly paused.

Kagyat na umikot ang aking paningin at umambang tatayo mula sa pagkakaluhod ng isang kamay ang dumaklot sa aking kuwelyo at muling hambulisin ang aking sikmura.

Namalipit ako sa sakit and gasp for an air when i felt that precious thing fell out of my hand. Imbes na magulantang ay natagpuan ko na lamang ang sariling hinahanap ang maliit na bagay na iyon. Nanghihina akong nilingon ang pinanggalingan ng tunog kung saan ito nahulog. 

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 2Where stories live. Discover now