chapter 33

12 0 0
                                    

NATHALIA'S PoV

Simula nang malaman ko ang lahat, tumira na ako dito sa mansion na ipinamana ni daddy sa amin. Nandito ako sa aking kwarto at nagbabasa nang libro. Napatigil ako sa pag babasa nang marinig ko ang katok sa pintuan dito sa aking kwarto.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ng aking kapatid. Pagkatapos kong buksan ito ay tumungo na agad ako sa kama upang bumalik sa pag babasa.

"hey sis!" nilingon ko si alexandra nang tawagin niya ako.

"Bakit?" Saad ko, tinaas niya ang kaniyang kanang kamay na may hawak na kapirasong papel na pamilyar sa akin at iwinagayway ito sa ere.

"May boyfriend kana pala hindi mo man lang chinika sa akin! Nakakatampo ka!." Saad nito na at nakasimangot pa. Nagulat ako sa sinabi niya. Tinanong ko ang aking sarili 'alam niya?'

"Pero sabagay matagal din akong nawala, kwentuhan mo naman ako tungkol sainyo ni aiden" Wika nya at nakangiti pa habang palapit sa akin.

Aiden...

Kaya pala pamilyar ang papel na hawak niya dahil galing iyon kay aiden, pero paano niya nalaman na kay aiden galing iyon? Hindi ko pa iyon binubuksan simula noong nasa amusement park kami ni lucas. Ang alam ko lang kasing laman non ay ang number nya dahil sinabi niya iyon sakin.

"Hindi naging kami ni aiden'" Gulat kong saad, tinawanan niya lang ako at pinaharap sakaniya.

"You don't need to hide your boyfriend nathalia, ano kaba, tatanggapin ko naman na may boyfriend ka eh! Sister moko! at hindi kita pag babawalan sa gusto mo dahil matatanda nadin tayo. Alam kong alam mona ang tama at mali." Wika niya at niyakap ako.

"So kamusta kayo ni aiden walker?" Ngiting tanong niya pa sa akin.

Ang ibig sabihin lang non ay hindi niya pa pala talaga alam na naging kami ng ex-fiance niya. Sumikip ang aking dibdib nang maisip ang bagay na yon.

"Alexandra, hindi naging kami ni aiden" sabi ko sakaniya at tumalikod.

"Sabi ko sayo hindi mo kailangan mag sinungaling—"

"Hindi naging kami, yun ang totoo!" pasigaw na sagot ko. Pag harap ko sakaniya ay kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha, kahit ako ay nagulat din sa inasta ko.

"I-im sorry, nag assume ako na boyfriend mo siya dahil d-dito" wika niya at iniabot sa akin ang kapirasong papel na hawak niya kanina pa, kinuha ko ito at binuklat. Akala ko number niya lang ang nakalagay doon pero nagulat ako sa nakita ko.

TAKIPSILIM

Sa t'wing nakikita ang  buwan
Ang iyong mukha ang aking nasa isipan
Sa t'wing ang iyong ngiti'y aking nasisilayan
tila nahulog ang puso sa angkin mong kagandahan

Matang puno ng sigla
ngiting hindi mapawi sa iyong mukha
boses mong nagbibigay ng saya
ikinagagalak kong ika'y aking nakilala

Sa pag lipas ng panahon
tila mas lalong nahulog sa iyong balon
sa bawat pintig ng puso
pangalan mo ang isinisigaw nito

bawat hakbang, puso'y nasasaktan
humihikbi ang puso kong duguan
sa aking paglisan,
ipangako mo sa akin na maghihilom ang puso't isip mong sugatan

kung si leonora'y hinarana pa
ako nama'y bibigyan ka ng tula
upang iparamdam ang aking tunay na nadarama
para kay nathalia, aking tunay na sinisinta

Nagmamahal sa iyo,
Aiden

Pagkatapos kong basahin iyon ay nagbadya ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi man direkta ang pagkakasabi niya ngunit alam ko na aalis na siya. Pero saan siya pupunta?

"Nathalia? are you okay?" saad sa akin ng katabi kong si alexandra. Tumango lamang ako kahit ang totoo ay parang pinipiga ang puso ko. Napalapit na din sa akin si aiden kaya noong umamin siya ay hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko dahil tinuring ko na siya bilang kapatid ko.

"what happened to the both you?" Tanong ni alexandra habang hinahagod ang likod ko upang tumahan sa aking pagiyak

"Maraming nangyare, pero kahit anong gawin ko hindi na mababago iyon"

NAGDAAN ang ilang araw pero wala pa rin akong balita kay samantha at sa nanay ko, gumagawa na ako ng plano kung paano ko matatapos ito pero hindi ako hinahayaan ni alexandra na ako lang ang gumawa. Gusto niya ay parehas naming haharapin lahat ito at isinisisi niya pa din ang sarili niya sa mga nangyare noon.

Nandito kami ngayon sa may mall. Hindi dapat ako sasama dito pero mapilit si alexandra at gusto niya daw kaming magkasama mag bonding dahil ilang taon din simula nung maghiwalay kami. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lamang at masayang hinila ako papuntang mall.

Habang naglalakad kami at naglilibot dito sa mall ay may nakita akong ice cream shop kaya naman nilingon ko si alexandra upang magpaalam na may bibilhin lamang ako at hintayin niya nalang ako sa may bench malapit dito. Tumango naman siya kaya pumunta na ako sa ice cream shop at bumili ng Cookie's and cream na ice cream. Binilhan ko na din si alexandra dahil baka magtampo iyon.

Hindi pa kami gano matagal magkasama pero gusto kong i-spend yung time na ito, ewan pero ang weird ng feeling. Yung tipong nararamdaman mong baka ilang segundo, minuto, oras, araw, linggo or buwan na lang yung itatagal mo dito sa mundo? ewan, ang weird pakinggan pero araw araw ko iyong nararamdaman.

Pagkatapos kong bumili ng ice cream ay agad kong hinanap si alexandra sa may bench. Nabitawan ko ang ice cream na hawak ko nang makita ko kung sino ang kasama ni alexandra at tila parang ang lalim ng titig nila sa isa't isa. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang makita ko iyon. Si lucas.

Ayokong magpakita sakaniya. Ilang araw na din simula nang maghiwalay ang landas namin sa amusement park. Ayokong makausap o makita man lang siya, pero walang alam si alexandra. Baka magtaka lang siya kapag nahalata niyang umiiwas ako. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sakanila at nagpanggap na parang hindi ko nakikita si lucas.

"A-alexandra, nandito ka lang pala." Shit! bakit ba ako nauutal? parang gusto ko nalang iuntog ang sarili ko sa pader sa ginagawa ko. Tila parang hindi nila ako nakikita dahil hindi sila nagsalita pareho at malalim ang titig nila sa isa't isa. Ano ako dito? multo?

"Alexandra..." tanging lumabas sa bibig ni lucas. Isang salita palang iyon pero halos dumagundong ng malakas ang dibdib ko. Tangina.

"Nathalia, slap me please!" Nagulat ako sa sinabi ni Alexandra.

"A-ano?"

"Tell me this is not true. Tell me that im just hallucinating. Tell me that my fiance for almost a years is not here infront of me" Parang sinaksak ako ng kutsilyo sa dibdib ko nang marinig ko ang salitang 'my fiance' kay Alexandra. Mahal niya pa...

Hindi ako nakasagot kay Alexandra.

"Xandra you're not hallucinating. Im here, here infront of you" Parang musika sa aking tainga ang bawat boses na lumalabas sa bibig ni lucas.

"L-lucas? y-you are here?" Lumayo ako ng konti sakanila at pinagmasdan silang dalawa. Moment nila 'to eh, paepal lang ako. Dahan-dahang tinaas ni alexandra ang kamay niya at inilagay ito sa pisngi ni lucas. Hinawakan naman ni lucas ang kamay ni Alexandra na nasa pisngi niya at ngumiti ng malumanay habang nakatitig pa rin sakaniya.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita silang masaya habang ako, ako yung nasa gilid at iniisip na sana ako iyon. Sana ako nalang si alexandra. Tangina nilalamon nanaman ako ng inggit ko. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sakanilang dalawa. Hindi ko kayang titigan silang dalawa ng matagal.

"I miss you luke" Rinig kong saad ni alexandra. Napapikit na lamang ako at dinamdam ang sakit.

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now