Chapter 17

81 3 0
                                    

Kitang kita ng dalawang mata niya na bumaba ng kotse nito ang binata. Kline went to the other side and opened the door for Liza.

They were at the underground parking lot of a condominium building. Marahil ay doon naka-tira si Liza Yu. Ysa was still inside her car. Sinundan niya kasi ang mga ito nang sabay na lumabas sina Kline at Liza sa building ng Ysabella Signatures pagkatapos ng photoshoot.

At tama nga ang kutob niya! Iyong pahawak-hawak ni Kline sa beywang ni Liza at yung tinginan ng dalawa, alam na alam niyang may something sa mga ito! And there it was, already happening right before her eyes.

Kaya pala hindi man lang nag-paalam ang haliparot na lalakeng ito dahil madaling madali itong makasama si Liza sa condo!

Napahigpit ang hawak niya sa manibela. She was also breathing fast. Mabuti na lamang at heavily tinted ang kotse niya at medyo malayo siya sa dalawa.

Nakita niyang inihatid ni Kline si Liza sa elevator. The good news, if she could consider it like that, hindi naman na sumama sa loob ang binata. But her eyes still twitched nang makita niyang nag-flying kiss pa si Liza.

At ang Judas! Ngingiti-ngiti pa! She knew Kline really enjoyed that!

Her phone rang. It was Clarence.

"Hello!" Napalakas na sagot niya dahil sa gigil sa nakita.

"Ay galit ka aunty? Hoy Ysabella Sebastian kanina pa kita hinahanap! Nasaan ka ba? Bakit ba bigla ka nalang nawawala? Sabi ng guard lumabas ka daw?"

"H-Ha.. uhm yeah, may kinuha lang ako saglit sa mansion. Pabalik nako." Pagdadahilan niya.

"Gaga! Tumawag ako sa mansion, wala ka dun." Natatawang sabi nito sa kaniya. "Ano bang nangyayari sayo gurl? Ipa-albularyo na kaya kita."

Napa-buntong hininga siya. Siguro nga, kailangan nya ng albularyo na magbabalik sa kaniya sa katinuan.

"Hindi ko na din alam sis." Naka-ngusong sabi niya habang nakatingin sa papa-alis nang kotse ni Kline.

"Haaay... parang alam ko na yan." Sagot ni Clarence.

Hindi siya sumagot.

"By the way gurl, yung ex mo nagpadala na naman ng bulakak dito sa office mo."

"Itapon mo. Ang lakas talaga ng loob ng lalaking yan ah." Gigil na sabi niya. Ilang beses na din kasi nangungulit si Gino at kung ano ano ang ipinadadala sa mansyon at sa opisina. Nagsosorry at gustong makipag-kita sa kaniya at mag-usap daw sila.

The nerve!

"Ipamimigay ko nalang sa mga girlies mo dito. Sayang naman."

"Ikaw ang bahala sis, basta huwag ko nang madadatnan yan please lang." Naiiritang sabi niya.

She ended the call and drove back to her office.

"Saan ka galing?" Sabi ng baritonong boses mula sa likuran nang isara niya ang pinto ng kotse niya pag-baba doon. Napahawak pa siya sa dibdib sa pagka-gulat. Maybe she should avoid watching too much horror movies!

Pag-harap niya ay ang naka-todo ngiting si Kline ang nakita niya. Kline was leaning on his car, arms and legs crossed, with his shades on, looking so perfect for magazine cover.

So what?!

"It's none of your business." Inirapan niya ito sabay talikod. She was walking towards the elevator when Kline catch up on her, matching her steps. She could smell his nice manly scent.

"Bakit ba ang sungit mo na naman? May period kaba ha?" Kakamot-kamot ulong tanong nito. Kung nagpapa-cute man ito, pwes, tumigil-tigil ito at kumukulo ang dugo niya!

Kline's Beautiful DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon