Wakas

1.2K 46 11
                                    

Hindi na siya uuwi.

Ilang beses ko na itong pinaalala sa aking sarili ngunit umaasa pa rin ako na sana ay isa lang 'tong malaking kalokohan. Hinahangad ko na iba ang katotoohanan sa lahat ng aking nasaksihan. Hinahangad ko na sana ay isa lang 'tong prank bilang pambawi sa ginawa ko sa kaniya tungkol sa Robust capsule.

Tatlong araw na ang nakakaraan ngunit umiiyak pa rin ako sa aking silid.

Hindi ko matanggap.

Binasag ko kagabi ang lahat ng pictures namin na nakaframe sa sala. Mga basag na alaala na hindi ulit mabubuo.

Napuno ng sugat ang aking mga kamay ngunit wala akong naramdaman.

Namamanhid ang aking buong katawan.

Mabuti nalang at kasama ko si Klyde nung panahong iyon at siya ang naglagay ng bandages sa mga sugat ko.

"Umuwi ka na," bulong ko sa bintana at umaasang makakarating sa kaniya.

Hindi ko na kaya. Parang lahat ng bagay na siyang magiging dahilan ng aking saya ay dinala na niya paalis kasama niya.

"Nag-eemote ka nanaman," ani Klyde pagpasok niya sa aking silid upang suriin ako kung maayos na ang aking kalagayan. Lumapit siya sa tabi ko habang nakaupo rin siya sa kama at pinapanood ang mga tala na kumikislap.

Hindi ako kumibo.

Ilang segundong katahimikan ang bumalot sa paligid hanggang sa lumingon siya sa'kin upang tignan ang mga bandages na binalot niya sa'kin.

"Magaling na ba 'yan?"

"Ewan ko. Hindi ko maramdaman kung nasasaktan pa ko," sagot ko habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

"Paano, ibang sakit yung pinatutuunan mo ng pansin. Ibang sugat yung nais mong pagalingin."

Natawa ako ng maiksi at napayuko. Tama siya. Paano niya nahulaan?

"Ayos lang 'yan, Rowan. Natural lang na maramdaman 'yan," aniya at hinawakan ang aking kamay. "I-che-check ko lang kung magaling na para hindi mo na 'ko dramahan."

Sa pangalawang pagkakataon ay natawa ako ngunit hindi ako tumugon sa sinabi niya.

Isa-isa niya itong tinggal.

"Naghilom na," aniya.

"Mabuti naman."

Inakbayan niya ako ng marahan gamit ang malaki niyang braso.

"Nandito lang ako, Rowan. Bilang pambawi sa kabaitan mo, siyempre tutulungan kita na hilumin ang kahit anong sugat na mayroon ka. Kahit hindi pa natin 'yan makita. Tutulungan kita."

Kumapit ako sa braso niya sinandal ang aking ulo sa kaniyang balikat. Pinikit ko ang aking mga mata at naglarawan sa aking isipan na ako'y dinuduyan sa madilim na dalampasigan.

"Gusto mo bang pumunta sa plaza ngayon? Libre kita."

Ngumiti ako at pumayag sa alok niya.

...

Same days, same nights...

...kasama ko si Bryan. Nabuo ang mga bagay na nagpabuhay sa'ming dalawa. Nabuo ang tiwala ko na siya lang ang sumira.

Same days, same nights...

...mga alaalang iniiyakan ko sa tuwing pumapasada sa aking isipan.

Kay bilis ng panahon. Dati, ayaw ko pang mawaglit ang kahit anong detalye ng kagandahang mayroon sa bawat eksenang magkasama kami, ngunit ngayon ay nais ko na silang kalimutan lahat.

Same days, same nights...

...sa iisang bahay. Nagsimula at nagwakas.

Ngunit gagawa ako ng panibagong umaga at panibagong gabi nang hindi siya kasama.

Mga alaalang hindi ko na nanaisin pang kalimutan.

Wakas.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें