Chapter 8

68 6 0
                                    

BLANKONG nakatitig sa kisame si Carsyn habang nakahiga sa kama ng kanyang silid. Masyadong mahaba ang araw na iyon para sa kanya, kaya naman ay pakiramdam niya'y naubusan siya ng lakas.

Marami siyang nalaman tungkol sa mundong kinaroroonan niya ngayon at hindi niya lubos maisip na may ganito palang mundo kung saan nararapat ang katulad niya. Ang mga kagaya niyang may kakaibang kakayahan na wala ang mga mortal.

Isla del Partiuo. Hindi alam ni Carsyn kung paanong naging isang mundo ang hamak na isla lamang. Isinawalang bahala na lamang niya ang isiping iyon at binalingan ang librong ibinigay sa kanya ni Master Xin.

Totoo nga ang sinabi nito, masasagot nito ang lahat ng mga katanungan niya kaya heto siya ngayon nalulula pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Napabuntong hininga na lamang siya saka naisipan tumayo mula sa pagkakahiga.

Napagpasyahan niyang libutin ang ilang bahagi ng bago niyang mundo, para kahit papaano ay maging pamilyar na siya sa mga pasikut-sikot nito. Tinanggihan kasi niya ang alok ni Anister noong mag-aya itong ipasyal siya kasama ang dalawa nitong kaibigan-- na napag-alaman niyang Yize at Dent ang mga pangalan, pagkatapos ng tinatawag nilang training hours kanina. Nakita rin niya doon iyong dalawang babae na kasama rin ng mga ito noon sa mortal. Hindi siya sanay na pinapalibutan ng maraming tao ng ganoon katagal kaya labis ang pagka-asiwang naramdaman niya kanina sa training hall. Buong buhay niya ay nasanay na siya na sila lang ni Nana niya ang magkakasama, ito rin ang nagtuturo sa kanya ng mga bagay-bagay na dapat niyang malaman kaya kahit paano ay lumaki siyang hindi mangmang.

Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa bibig ni Carsyn nang maisip ang Nana niya. Hindi niya alam kung nasaan ito ngayon o kung ligtas lang ba ito. Hiling lang talaga niya ay nasa mabuti itong kalagayan.

Mula sa paglalakad ay natigilan si Carsyn nang makarinig siya ng mga ingay na hindi kalayuan sa kanya. Dahil sa lalim ng iniisip niya ay hindi na namalayang napalayo na pala sa bahay niya at hindi na niya alam kung nasaan na siya. Nang ilibot niya ang mga mata, iba't ibang gusali na may naka-display na paninda ang mga nakikita niya kaya sa hinuha niya'y nasa pamilihan siya ngayon. Hindi niya alam kung malapit lang ba ito sa bahay niya o ganoon na siya katagal naglalakad ng wala sa sarili para umabot siya roon. Mabuti at wala siyang nabangga kung ganun.

Muli niyang tinapunan ng tingin ang komusyon na nangyayari hindi kalatuan sa kanya at ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya ng maramdaman niya ang pamilyar na aura na iyon! Katulad na katulad nang umatake sa kanila ng Nana na bago pa sila magkahiwalay!

Hindi pa man nakakapag isip ng nararapat gawin si Carsyn ay isang itim na bolang apoy na ang nakikita niyang bumubulusok patungo sa gawi niya! Sa bilis nito ay hindi na niya magagawa pang mailagan iyon kaya upang protektahan ang sarili, sinangga niya iyon gamit ang isang protective armor na gawa ng prowess niya, dahilan upang maglaho ang naturang itim na bolang apoy sa mismong harapan niya.

Lahat ng nakasaksi sa ginawa niya ay labis na nagulat at namangha na siyang ikinakunot naman ng noo ni Carsyn pero hindi niya iyon napagtuunan ng atensyon dahil sa mga nakaitim na papasugod na sa kanya. Kaya upang makaiwas sa anumang gulo na maaaring mangyari sa kanya, mabilis ang mga daliring gumawa siya ng hand sign upang lisanin ang lugar na iyon!

MABILIS ang mga galaw na tinungo nila Anister ang pinangyarihan ng kumosyon. Napag-alaman nilang may nakapasok daw na Grandeula sa Isla at nasa Market Side raw ang mga ito ngayon! Nanggugulo! Pagdating doon ay kaagad naman nilang nakita ang mga ito dahil sa presenya nilang walang kasing itim. Wala pang isang minuto nang makarating sila nang isang pagsabog ang gumambala sa lahat. Lalong nagkagulo roon kaya wala na silang inaksaya pang oras, kaagad nilang nilabanan ang mga Grandeula!

Sa gitna ng labanan nila, hindi napansin nila Anister ang pagpakawala ng isa sa mga Grandeula ng isang malaking itim na bolang apoy. Nakahanda na sana sila na salagin iyon ngunit laking gulat nila ng hindi sa kanila ibinato iyon kundi sa isang pasilyo kung saan may naaninag sila na bulto ng isang diwata!

Gusto man nilang gumawa ng paraan upang pigilan iyon ay huli na! Masyadong mabilis ang pagbulusok ng bolang apoy kaya isang tahimik na usal na lamang ang nagawa nila Anister para sa diwatang iyon-- na magawa niyang mailagan iyon!

Ilang segundo lang ang hihintayin at matatamaan na ang diwatang iyon ngunit laking gulat na lamang nila nang biglang maglaho ang bolang apoy at doon nila naaninag ng mabuti ang may-ari ng bultong iyon. Si Carsyn!

HINDI kaagad nakakilos si Yize sa nasaksihan hangga't sa magsalita si Dent, hinahanap na nito si Carsyn na siyang matatamaan dapat ng atakeng iyon. Doon lang napagtanto ni Yize na wala na pala sa kinatatayuan nito kanina ang babae.

"Natamaan ba ito?" tanong niya sa isipan.

"Where is she?" Kaye voice out his question in his mind.

Walang sinuman sa kanila ang nakasagot sa tanong na iyon dahil katulad ni Kaye, ganoon din ang gusto nilang malaman, kung nasaan na si Carsyn? Dahil kahit naman sabihing natamaan ito, hindi rin sana ito nawala sa kinaroroonan nito kanina, bagkus ay makikita sana nila itong sugatan ko kung anuman.

Napabuga na lamang ng malalim na hininga si Yize sa nangyari at itinabi na muna sa isipan ang paghahanap kay Carsyn na puno ng hiwaga para sa kanya, dapat na muna niyang ituon ang buong atensyon niya sa mga Grandeulang kasalukuyang kinakalaban na ulit ng mga kasama niya.

Hindi rin nagtagal at nagawa rin nilang talunin ang mga Grandeula. Isa-isa itong naging abo at naglahong parang bula. Pagkatapos ay ginamit ni Dent ang isa sa kapangyarihan niya na maibalik sa dati ang mga bagay at gusaling nasira gawa ng labanang naganap, saka sila kanya-kanyang pabagsak na sumalampak sa lupa at habol ang hininga.

"They're quite strong..." komento ni Kaye makalipas ang ilang minuto habang inaayos ang nagulo nitong buhok.

"Sinabi mo pa." kaagad namang tugon ni Anister na hinihingal pa rin. "I wonder where she is?" mayamaya ay anas nito.

"Who? Carsyn?" Dent asked back.

"Yeah... Bigla na lang siyang nawala, I hope she's okay."

"She's fine." gagad ni Renei. "Maybe she teleported herself to somewhere, bago pa man siya matamaan ng atakeng iyon, just like what she did in the mortal world." mahabang pahayag nito.

Napatango-tango si Anister. "You have a point." anito bago tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa. "Pero para makasiguro, let's check her in her house."

Kaagad namang sumang-ayon ang iba pa sa suhestiyon ni Anister, samantalang tahimik namang sumusunod sa mga ito si Yize habang nasa isipan pa rin ang nangyari kanina.

He is sure na unang nawala ang atakeng iyon bago kay Carsyn at kung hindi nga siya nagkamali ng nakita, then... Paano niya nagawa iyon?



******

-F. Sylveon

Heart Of SwordKde žijí příběhy. Začni objevovat