Chapter 31

17 2 0
                                    

PAGKATAPOS ng nangyare kanina tumuloy padin kami sa amusement park dahil nga sa deal  na limang araw lang.  Kagaya ng sinabi niya bumawi siya sakin. Pero hindi pa din maalis sa akin ang nangyare kanina. Hindi ko alam na kaya niyang sabihin ang mga salitang iyon.

"Nathalia gusto mo ba nito?" tanong ni lucas sakin, wala sa sariling tumango ako kahit hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Napansin niya sigurong tahimik ako kaya naman hindi na niya tinuloy ang pagbili ng kung ano man yon.

Bumalik ang diwa ko nang hilain niya ako kung saan. Hinayaan ko nalang siya kung saan niya ako gusto idala. Tiningnan ko ang cellphone ko para makita ang oras. Hindi ko napansin na mag 6:00 na pala. Kanina pa hila sakin ng hila si lucas kaya nainis ako.

"Hoy lalake, puro ka hila sakin aba naman!" inis na saad ko, tinawanan niya lang ako at tinuro ang ferris wheel pati ang pila kung nasaan kami ngayon. Napa kamot ulo nalang ako at hinintay nalang. Kaya nagcellphone muna ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin kaya lumingon lingon ako sa palagid, wala naman napapraning lang ata ako.

Hindi ko namalayan na nakasakay na kami dito sa ferris wheel dahil sa pakiramdam ko na may nakatingin talaga samin or should i say sakin. Hindi ko nalang pinansin yon atsaka tiningnan si lucas. pogi niya pa din talaga.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sakaniya kaya tumingin din siya sa akin.

"What?" Umiwas ako ng tingin nang marealize na titig na titig pala ako sakaniya.

"W-wala"

"Tss i know im handsome but—"

"Tara picture" Sabay open ng cellphone at camera. kinlick ko agad. Hindi siya naka pose ng maayos kaya ang epic nung picture namin. Ako nakatingin sa camera habang siya nakatingin sakin na parang gulat na gulat. Mukha tuloy siyang owl sa laki ng mata.

"I'm not an owl"

shems nabasa isip ko omg.

"Hindi ko nababasa ang isip mo. stupid."

weehh weehh dinga? talaga ba lucas sungit?

"Masungit? i'm not masungit"

"Pano mo—" Bago kopa matapos ang sinasabi ko ay nagsalita na siya agad.

"Nagtatype ka sa cellphone mo." Saad niya kaya napatingin ako sa cp ko na nakasulat nga doon mga iniisip ko. Ayy si bobo

"Tss stupid" oo beh lam ko yun istapit.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagbilang

"one..."

"Two..."

"three..." sabay naming saad

At pagtapos non ay ang pag litaw ng fire works. Ang ganda pagmasdan lalo na pag pagabi.

"Ganda" saad ko habang pinagmamasdan ito.

"Just like you... alexandra" wala sa sarili na saad niya. Tila pinipiga nanaman ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid ko.  siya nanaman...

"I-i mean nath—" Bago pa niya matapos ang pagsasalita ay nagsalita na ako.

"Hindi mo ba kayang piliin ako kahit panandalian lang?"

"I-... u-uhmm...." Ngumiti ako sakaniya at niyakap

"It's fine. Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi naman talaga ako ang tinitibok ng puso mo. Pasensya na kung pinipilit ko yung sarili ko sayo. Pasenya na." Eto na siguro ang panahon para magpalaya na. Alam kong gusto niya rin ito kaya gagawin ko to para sakaniya, para sakanila.

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now