Chapter 3

148 7 0
                                    

"KANINA pa tayo naglalakad pero hindi pa rin tayo nakakalabas ng hardin.." puna ni Anister habang sinusubukan nilang umalis sa hardin na pinagdalhan sa kanila ng babae.

"I'm hungry.." reklamo ni Renei habang nakalupaypay ang mga balikat sa pagod.

Seryoso ang mukhang ipinalibot ni Yize ang paningin sa paligid at bahagyang napakunot ang noo nang may mapansin.

"I think we've been here a while ago..." pagsasatinig ni Dent sa naiisip ni Yize.

"Napansin ko nga." pagsang-ayon niya rito.

"What?!" Kaye reacted exaggeratedly. "You mean, we've been played?" puno ang iritasyon ang boses nito.

Muling inikot ni Yize ang paningin sa paligid, hindi pinansin ang pagmamaktol ni Kaye at matamang nag-isip ng paraan para makalabas sila sa hardin na iyon na sa tingin niya ay may kakaibang magic prowess na nakapalibot doon. At nasa loob sila ng prowess na iyon.

Hindi pa nakakapag-isip ng paraan si Yize kung paano sila makakaalis doon nang may kakaibang presensya silang naramdaman sa paligid.

Kaagad silang nagkumumpulang lima at matamang pinakiramdaman kung saan nanggagaling ang aura'ng iyon.

"Watch out, guys..." paalala niya sa mga kasama.

Maya-maya pa ay isang liwanag ang lumitaw sa harapan nila at mula roon ay may babaeng tumambad sa paningin nila. Hindi masasabi ni Yize kung matanda na ito dahil sa anyo nito pero kung ikukumpara niya ito sa kanila ay alam niyang mas may edad ang babae kesa sa kanila.

"Who are you?" Kaye asked with a bitchy tone.

"Kayo pala ang tinutukoy niya." anito na nagpakunot ng noo nila.

Isa-isa sila nitong pinasadahan ng tingin bago muling nagsalita. "Celysta."

Dahil sa narinig ay mas lalo silang naging alerto pero taliwas sa inaasahan nila ang lumabas na salita mula sa bibig nito. "Kahit anong gawin ninyo ay hindi kayo makakaalis dito kaya ihahatid ko kayo pabalik sa bayan bilang pasasalamat sa ginawa niyong pagligtas sa anak ko."

Ngunit bago pa man sila makasagot sa alok nito. Isang pagsabog ang umalingawngaw sa tahimik na hardin!

Kaagad nilang sinundan ng tingin ang pinagmulan ng pagsabog at ganoon na lamang ang pagtagis ng mga bagang ni Yize nang makita kung sino ang gumawa niyon.

"Natagpuan ko rin kayo!"

"Agru!"

"Wala na kayong kawala ngayon!" muling sigaw nito saka sinundan ng nakakairitang halaklak. "Sisiguraduhin kong matatapos ko kayong lahat dito!"

"You wish!" Kaye butt in saka ito ang unang umatake na mabilis namang inilagan ni Agru.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon. Umatake na rin sila rito at tinulungan si Kaye.

Pero dahil hindi tuluyang bumabalik ang mga lakas nila, kahit pagsasamahin pa ang mga prowess nila, hindi pa rin iyon sapat upang matapatan ang lakas ni Agru.

Habol ang hiningang sabay-sabay silang bumagsak sa lupa matapos hindi nila magawang salagin ang malaking atake ni Agru!

"Fuck!" Yize cursed under his breath at muli na namang napamura nang muli na naman silang aatakehin ni Agru.

Pero laking gulat nila nang hindi sila natamaan niyon.

"That protective seal again..." Yize whispered upon seeing a seal in front of them dahilan para hindi sila matamaan ng atake ni Agru.

"Walang sinuman ang may karapatang guluhin ang katahimikan  sa aking teritoryo." turan ng babae habang puno ng babalang humahakbang patungo kay Agru.

Sa tingin ni Yize ay ito ang may gawa ng protective seal na kasalukuyang pumoprotekta sa kanila.

"Kung ganoon, ba't hindi mo na lang sila ibigay sa akin nang sa gayun ay walang kaguluhang magaganap." nakangising pakikipagnegosasyon ni Agru sa babae.

"Sino ka sa tingin mo para pahintulutan kitang saktan ang mga kabataang ito?"

Naningkit ang mga mata ni Agru sa narinig kapagkuwan ay naghanda ng isang atake. "Hiningi mo ito babae!"

Mabilis naman ang naging kilos ng babae at kaagad na sinalag ang pinakawalang atake ni Agru saka ito naman ang nagpakawala ng kapangyarihan laban kay Agru.

Masyadong mabilis ang mga kilos ng dalawang naglalaban na hindi na magawang sundan ng mga mata nila Yize ang mga galaw ng mga ito. Sa isang iglap ay natagpuan na lamang nilang namimilipit sa sakit ang babae dahil nagawa itong tamaan ni Agru.

Kikilos na sana sina Yize upang tulungan ang babae pero kaagad silang natigilan at nagkatinginan nang kumumpas ito sa ire at lumitaw sa isang kamay nito ang espada! Ang mas nagpagulantang sa kanila ay hindi ordinaryong espada ang hawak nito, kundi isa sa mga nawawalang pinakamakapangyarihang espada ng Partiuo!

"What the fuck!"

"Who is she?"

"Why the hell she has the sword?"

Kung anu-ano pa ang naririnig ni Yize na komento ng mga kasama niya pero hindi niya ang mga ito pinagtuunan ng pansin, nakatuon lang siya sa babae na ngayon ay nakikipaglaban na ulit kay Agru gamit ang espada nito.

Nakamasid lang sila sa dalawang naglalaban, pinag-aaralan ang mga galaw ng babae na masasabi nilang mahusay sa paghawak ng espada, kaya naman ay mas lalong tumaas ang kuryusidad ni Yize tungkol sa pagkatao ng babae. At kung bakit ito nandirito sa mundo ng mga mortal?

Ilang sandali pa ang kanilang hinintay nang huminto ang labanan ng dalawa, pareho ang mga itong hinihingal pero mas kapansin-pansin ang pinsalang natamo ni Agru mula sa babae. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa babae habang sapo ang brasong may sugat.

"Hindi pa tayo tapos, babae!"

"Kung ganoon ay tapusin na natin!" kaagad na sagot ng babae kay Agru ngunit bago pa man makaasinta ng panibagong atake ang babae ay naglaho na si Agru at tanging itim na usok na lamang ang naiwan nito.

Kaagad na bumaling sa kanila ang babae nang tuluyang mawala ang presensya ni Agru sa paligid.

"Maayos lang ba kayo?" tanong nito at tanging tango lamang ang naging tugon nila.

"Who are you?" maya-maya ay tanong ni Kaye sa babae ngunit imbis na sagutin nito ang tanong na iyon ay iba ang namutawi sa mga labi nito.

"Ilalabas ko na kayo rito." turan nito bago nito ikinumpas ang mga kamay sa ire, hindi na kami binigyan pa ng pagkakataon para magsalita. "Nawa'y ito na ang huli nating pagkikita mga Celysta." huling sinabi nito bago magbago ang paligid nila.

"We're back in the market." ani Renei matapos igala ang paningin sa paligid.

"Obviously," Kaye with her bitchy tone again.

"I wonder who they are..." Anister murmured out of the blue at alam ni Yize na ang dalawang babae na iyon ang tinutukoy nito.

"Who knows?" Dent shrugged his shoulder.

"Let's go." aya na lamang ni Yize sa mga ito. "Let's discuss that matter in the Partiuo later with His Highness." dagdag pa niya.



-F. Sylveon

Heart Of SwordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon