I

2.6K 54 1
                                    

Sa makulimlim na dapithapon, hawak ko ang isang baso ng kape at aklat sa kabila. Umuusok ang halimuyak ng inumin sa aking sistema, gumigising sa aking diwa upang maintidihan ang bawat letra, salita at pangungusap na makikita sa bawat pahina ng librong aking binabasa.

Nasa dulo na ako ng nobela. Binasa ko ang huling talata ng tahimik at dinama ang mga nakalimbag na salita.

After a year, the guy proposed to his girl to marry him, then solemnly, she said yes. After a year, they were at the altar and exchanged 'I do's'. After a year, they were at the same home, living the same days and same nights without fearing all of the things that were about to come.

May ligaya na bumukadkad sa aking puso na para bang binasa ko ito sa talulot ng isang rosas. Simple ngunit may kakaibang ganda. Maiksi ngunit may kakaibang tama.

Nasiyahan, sinarado ko na ang aklat at binalik ito sa salansanan.

Pagkatapos nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

Masigla akong tumungo upang pagbuksan ito. Tumambad ang sa aking harapan si Bryan na hapo mula sa kaniyang trabaho, pawisan ngunit presko pa ring tingnan.

Dinaluhan ko siya ng isang mahigpit na yakap ngunit hindi niya ito binalik. Maaaring wala na siyang natitirang lakas upang subukin pa.

Kinalas ko ang aking kamay upang makapasok na siya sa loob. Mabilis siyang tumungo sa sala upang umupo sa kutyon.

"Na-late ka yatang umuwi ngayon. Nagproblema nanaman ba sa opisina?" ani ko at nagtungo sa kusina upang paghandaan siya ng miryenda. Malapit lang ito sa sala kaya nagkakarinigan kami.

"Medyo," sagot niya na may hingal sa pagitan ng salita. "Ayaw pa kaming pauwiin ni Boss. May mga nawawala kasing importanteng dokumento sa office namin kaya hinanap namin sa buong lugar."

"Oh, tapos?" tanong ko na wari ay interesante sa kaniyang ikukwento.

"Ayon, galit na galit pa siya sa'min, e siya nga yung may hawak nu'n. Hindi niya lang maalala kung saan niya nailagay yung mga papel na 'yun."

Natawa ako sa tono ng kaniyang pananalita.

"E, ngayon, nahanap niyo na ba?"

"Hindi pa nga, e," aniya at napakamot sa kaniyang batok. "M-Maaga niya akong pinauwi. Reward daw niya dahil ako raw yung pinakapaborito niyang employee."

Nabigla ako at namilog ang aking mata habang nagpapahid ako ng margarine sa tinapay. Pagkatapos ay nilagay ko na ito sa toaster.

"Aba, mabuti naman. 'Di ba isang buwan ka palang doon na nagtatrabaho? Maganda siguro yung perfomance mo kaya nabilib sa'yo yung boss mo."

Narinig ko na napaubo siya sa sinabi ko.

"Maaari nga."

Ngumiti ako sa balita niya.

Hindi man kami kasal ni Bryan ngunit mag-asawa na ang turingan namin sa isa't isa. Maaga kaming nawalay sa mga magulang namin na hindi kami tanggap dahil sa kasarian. Ilang buwan kaming nangupahan, at kalauna't nakabili ng bahay sa pag-iipon mula sa propesyunal naming trabaho.

Doon ay napagpasyahan namin na huminto ako sa pagiging guro upang mabantayan at mapangalagaan ko ang aming tahanan. Samantalang nagpatuloy lang si Bryan at nagpalipat lipat ng kumpanya dahil ilang beses na siyang pina-resign dahil sa hindi magandang performance.

Kaya masaya na ko ngayon na nakakapagtrabaho na siya ng maganda sa bago niyang pinapasukang kumpanya.

Maliit lang ang aming bahay ngunit maganda, maayos at sapat na para sa aming dalawa.

At dahil kasama ko siya, wala na akong maihihiling pa.

Matapos kong ihanda ang mga tostadong tinapay sa platito at kape bilang kaniyang miryenda sa hapon, dinala ko na ito sa sala upang ihain sa kaniya.

Nilapag ko ito sa mini table, at sa sandaling iyon ay nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likuran at hinila ako.

Napakandong ako sa kaniya.

"Ang bango mo," ani Bryan habang inaamoy ang aking leeg. Bigla akong namula habang pilit na kumakalas mula sa kaniya.

"Tumigil ka nga. Wala ako sa mood ngayon," sabi ko sa kaniya.

Nag-atungal siya at binaon ang kaniyang mukha sa aking likod.

"Pwede ba nating gawin ngayon?"

"Hindi."

Mas lalo niya lang hinigpitan ang kaniyang pagkakayakap.

"Aray! Ano ba, Bryan, nasasaktan na 'ko," ani ko at niluwagan ng kaunti ang kaniyang braso, ngunit hindi pa rin niya ako pinakakawalan.

"Sige na kasi, kahit isang beses lang."

Sa nakakatuwa niyang pagmamakaawa, hindi ko alam kung matatanggihan ko pa siya.

"Hindi mo pa nga nakakain yung miryenda mo, paano ka makakahugot ng lakas niyan."

Natahimik siya ng ilang segundo.

"So ibig sabihin, pwede nating gawin ngayon?"

"Oo na, basta kainin mo lang yung miryenda mo," ani niya at kakalasin na sana ang kaniyang pagkakayakap ngunit nabigla ako ng mapaglaro niyang kinagat ang aking balikat. Kinurot ko siya sa tagiliran at napa-aray naman siya.

"Sorry, akala ko kasi ikaw yung miryenda ko," aniya at humagikhik gamit ang malalim niyang boses.

Sobrang pula na ng aking mukha sa kahihiyan at gusto ko nang itago ang sarili mula sa kaniya. Binitawan niya rin naman ako pagkatapos.

Tumayo na ako at tumungo sa pinto ng aming kwarto.

Tanaw ko ang kaniyang ngiti. Aliw na aliw sa ginawa niya.

"Pagkatapos mo diyan, maligo ka muna. Hihitayin kita sa kwarto," sabi ko.

"Sure, Hon'," aniya at kumindat bago ko buksan ang pinto at pumasok sa loob ng aming bedroom.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now