III

1.5K 44 0
                                    

Hindi naging madali ang pagsubok na pinagdaanan namin ni Bryan bago namin napagpasyahang manirahan sa iisang tahanan. Nagkakilala kami sa isang tagong bar sa isang syudad.

Nagkayayaan kami ng mga tatlo kong kaibigan kong kapwa ko bisexuals na tumambay doon upang i-celebrate ang aming pagpasa sa licensure examination. Hindi pa ako umiinom ng mga inuming may alkohol kaya pinili kong utusan ang kaibigan kong i-order ako ng milkshake, yung pinakadisente nilang available na drinks dito sa bar.

"Oh, sige. Hindi ka na namin pipilitin na uminom, pero kailangan mo kaming iuwi kung sakaling malasing kami ng todo, ha?" sabi ni Martin bago umalis kasabay sina Jasper at Lucius na kapwa madalas dito sa bar. Patungo sila sa counter.

"Ewan ko sa inyo!" sigaw ko at narinig ko silang nagtawanan sa 'di kalayuan.

Ilang saglit lang ay biglang tumugtog ang isang malaswang kanta at dumilim ang ilaw sa paligid. Isa-isang lumabas ang mga macho dancers sa stage at gumiling-giling sa pole, kasabay ng malalakas na sipol at hiyawan ng mga tao na pinapanood sila.

"Ba't may mga lalaking sumasayaw sa harapan?" tanong ng isang lalaki na may bakas ng pandidiri sa kaniyang pananalita.

Agad akong napalingon upang kausapin kung sino man 'yon.

"Psst! Hoy!" tawag ko doon sa lalaki at napalingon naman siya sa'kin habang umiinom ng beer.

"Bakit, pre? Anong problema mo?" masungit na tanong nito.

"Hindi ka ba aware na nasa gay bar ka?"

Nangunot ang kaniyang ulo sandali at biglang nagulat ng pumasok sa kaniya ang reyalisasyon kung nasaan siya.

Malaswang paligid na punong puno ng mga hubad na lalaki. Hindi pa ba obvious?

"Pasensya na. Wala ako sa tamang pag-iisip ngayon. Gusto ko lang naman uminom. Hindi ko namalayan kung anong klaseng bar ako napadpad."

Sobra akong naghihinala sa sinabi niya. Sobrang tago ng bar na 'to, paano niya matutunton ito ng aksidente lang?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kakabreak ko lang kasi sa girlfriend ko ngayon. Five years kami bago nagtapos," aniya at uminom ulit mula sa bote ng beer. "Hey, pwede mo ba akong samahan dito. Natatakot kasi ako, baka lapitan ako ng isang manyak na bading. Mukha ka namang katiwa-tiwala," aniya.

"Hindi por que bading, manyak na. Homophobic ka ba?" offended kong tanong.

"May sinabi ba ako?" aniya. "Hindi ako kontra sa kanila, ayoko lang manyakin ako dito kasi gay bar 'to, 'di ba? Yun lang."

Feeling habulin naman ang isang 'to.

Pinagmasdan ko siya. Totoo namang may gwapo siya, maarte nga lang.

"Sige, magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko."

Nang makalapit na sina Martin, Jasper at Lucius ay doon na ako nagpaalam sa kanila upang samahan ang estranghero. Ewan ko ba kung bakit ko gagawin 'to.

"Go, Rowan! Dalhin mo na rin 'tong milkshake mo," sabi sa'kin ni Jasper sabay abot ng aking inumin. "Goodluck sa'yo, ayiee!"

Binigyan nila ako ng makahulugang tingin ngunit inirapan ko sila.

"Bryan Rodriguez nga pala," aniya at nilahad ang kaniyang kamay pagpunta ko sa table niya.

"I'm Rowan. Ang pormal naman ng handshake," sabi ko at tinanggihan lang ang kaniyang kamay. Binaba niya lang ito.

"Whoah, sorry for that," aniya at inalok sa'kin ang isang baso ng beer. "Gusto mo ng drinks?"

Tumango ako at tinggap ito mula sa kaniya. For the first time, uminom ako ng alcoholic beverage kahit lagpas na ko sa legal age.

"Hindi ko maintindihan. Bakit gustong-gusto niyong uminom nito, e ang pangit ng lasa," sabi ko at nanginig sa tindi ng aking pagkasuya. Pero nagbuhos muli ako sa baso upang tikman ulit. "Hindi talaga masarap. Isa pa nga."

Akma na sana akong magbubuhos ulit ngunit pinigilan na ako ni Bryan.

"Akala ko ba hindi masarap, ba't paulit-ulit ka sa pag-inom?" tanong niya.

"E, hinahanap ko nga kung saan banda yung sarap. Parang wala naman."

Napasinghal siya.

"Inumin mo nalang yung milkshake mo, tutal hanggang diyan lang naman ang kaya mo," mapanukso niyang sabi at tumawa ng saglit.

Dahil sa pangmamaliit niya ay inagaw ko na ang bote sa kaniya at nagbuhos ulit.

"Hindi. Kaya ko pa 'to," mapanghamon kong sambit at nilagok ito ng mabilis. "See?"

Napailing siya habang nakangiti.

Nagkwentuhan kami ng mga personal na bagay, hanggang sa dumating sa punto na nilahad niya ang dahilan ng kaniyang paglalasing sa araw na 'to.

"Bading ka ba?" out of nowhere niyang tanong.

"Mabibigla ka ba kapag sinabi kong 'oo'?"

"Oo nga pala. Nandito ka kasi bading ka," aniya. Natawa ako imbes na ma-offend.

"E, nandito ka rin, so bading ka rin ba?" bawi ko.

"Hindi ah!" mabilis niyang pagtatanggi. "Aksidente nga akong napadpad dito."

"Kahina-hinala ka, Bryan," sabi ko at tumawa kami pareho.

"Kakasabi ko lang sa'yo na mayroon akong girlfriend, 'di ba?" sabi naman niya at umayos sa pagkakaupo. "Anyway, curious lang ako. Mas madali bang magmahal bilang isang tunay na lalaki o bilang isang bading? Sa perspektibo ko kasi, madalas ako ang gumagawa ng kilos para ma-please yung babae. Ako palagi yung nanunuyo. Ako palagi yung gumagawa ng paraan. So..."

Napakurap ako.

"Ewan ko. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend ever since," sagot ko. "Pero sa tingin ko, mas madaling magmahal kapag isa kang tunay na lalaki, dahil maipagmamalaki mo yung minamahal mo ng walang takot na huhusgahan ka ng ibang tao. Nasasabi at napaparamdam mo na mahal mo siya kahit saan, 'di tulad namin na kailangan pang itago."

"Oh, I see," aniya. Lumagok pa siya ng isa pang baso. "Do you mind going elsewhere?"

"Bakit?"

"For fun," simple niyang sagot. "Nagustuhan ko ang company mo, to be honest. Maybe, we can actually have fun privately, alam mo na?"

"Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba straight ka?"

"I'm an experimental person. Gusto kong sumubok ng bago, baka sakaling makalimutan ko yung sakit na 'to," aniya.

Medyo naawa ako pero nangibabaw ang pangamba at the same time.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na sasamahan ko si Bryan kung saan niya ako dadalhin. Tuwang-tuwa naman silang um-'oo'.

Napadpad kami sa kaniyang apartment.

Sa kalasingan, may nangyari sa'min nung gabing iyon, pero hindi pa rin kami nag-iwanan matapos ang tagpo.

Bagkus ay kinilala pa namin ang isa't isa.

Tatlong buwan bago siya nagsimulang ligawan ako. Tatlong buwan bago kami nagkaroon ng relasyon. Tatlong buwan bago namin inamin ang lahat sa aming mga magulang ngunit hindi kami tinanggap. Wala kaming nagawa kun'di mamuhay sa iisang bubong, malayo sa aming mga pamilya. Malayo sa mga mapanghusgang mga mata.

Pero 'di ako nagsisi, sapagkat sigurado ako sa kaniya.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now