Chapter 2

170 6 0
                                    


NAPAMURA na lamang si Yize nang makitang pare-pareho na silang bagsak ng mga kasama niya. Masyadong malakas si Agru kahit na pagsasama-samahin ang mga kapangyarihan nila.

"What should we do?" tanong ni Renei sa hinihingal na boses. Hawak nito ang tagiliran nitong natamaan sa atake ni Agru.

Umiling-iling siya. "Even if we joined forces, we can't match Agru's demon's prowess."

"He's the demon's king right hand after all." sabad ni Dent na panay din ang pagmumura dahil sa iniinda nitong sakit sa katawan.

Ipinalibot ni Yize ang paningin sa paligid. Umaasa siyang makakakita siya ng solusyon pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Agru.

"Die! All of you!" malakas na sigaw nito habang iniuumang sa kanila ang itim na kapangyarihan nito, na kapag mamalasin sila at matamaan dito, deritsong magiging abo ang kanilang mga katawan.

Sunod-sunod na lamang na napamura si Yize, maging ang mga kasama niya ay natataranta na rin. Hindi niya alam ang dapat gawin dahil nanghihina na rin siya--sila. Hindi na sapat ang natitirang magic prowess niya para tapatan ang ataking iyon ni Agru!

"Damn it!" tanging salitang lumabas sa mga labi ni Yize nang makita ang kapangyarihan ni Agru na bumubulusok patungo sa gawi nila.

Ngunit bigla siyang nagtaka nang bigla itong huminto ilang metro ang layo sa kanila.

"What's--"

"A protective seal?" nagtatakang anas ni Kaye, "B-but who--"

Sabay-sabay silang napalingon sa babaeng dahilan kung bakit nasa ganoon silang sitwasyon.

"She did it?" rinig ni Yize'ng tanong sa hangin ni Anister.

"Is she a Celysta too?" tanong naman ni Renei.

Wala silang nakuhang kahit isang sagot sa mga namumutawing tanong sa isipan nila. Hanggang sa marinig na lamang ni Yize ang pagmumura ng babae kapagkuwan ay may ginawa itong isang hand technique dahilan para magliwanag ang kinatatayuan nila na siyang humigop sa kanila patungo sa ibang lugar.

Natagpuan ni Yize ang sarili, kasama ang mga kaibigan niya sa isang malawak na hardin. Kahit lalaki siya ay hindi niya maiwasang mamangha dahil sa ganda ng mga bulaklak na nakatanim doon. Hindi niya akalain na may lugar na ganoon kaganda sa mundo ng mga tao sa kabila ng pag-usbong ng mga kakaibang teknolohiya sa mundong iyon.

"Wow..." manghang anas ni Kaye habang pinapalibot ang paningin sa paligid.

"Where are we?" tanong ni Renei.

"Who are you?" tanong ni Dent sa babae dahilan para mapatingin din sila rito at parehong hinihintay ang sagot nito.

Pero hindi nagsalita ang babae, nakatayo lang ito gayunpaman ay hindi alam ni Yize kung saan ito nakatingin dahil natatakpan ng buhok nito ang itaas na bahagi ng mukha nito. Tanging ang labi lang nito ang nakikita nila at nakatikom lang ang mga iyon.

"You're still bleeding." maya-maya ay pahayag ni Renei nang mapagtantong walang balak sumagot sa tanong nila ang babae. Napatingin si Yize sa braso ng babae na may nakataling panyo at nababalutan na ng dugo.

Napabuntong hininga na lamang si Yize. "Heal her, Anister."

Mabilis namang kumilos si Anister at lumapit sa babae ngunit kaagad din itong napatigil nang humakbang paatras ang babae na ikinakunot ng noo ni Yize.

"I'm not gonna hurt you..." pag-aalo ni Anister sa babae pero hindi ito nakinig bagkus ay umangat ang kamay nito at nagsagawa ng hand technique. Ilang segundo lang ang lumipas nang biglang mawala sa paningin nila ang babae.

"She's gone." bulong ni Anister.

"I wonder who is she?" tanong ni Kaye.

"She can make protective seal and can do teleportation." pahayag ni Dent. "She's a Celysta for sure."

"But I can't sense any magic prowess from her..." sabat ni Renei, "Even her aura is no difference from a mortal here."

Napaisip si Yize. Tama si Renei. Walang kakaiba sa presensya ng babae. Pero yung katotohanang nakita nila na may ginawa ito na hindi ginagawa ng isang mortal ay kakaiba. Maaaring isa ngang Celysta ang babae.

"We need to find her..." Anunsyo niya sa mga kasama. "We need to find her and bring her with us to Partiuo."


"ANONG nangyari?" salubong sa kanya ng Nana niya pagdating niya sa bahay nila.

Kaagad na tumuon ang mga mata nito sa braso niyang may nakataling panyo at puno ng dugo.

"Sinong may gawa nito sayo?" bakas ang pag-aalala sa boses nito gayunpaman ay may nahihimigan siyang kaunting galit doon habang tinatanggal ang pagkakatali ng panyo sa braso niya.

Umiling-iling siya. "Aksidente." maiksing turan ni Carsyn.

Mula sa sugat niya, lumipat ang paningin nito sa mukha niya. "Aksidente?" hindi makapaniwalang anas nito. "Sa lalim nito, aksidente lang? Huwag mo nga akong pinaglolokong bata ka."

Napabuntong hininga na lamang si Carsyn at hindi na nagsalita pa. Hinayaan niya lang ang Nana niyang gamutin ang sugat niya. Nang makita ang pagliwanag ng kamay nito na nakahawak sa sugat niya ay hindi na siya nagtaka. Isa iyon sa kapangyarihan ng Nana niya, ang magpagaling ng sugat.

Segunda lang ang binilang ni Carsyn, nang tingnan niya ang braso niya'y wala nang anumang bakas ng sugat doon. Pagkatapos ay tumingin siya ng deritso sa mukha ng Nana niya, doon lang niya napansin na nakatingin na rin pala ito sa kanya.

"Alam kong may nangyari, pero hindi kita pipiliting magkwento. Ang sa akin lang ay ingatan mo ang sarili mo, anak, ha ba?"

Pinakatitigan niya ang Nana niya. Mababasa niya sa mga mata nito ang pag-aalala na siyang lagi niyang nakikita roon simula pa noon. Alam ni Carsyn na may iba pang dahilan ang pag-aalalang iyon pero hindi niya magawang magtanong.

Buong buhay niya ay ito na ang kasama niya. Ito lang din ang kinakausap niya kaya nga malayo sa bayan ang bahay nila dahil ayaw niyang nakikihalubilo sa mga mortal. Wala namang ginawang masama ang mga ito sa kanya pero mas mabuti na ang nag-iingat.

Alam niya ang kalibre ng mga mortal, walang pinagkaiba ang mga ito sa mga nakakasalamuha niyang mga monster sa gubat. Mga halang ang mga bituka nito at sa oras na malaman ng mga ito ang totoo niyang pagkatao, tiyak na pagpipistahan siya at hindi titigilan.

Bahagya siyang natigilan nang maalala ang mga estrangherong dinala niya sa kanilang hardin. "May mga estranghero po sa hardin." pagpapaalam niya sa Nana niya. "Hindi sila mga mortal." dagdag pa niya.

Nanlaki ang mga mata ng Nana niya sa narinig. "Ano?!" gulat nitong anas. "Pero paano nangyari? Paano sila nakapasok? May barrier seal ang lugar na ito..."

Napayuko si Carsyn. "Pinapasok ko po sila."

"Bakit? Kilala mo ba sila?"

Umiling-iling siya, "Niligtas po nila ako mula sa demon na iyon."

-F. Sylveon

Heart Of SwordWhere stories live. Discover now