IV

1.2K 41 0
                                    

Birthday ni Bryan ngayong araw at plano ko siyang surpresahin sa kaniyang pag-uwi. Umalis siya kanina ng bahay ng hindi man lang sinasambit ang tungkol sa kaniyang kaarawan, malamang ay nakalimutan niya ito kahit pa isa ito sa mga importanteng araw ng kaniyang buhay.

Umaga palang ay mabilis akong naghanda at nagtungo sa supermarket upang bumili ng mga ingredients sa gagawin kong cake. Yung ipon ko ang ginamit kong pambayad sa mga gagastusin.

Mahilig si Bryan sa strawberry flavoured na mga pagkain, kaya naisip kong kumuha ng preskong prutas na strawberry at pati na rin ang artificial flavourings upang mas lalong dumagdag ang lasa. Sinamahan ko na rin pink na food color para bagay kahit alam ko kung gaano niya hindi kagusto ang kulay na ito.

Babawi nalang ako sa ganda ng disenyo ng frostings na gagawin ko.

Bumili na rin ako ng banners, balloons at confetti upang pabonggahin ang aking surpresa.

"Wow, mukhang may espesyal na ganap ka ngayon, ah!" ani Klyde na cashier, habang nagii-scan ng mga pinamili ko. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang bawat isa.

Naging malapit na kami dahil madalas akong bumibili ng mga kagamitan dito sa mismong supermarket na ito, at lagi akong pumipila sa lane niya.

"Medyo kinakabahan nga ako, e. May alam ka pa bang ibang pakulo bukod sa gasgas na cake, balloons at confetti sa birthday surprise?"

Napahinto siya saglit at napaisip siya ng malalim.

"Pranks!"

"Pranks?"

"Yun 'yung makabagong surprise, ngayon. May twist 'tsaka tricks. Alam mo na? Yung palaging trending sa youtube?"

"Oo, aware ako kung ano 'yon pero wala akong maisip na prank."

"Tanong ko lang, para kay Bryan ba 'yan?"

Kilala ni Klyde si Bryan dahil minsan ko na siyang naikwento sa kaniya, pero hindi pa niya ito nakikita. Alam din niya na magkasama kami sa iisang bahay at may relasyon kami sa isa't isa.

"Yup. May naiisip ka ba?"

"Aba'y siyempre. Lagi akong nanunuod ng mga pranks-pranks na 'yan. May naisip akong maganda para sa'yo," aniya at tumawa ng mababa at malademonyo.

"Hoy, bakit ka ganiyan makatawa? Nagbibiro ka ba?"

"Hindi! Sasabihin ko na nga yung prank na naisip ko," aniya at biglang naging seryoso ang kaniyang mukha. "Alam mo ba yung Robust Capsule?"

"Huh? Ano 'yun? Drugs?"

"Oo, drugs pero hindi naman siya illegal."

"Ahh... O tapos?"

"Ipainom mo sa kaniya yung gamot. Siyempre, 'di ba prank 'yon? Pasikreto mong ihalo sa inumin niya para di niya malaman na ininom niya 'yon," aniya.

"Anong mangyayari sa kaniya kapag ininom niya 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"Mamumula 'yung pisngi niya ng sobra-sobra," sagot niya.

"Talaga? Yun lang?"

Napahinto siya at nagpipigil ng kaniyang tawa. Nangunot ang aking noo sa ekspresyon niya.

"Oo, yun lang," sagot niya ulit hanggang sa hindi na niya napigilang pakawalan ang kaniyang mababaw na kaligayahan.

"Ano namang espesyal dun, e yun lang naman pala yung epekto? Anong klaseng prank 'yan at mukha namang walang kwenta."

"Hindi! Nakakatawa 'to, pramis! Agad na mapapansin 'yon ni Bryan kapag napatingin siya sa salamin at bigla siyang mapapraning."

"Ewan ko sa'yo, pero hindi ako natutuwa. Baka pati ako, mabahala kapag nakita ko siyang nangamatis ang mukha."

Tumawa siya ulit.

"I-try mo kasi. Wala naman siyang side effects, e. Proven and tested. Kusa naman siyang mawawala pagkatapos ng ilang oras. Ginawa talaga yung gamot na 'yun para iprank yung mga tao."

"Totoo ba?" mapanigurado kong tanong at tumango lang siya. "Sige, saan ba nakakabili niyan?"

"Meron ako dito, bigyan kita ng isang tablet?"

"Magkano naman?"

"Libre nalang, kaibigan naman kita," aniya.

"Hala, magkaibigan pala tayo," sabi ko, kunwari hindi ako makapaniwala. Binigyan niya ako ng matalas na tingin. "Joke lang. Para mo 'kong papatayin sa tingin mong 'yan."

Nilabas niya mula sa kaniyang bulsa ang lalagyan ng capsule, tsaka kumuha siya ng isa at nilagay sa maliit na supot. Pagkatapos ay binigay niya ito sa akin na agad kong binulsa.

"Ihahalo mo 'yan sa tubig bago pa mauhaw si Bryan at magpasyang uminom," paalala niya at akin itong tinandaan.

"Okay, thank you sa palibre mong prankster capsule, ha?" sarkastiko kong sabi, at nagbiro. "Tandaan mo, kapag pumalpak 'to, papupulahin ko naman yung mukha mo, manu-mano."

"Ako na nga 'tong nagmagandang loob. Ang lakas din ng tama mo," aniya.

Bigla kaming tumawa ng sabay.

"Ang swerte siguro sa'yo ni Bryan, ano? Napaka-sweet mong boyfriend," puri niya sa'kin at nagpatuloy sa pag-i-scan.

"Siguro nga," yun nalang ang nasabi ko. Gusto ko talagang bigyan ng effort si Bryan, pambawi sa pagiging breadwinner sa pagitan naming dalawa.

"Sayang. Kung single ka lang, matagal na sana kitang niligawan," aniya at mahinang bumuntong hininga habang sinisimulan nang ilagay sa package ang bawat pinamili ko.

"Pinagsasabi mo?" sabi ko na may bakas ng pagkabigla.

"E, kasi, ikaw yung tipo ko," aniya.

"Huli ka na."

"Yun nga, e. Kaya nakakapanghinayang," aniya at tumingin sa'kin saglit upang suriin ang aking hitsura. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kaniyang trabaho. "Balitaan mo 'ko kapag hiwalay na kayong dalawa, handang-handa akong saluhin ka."

"Ewan ko sa'yo."

Mabuti nalang talaga at kaunti palang ang mga namimili ngayon sa mga oras na 'to at wala pa namang nakapila masunod sa akin sa lane na kinatatayuan ko, kaya walang naistorbo sa pag-uusap namin ni Klyde.

Umalis na ako pauwi sa aming bahay upang masimulan ko na ang preparasyon. Nilapag ko ang aking mga pinamili sa sala at nilabas mula sa aking bulsa ang Robust Capsule.

Ito muna yung ihahanda ko, bago yung ibang gawain.

Same Days, Same Nights [M2M, SPG] (Danmax Shorts)Where stories live. Discover now