Chapter 10

44 5 1
                                    

"ANONG GINAGAWA mo, Miss Bleu?" Bahagyang naalimpungatan si Carsyn nang may marinig na nagsasalita. Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha mula sa pagkakaob-ob at bahagyang idilat ang mga mata para makita ang pinagmulan ng boses.

"Di ba dapat nagti-training ka rin kasama nila?" dagdag pa nito sabay turo sa mga kaklase niyang pagod na pagod na pero mukhang wala pa kahit isa sa kanila ang nakakagawa ng ginawa ni Master Wu.

"Miss Carsyn Bleu." muling kuha ni Master Wu sa atensyon niya at bakas doon ang pagtitimpi. "Gusto mo bang maireport sa Master's office by not following your Class Master's instructions? And have some punishment?"

Isang simpling pag-iling lamang ang itinugon ni Carsyn rito.

"Then, what are you waiting for?"

Lihim na lamang na napabuntong hininga si Carsyn saka walang ganang tumayo mula sa pagkakasandal sa punong-kahoy at pununta sa gitna ng field kung saan naroroon ang mga kaklase niyang hapung-hapo na.

Walang pakialam sa mga matang nakasunod ng tingin sa kanya, inilapag niya sa lupa ang hawak-hawak na espada at nagsimulang gayahin ang ginawa kanina ni Master Wu.

Pinalibutan niya ng magic prowess ang espada at sinubukan itong paangatan. Habang ginagawa iyon, muli niyang inalala ang tinuro sa kanya ng Nana niya kung paano mapabilis ang pag-angat ng espada. Hindi naglaon ay nagawa rin ni Carsyn ang nais, nang matiyak na maayos na ang pagkakabalanse ng espada sa ire, maingat na iniangat niya ang isang paa at ipinatong iyon sa espada, hanggang sa tuluyan nang makapatong ang buo niyang katawan doon.

Kailangang maging kalmado, itiwala sa espada ang sarili dahil sa mga oras na iyon, ikaw at ang espada ay iisa. Iyon ang palaging sinasabi ng Nana niya sa tuwing tinuturuan siya nito. Kaya sa mga oras na iyon, iyon ang ginawa ni Carsyn.

Ipinikit niya ang mga mata niya at ipinagkatiwala niya sa espada ang susunod na gagawin at hindi naglao'y naramdaman niya ang sariling tumataas na sa himpapawid. Doon lamang niya ibinuka ang mata at ang mga nakanganga niyang mga kaklase ang unang bumungad sa kanya. Ilang metro na rin pataas ang layo niya mula sa mga ito at lihim siyang napangiti nang wala siyang maramdamang kaba habang lulan-lulan ng espada. Akala niya ay mahihirapan siya kapag sinubukan niya ulit itong gawin ngunit mukhang nagkamali siya dahil walang kahirap-hirap niyang nagigiya ang espada sa direksyong gusto niyang tunguhin.

Tama nga ang sinabi ng Nana niya. Sa isiping iyon ay hindi niya namalayan ang pagsilay ng munting ngiti sa mga labi niya habang ang mga mata niya'y nakatanaw sa luntiang tanawin ng kabundukan hindi kalayuan sa kinaroroonan niya.

SAGLIT NA natigilan si Yize nang makita ang maliit na ngiting gumuhit sa mukha ni Carsyn. Iyon ang unang beses na nakitaan niya ito ng emosyon sa mukha kaya hindi niya mapigilan ang pagkabigla at hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niyang sakalin ang kung sinuman, na siyang naging dahilan ng pagngiti nito. Napabuntong-hininga na lamang siya at lihim na kinastigo ang sarili at pilit na isinawalang-bahala ang hindi niya maintindihang pakiramdam.

"Why I didn't even surprised..." turan ni Kaye habang ang mga mata ay naka'y Carsyn din nakatingin.

"Maybe, because you already saw her did something more than that." sagot ni Dent dito.

"Yeah right, what she did in the mortal is an ability beyond a normal Celysta can do."

Napalingon si Yize kay Kaye. Tama ito. Hindi magagawa ng isang natural na Celysta ang ginawa ni Carsyn sa mortal, only the higher class can do it and to think na nagawa pa nitong harapin ang isang napakalakas na demon at kahit nakakahiyang aminin ay nagawa pa nitong iligtas sila sa bingit ng kamatayan. Carsyn is really something, and that's what he wants to find out.

Mula sa field ay sabay-sabay silang napalingon sa pinto ng silid na kinaroroonan nila nang may kumatok. Kaagad din iyong bumukas kahit wala pang sumasagot ni isa sa kanila.

Isa sa mga staff ng school ang bumungad sa kanila pagkabukas ng pinto, informing them that they had been summoned.

Kaagad silang tumalima at sumunod sa staff papuntang Master's Hall, pero bago tuluyang lumabas ng silid si Yize, muli niyang tinapunan ng tingin si Carsyn na nasa ire pa rin at maaliwalas ang mukha habang nakapikit ito.


MAKALIPAS ang ilang sandaling nasa ire, napagpasyahan ni Carsyn na bumaba na kahit hindi pa siya tinatawag ni Master Wu. Lihim na napakunot ng noo ni Carsyn nang makita ang mga itsura ng mga kaklase niya na parang nakakita ng maligno, ganoon din si Master Wu pero kaagad ding bumalik sa normal ang mga ekpresyon ng mga ito nang may kumuha sa atensyon ni Master Wu-- isa iyon sa mga staff ng Academy. May binulong ito kay Master Wu kapagkuwan ay sabay ang mga itong lumingon sa kinaroroonan niya na para bang siya ang pinag-uusapan ng dalawa at hindi nga siya nagkamali dahil kaagad siyang tinawag ni Master Wu.

Kahit walang ideya kung bakit ay sumunod pa rin siya sa staff nang sabihin ni Master Wu na pinapatawag daw siya ni Master Xin at kasalukuyan itong naghihintay sa Master's Hall.

Pagdating ay lihim na nagulat si Carsyn nang makita ang mga pamilyar na mukha sa loob ng Master's Hall. Halatang may hinihintay ang mga ito at mukhang siya iyon dahil mula sa mga kanya-kanyang pinagkakaabalahan, natigil ang mga ito at umayos ng upo sa sofa na naroon ngunit mukhang hindi siya ang inaasahan ng mga itong darating base na rin sa gulat na ekpresyon ng mga ito.

"Is she..?" One of them asked curiously.

"Yes." kaagad na sagot ni Master Xin saka ito bumaling sa kanya, "Have a sit, Ms Bleu."

Kahit naguguluhan kung bakit siya naroon ay nanatili pa ring tahimik si Carsyn at umupo sa nag-iisang bakanteng upuan na nandoon. Alam naman kasi niyang ipapaliwanag din sa kanya kung bakit siya nito pinatawag kaya hindi na siya nagsalita pa.

"Silent as usual." komento ni Master Xin nang wala itong marinig mula sa kanya. Carsyn just shrugged and quietly observing the people around her.

Curious. They are all curious just like her but unlike her, curiosity are not visible on her face.

Then, Master Xin started explaining the reason why they'd been summoned using a single word. A mission.

But Carsyn is wondering, anong kinalaman niya sa misyon at bakit siya kasama roon? She barely arrived in the said world, though it somehow familiar to her, it didn't changed the fact that she just a newcomer, isang newbie na wala pang kaalam-alam.

Kaya naman hindi na rin siya nagtaka ng magulat ang mga kasama niya nang malamang kasama siya sa magiging misyon kuno nila. They might thought that she will be a drag throughout the way. She sighed mentally cause she can't blame them for that.




-F. Sylveon

Heart Of SwordWhere stories live. Discover now