V

1.1K 41 1
                                    

Inabot ng ilang oras ang aking paghahanda, sapagkat ako lang mag-isa ang kumikilos para sa lahat ng mga gawain. Muntik ko pang makaligtaan yung cake sa oven, kaunting minuto nalang at masusunog na. Mabuti nalang at nalaglag ako kanina habang nakatungtong sa upuan upang idikit ang banner sa pader. Napakaripas ako ng takbo nung naalala ko yung binibake ko.

Sa wakas, nakapuwesto na ang lahat sa tamang lugar.

Hawak ko ang strawberry cake na naisipan ko pang gawing inspired by Harry Potter, kaya sinulatan ko ito ng kulay green ng icing na 'Happee Birthdae Bryan' upang itugma. Nung nakaraang weekend kasi, nag-marathon kami ng Harry Potter series kaya sigurado akong malalaman niya kung saan galing ang disenyong ito.

May katok sa pinto na biglang nagpakaba sa aking dibdib. Mahigpit kong hinawakan ang isang cylinder ng confetti. Sinuri ko muna ang paligid bago ko pinagbuksan si Bryan ng pinto.

"Happy Birthday, Hon'! I love you!" sabi ko bilang pagdalo at pinaputok ko sa harap niya ang confetti. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi. "Surprise!"

Napatingin siya sa paligid at namilog ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya habang may mga dala siyang isang malaking kahon ng regalo na may kasamang isang pumpon ng rosas.

"Salamat, Hon'. Hindi ko in-expect na gagawin mo 'to. Akala ko nakalimutan mo na yung kaarawan ko," namamangha niyang sambit at nilapag ang kaniyang mga bitbit sa mesa, tabi lang ng cake na ginawa ko para sa kaniya.

Pakiramdam ko tuloy, kulang pa yung binigay ko sa kaniya. Sa laki kasi ng kahon, parang marami iyong laman na surpresa.

"Hindi ko makakalimutan ang bawat espesyal na araw mo, Bryan. Lagi silang nakalista sa memo ko para mapaghandaan ko palagi."

"Pero hindi ko hinihiling na bigyan mo ko ng ganito. Sapat na sa'kin na batiin mo lang ako," aniya.

"Ako ang nagdecide nito para gawin ang lahat ng ito, so don't worry."

"Thank you ulit, Rowan. Sobra akong natuwa."

Ngumiti lang ako habang pinapanood ko siyang pagmasdan ang banner na may nakalagay na 'Happy Birthday' at mga lobo na nakatali sa bawat bintana.

"Ikaw yung nagbake nito? Bakit parang ang gulo ng design?" tanong niya sa cake na ginawa ko at tumawa ng bahagya.

Natawa rin ako sa naging reaksyon niya.

"Hindi mo ba naalala? Yan yung design ng cake na binigay ni Hagrid kay Harry Potter nung birthday niya. 'Di ba, nanuod tayo ng movie n'un noong nakaraang linggo?"

Napakamot siya sa kaniyang sentido.

"Hala, hindi ko talaga maalala. Sobrang busy ko kasi sa trabaho kaya nakakalimutan ko na yung mga bagay na 'yun," aniya.

"Wala 'yon, at least naipaliwanag ko sa'yo ng mabuti. Hindi talaga ako magulo gumawa ng cake, tugmang tugma talaga 'yan sa naging reference ko, pero di na 'yon mahalaga. Birthday mo ngayon kaya dapat tayong mag-celebrate."

Kinuha ko ang lighter at sinindihan na ang mga kandila

Kumanta ako ng pambati sa kaniyang kaarawan, dalawang beses, bago niya hipan ang mga kandila. Kumuha ako ng kulsilyo sa kusina. Nagdala rin ako ng mga kutsara't platito para sa aming dalawa, tig-isa.

Hinati ko na ang cake sa tamang laki, yung kasya lang sa aming lalagyan. Inabot ko ang isa sa kaniya at nagsimula na kaming kumain.

Tinanggal na niya ang kaniyang suot na necktie tinanggal ang itaas na butones ng kaniyang polo bago lumantak.

"Ayaw mo bang magpalit muna ng damit? Baka hindi ka komportable sa suot mo?"

"Hindi na. Okay lang 'to," aniya pagkatapos ay sumumpak ng malaking bahagi ng cake. Doon ay nabulunan siya. "T-tubig!"

Agad naman akong pumunta sa kusina upang kuhanin ang tubig na nilagyan ko ng Robust capsule. Handa na akong iprank siya sa sandaling ito.

Binigay ko ito sa kaniya at mabilis naman niya itong ininom hanggang sa huling patak. Dala na rin siguro ng uhaw.

Na-excite ako sa mangyayari.

Napatingin ako muli sa regalo na dala niya sa pag-uwi. Hindi ko napigilan ang pagiging kuryoso rito.

"Sino nga pala ang nagbigay nito sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

"Ah, wala lang 'yan," aniya at sumubo ulit ng cake. Nagsalita siya sa gitna ng kaniyang pag-nguya. "Binigay sa'kin 'yan ng boss ko, nasabi ko kasi na espesyal na araw ko ngayon kaya niregaluhan niya ako."

"Bilib talaga sa'yo yung amo mo, ano? Best employee ka talaga," puti sa kaniya.

"Siyempre, bumabawi na 'ko ngayon, Hon'. Pagod na akong magpalipat-lipat ng trabaho kaya pinag-iigihan ko na ngayon. Madalas na akong nagpapakitang-gilas sa opisina."

"Mabuti naman kung gano'n," sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok at sinuklay ito gamit ang aking mga daliri.

Natapos na namin kainin ang kalahati ng cake at nabusog na kami. Plano naming hindi na mghapunan dahil sapat na ang naisaluksok namin sa aming kalamnan.

Habang nagpapahinga kami ay hinihintay ko na tumalab yung prank ngunit hindi pa rin namumula ang mukha ni Bryan, nakalipas na ang ilang minuto. Kunwari sana na magpa-panic ako para mag-panic din siya sa naging resulta ng kaniyang mukha, ngunit hindi pa rin ito nangangamatis hanggang ngayon.

"Ang init," sabi niya at tumakbo palapit sa air conditioner.

Sa pag-aakalang tumatalab na ang gamot ay bigla ko siyang nilapitan, ngunit hindi pa rin pala.

"Okay ka lang?"

"Anong nangyayari sa'kin?" paimpit niyang tanong sa sarili habang nakakuyom ang mga kamay.

"Sige na nga, aamin na 'ko," sabi ko sa kaniya. "Nilagyan ko ng Robust capsule yung inumin mo para i-prank kita, pero mukha namang hindi tumatalab sa'yo, e."

Sabi ni Klyde walang side effects yung gamot, pero bakit siya nag-iinit?

"Bakit? Alam mo ba talaga yung epekto nito?" paimpit pa rin niyang sambit.

"Oo, sabi ng kaibigan ko mamumula raw yung mukha mo hanggang sa mapraning ka sa takot," sagot ko sa kaniya.

"Mali ka!" bwelta niya sa'kin. "Gusto mo bang malaman kung ano ang ginagawa ng gamot sa akin?"

"S-sige," simple kong sagot. Medyo kinakabahan na ako sa sitwasyon niya.

"Akin na 'yun kamay mo," utos niya na ginawa ko naman. Mabilis niya itong hinila at dinikit sa kaniyang harapan at nadama ko ang nagngangalit niyang ari sa loob ng kaniyang pantalon.

Niloko ako ni Klyde tungkol sa epekto ng gamot. Lagot na.

Mariin niya akong inutusan.

"Pumunta ka sa sala at tumuwad sa sofa, ngayon na!"

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now