Prologue

385 10 0
                                    


NAGISING ang isang batang babae mula sa malalim na pagkakatulog. Habol ang hininga at pinagpapawisan ng malamig na napabalikwas siya mula sa pagkahiga. Hindi niya gusto ang laman ng panaginip niya. Isang masamang panaginip na alam niyang mangyayari sa kanya. Napahagulgol  siya ng iyak. Ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niyang maging isang alay sa punong iyon!

"Gising ka na pala." anang baritonong boses na nagpa-angat ng mukha ng batang babae.

"Sino ka?" nahihitakutan niyang tanong sa estranghero papalapit sa kanya kasabay ng pag-urong ng katawan niya sa dulo ng kama upang makalayo mula rito.

"Hindi mo ba ako natatandaan?" ganting tanong nito. "Sabagay, napakahaba ng iyong pagtulog kaya inaasahan ko nang mangyayari ito." dagdag pa nito na parang nasagot na niyon ang sariling tanong. "Ako ito, munting prinsesa, ang iyong nakakatandang kapatid." kapagkuwan ay pakilala nito.

Natigilan ang batang babae sa narinig. "Kapatid?" walang bakas ng pagtitiwala ang boses niya.

"Oo, kapatid. Halika, tingnan mo ako ng mabuti..." pag-iengganyo nito. "Masyado bang tumanda ang mukha ng iyong kuya kumpara noong huli mo akong makita? Ha?" malambing ang boses nito inilapit sa kanya ang sarili.

Matamang tinitigan ng batang babae ang lalaki kapagkuwan ay napangiti nang sa wakas ay makalap niya sa kanyang alaala ang itsura nito.

"Oo nga! Ikaw nga ang kuya ko!" magiliw niyang anya at niyakap ito.

"Kuya ko, alam mo bang nanaginip ako tungkol sa punong iyon." mayamaya ay kwento niya sa kapatid habang yakap pa rin ito. "Alam kong mangyayari iyon..."dagdag pa niya. "Maaari bang pigilan mo si Amang Hari na gawin sa akin iyon? Ayokong maging alay sa puno, kuya ko!" naluluhang pakiusap niya sa kapatid.

"Oo naman." nginitian siya ng kapatid. "Hindi papayag si kuya na saktan ka ng kahit sino man, kaya asahan mong gagawa ng paraan si kuya para hindi matuloy ang seremonyas."

Sa narinig ay malawak na napangiti ang batang babae. "Pangako yan kuya ko ha?"

"Pangako." nakangiting tugon ng lalaki.

Muli siyang niyakap ng kapatid bago ito nagpaalam sa kanya.

MALALIM na ang gabi at nakahanda nang matulog ang batang babae nang mapabalikwas siya ng bangon nang marahas na bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniliwa roon ang nakakatandang kapatid.

"Munting prinsesa!"

"Kuya ko, may problema ba?" kumunot ang noo ng batang babae nang makitang habol ng kapatid ang sariling hininga.

"Kailangan mong lisanin ang palasyo, munting prinsesa!"

"Pero bakit?"

"Bukas na gaganapin ang seremonyas at hindi ko na magagawa pang pigilan ang Amang Hari..." paliwanag nito. "Ito lang tanging paraang alam ko para hindi ikaw ang maging alay."

"Ngunit saan ako pupunta, Kuya ko?" naiiyak niyang tanong sa kapatid.

Malalim ang hiningang pinakawalan ng kapatid bago sa nito sinagot, "Sa planetang tinatawag na Earth. Doon ka pupunta, makakasama mo roon si Nana."

Napatingin ang batang babae sa isang babae na hindi niya namalayang kasama ng kapatid. Napakaamo ng mukha nito at natitiyak siyang mapagkakatiwalaan. Bahagya itong yumuko sa kanya.

"Nakahanda na ang mga kakailanganin ninyo. Kailangan niyo nang umalis, wala nang oras." Bumaling ang kapatid niya kay Nana. "Ikaw na ang bahala sa munting prinsesa."

"Makakaasa po kayo, mahal na prinsepe." yumuko ito tanda ng paggalang.

"Sige na, umalis na kayo."

"Kuya ko...."

"Ingatan mo ang sarili mo, munting prinsesa. Ibabalik kita rito pagdating ng tamang panahon."



My new fantasy story. Hope you guys will like it.

-F. Sylveon

Heart Of SwordWhere stories live. Discover now