Chapter 7

248 13 0
                                    


“yiee may stalker sya haha”sabi ni kyla at kinukurot kurot ako sa tigiliran

“tigilan monga ako kaykay”iritadong sabi ko

“haha btw nath tutal wala ka namang pasok, pwede bang samahan moko mag mall please?”sabi ni kaykay at yumakap sa braso ko

Bigla kong naalala yung sinabi ni sir, lagot pupunta pa pala ako sa bahay nya aish diko masasamahan si kaykay

“sorry kaykay may pupuntahan pa pala ako” sabi ko, lumungkot naman ang mga mata nya naawa tuloy ako hays

“hmm, ganon ba, san ka naman pupunta?”tanong nya at kumawala sa pag kakayakap sakin at umupo sa sofa

“sabi kasi ng music teacher ko ako daw ang representative ng room namin para sa dadating na contest”paliwanag ko sakanya

“contest?”takang sagot nya

“yeah, diko alam na may ganong contest pala sa school nayun”sabi ko sakanya, tumango lang sya at tumayo na

“oh sya sige na una nako mag ingat ka sa pupuntahan mo natnat ah muah love yah”sabi ni kaykay at yumakap sakin

“yeah, ikaw din ingat ka”sabi ko at niyakap sya pabalik

“text moko pag may kailangan ka ah”sabi nya pa bago buksan ang pinto at umalis

Swerte ko talaga sa babaeng yun.

Pumunta na ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para maligo at makapag bihis

Pag tapos mag bihis ay humarap ako sa salamin para makapag pulbo

Hindi ako nag lalagay ng make up sa mukha ko dahil ayokong maging clown katulad ng iba

Nang matapos kong ayusan ang sarili kinuha kona ang bag ko at nilock ang bahay

Pumara ako ng taxi at binigay sakanya ang address na binigay sakin ni sir

Nang makarating ako sa aking destinasyon, agad umawang ang labi ko dahil sa nakita ko

Gandang bahay.ay hindi bahay, mansyon anlaki eh

Nag doorbell na ako at wala pang isang minuto may babaeng nag bukas ng gate

Malapad itong ngumiti saakin, sinuklian ko naman ito ng isang matamis na ngiti

“hija ikaw ba si nathalia gonzales?”tanong nito saakin, tumango ako at pinapasok na nya

“maupo ka muna jan hija tatawagin kolang ang asawa ko”sabi nung magandang babae.asawa pala yun ni sir ambata ng mukha ah sabagay ambata din ng mukha ni sir eh bagay sila.

Pero walang poreber.

“nathalia nandito kana pala, ang aga mo naman”sabi ni sir, ngumiti lang ako

“sya nga pala hija etoh nga pala ang maganda kong asawa si viena”sabi ni sir  at inakbayan yung magandang babae

“hi po ma'am vienna”sabi ko,ngumiti ito sakin kaya naman nginitian ko din sya, hinawakan nya ang kamay ko at naupo sa tabi ko

“napaka ganda mong bata hija”sabi nito

“salamat po”

“nasan ang mga magulang mo?”tanong nito dahilan para matigilan ako

“w-wala napo akong magulang, iniwan napo nila ako”sabi ko at yumuko.nakakahiya

“ganon ba nako pasensya na hija hindi ko alam na—”di kona sya pinatapos at agad ko syang niyakap, hindi ako nag salita at niyakap kolang sya

Niyakap nyako ng mahigpit dahilan ng pag luha ko

“tahan na hija hindi bagay sayong umiiyak ka”sabi ni sir, kumawala ako sa pagkakayakap kay ma'am viena at pinunasan ang luha kong tumulo

“p-pasensya napo ma'am viena n-nadala l-lang po ako”sabi ko at umayos ng upo,ngumiti lang Ito

“its okay hija just call me mommy”sabi nito

“h-ho?”

Tumingin ito kay sir at binalik din agad ang tingin sakin

“hija alam moba hindi kami pinalad ni david magka-anak”sabi nito at may butil ng luhang nakatakas sa mga mata nya, agad ko itong pinunasan, hinawakan nya ang dalawang kamay ko

“gusto mo bang i-adopt ka namin?”tanong nito

Hindi ako makapag Salita sa sinabi nya, nihindi rin ako makagalaw

“hindi ka namin pipilitin kung ayaw mo hija”sabi naman ni sir at ngumiti

“pasensya na hija gusto kolang talagang may maalagaan, maramdaman na may anak akong inaalagaan”sabi ni ma'am viena

“p-pasensya na po a-ayoko po, nangako ako sa sarili kona ipapamukha ko sa pamilyang iniwan ako na kaya kong mabuhay nang walang katulong na kaya kong mabuhay nang ako lang mag isa”paliwanag ko

“matatag kang bata hija”sabi ni sir

“ganto nalang turing mo narin kaming pamilya mo, turing mo kaming pangalawang magulang mo, ituring mokong mommy mo at si david ay ang daddy mo, hahayaan ka namin sa kung anong gusto mo, pero kapag hindi mona kayang mag isa nandito kami para sayo”sabi ni ma'am viena at niyakap ako ng mahigpit, kitang kita ko sa mga mata nya ang pag mamakaawa at kalungkutan

“sige po payag nako”kumawala sya sa pagkakayakap sakin at hinalikan ako sa pisngi, ang kaninang malungkot na mata nya ay napalitan ng saya

“talaga??”

“opo”sabi ko, at niyakap nya ulit ako, hindi lang si ma'am viena ang yumakap sakin kundi pari narin si sir

“thank you”sabi ni sir, ngumiti lang ako sakanya

“oh sya tama na ang drama halikana baby pag b-bake kita”sabi ni ma'am viena

“a-ano po?”sa tanang buhay ko ngayon lang ako trinato ng ganito

“sorry pwede bang baby nalang tawag ko sayo hmm tas mommy tawag mo sakin?”sabi ni maam—mommy viena, tumango lang ako, hinila ako ni mommy viena sa kusina at nag bake kami ng cookies

Isang oras din kaming nag bake nang biglang bumukas ang pinto ng kusina nakita ko si sir—daddy na masaya ang mukha, hindi napansin ni mommy viena si daddy kaya naman agad pumunta si daddy sa likod ni mommy at niyakap ito sa likod

“hmm bango naman ng misis ko”sabi ni daddy,napa ngiti ako dahil sa ka-sweetan ni daddy.binabawi kona yung sinabi kong walang poreber.may poreber pala talaga

“hmm ikaw talaga david tumigil kanga sa ka sweetan mo jan”sabi ni mommy

“eh kinilig ka naman hahaha”sabi ni daddy at tumawa, nakitawa nadin ako dahilan para bumaling ang atensyon nila sakin, tumigil ako sa pag tawa at akmang aalis na pero nahuli ako ni daddy

“ikaw ah kinikilig kadin ah”sabi ni daddy at kiniliti ako sa may tagiliran

“tama napo malakas kiliti ko jan wahahaha”sabi ko pero di nakinig sakin si daddy at talagang kiniliti ako ng kiniliti

“daddy tama na HAHAHA”salamat naman at tumigil sya at tumingin sakin

“what did you call me?”tanong nito

“d-daddy”sabi ko, ngumiti ito ng matamis at niyakap ako

“thank you”he whispered

“ehh baby ako?ano itatawag mo sakin?”sabi naman ni mommy viena, ngumiti ako sakanya at yumakap

“mommy”i whispered

“i love you baby”sabi ni mommy at hinigpitan ang pag kakayakap sakin

Sa tanang buhay ko ngayon kolang naramdaman na mahalaga ako

Ngayon kolang naramdaman na may pamilya pa akong matatakbuhan

Sana.....

Sana sila nalang talaga ang naging tunay na mga magulang ko sana....

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now