Chapter 34

24 0 0
                                    

"Mahal mo pa?" Tanong ko kay alexandra. Pagkatapos ng nangyare kahapon sa mall nag-usap silang dalawa habang ako nasa gilid lang nag aantay para kay alexandra na ayain akong umuwi.

"Sobra" Sagot ni alexandra. Tumango na lamang ako bilang sagot at humiga sa aking kama. Ginaya niya naman ako at parehas na kaming nakahiga sa kama ko.

"How 'bout you?"

"H-ha?"

"Mahal mo pa ba si aiden?" Agad akong umiling.

"Hindi, i told you magkaibigan lang kami"

"Umamin siya sayo?" Tumango ako at tinitigan ang ceiling.

"Bakit hindi mo bigyan ng chance?"

"Kaibigan lang ang turing ko sakaniya alexandra. Wala ng hihigit duon."

"Pero gusto ka niya..."

"Alam ko, may magagawa ba ako kung wala sakaniya ang puso ko?" Mahinang natawa si alexandra sa sinabi ko at tinitigan ako

"Sino ba kasi yang umagaw ng puso mo? Sabihin mo sakin para maibalik ko sayo" natatawang saad niya.

"Fiance mo" bulong ko sa sarili ko.

"ha?"

"Hatdog. Wala."

"Sino nga?"

"Secret ko lang yon"

"Edi wag" nagtatampong saad niya at tumalikod sa akin.

"May tanong ako" Agad namang humarap ulit ito sa akin at tumingin ulit sakin.

"Ano yun?" Tumitig ako sa kaniyang mga mata inoobserbahan kung magsisinungaling ba siya o hindi.

"What if habang wala ka, nakakilala siya ng kamukha mo, as in kamukhang kamukha mo tapos naging girlfriend niya iyon. Matatanggap mo pa ba siya? " Natawa siya sa sinabi ko na tila para bang akala niya ay nagbibiro lamang ako.

" I trust him, hinding hindi niya magagawa iyon. "

Pero ginawa niya na... Sa akin.... Sa atin

Tumango lamang ako bilang sagot. Nasabi niya sa akin noon na nung nalaman niyang nasa puder ako ni lucas alam niyang hindi ako pababayaan ni lucas kaya hininto niya ang pagoobserba sa akin. Kaya pala wala siyang kaalam alam sa mga nangyayare sa amin noon dahil hindi niya na tinuloy ang pag oobserba sa akin.

"Me too, i have a question for you since you're in love naman na sa kung sinong guy yan, but i bet he's handsome. So here's my question,  if your boyfriend have a greatest love and then bumalik yung greatest love niya, magpapaubaya ka ba or ipag lalaban mo? "

Natawa ako dahil in real life nangyare na 'to at saming dalawa pa talaga ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong niya.

"Ipapaubaya ko na kasi mas lalong maraming what if's ang papasok sa utak ko at magiging toxic lang ako. Why? It's because kalaban ko greatest love niya eh, wala akong laban don. Wala akong laban sa taong mas minahal niya ng sobra kaysa sa akin. " Totoo naman kasi talaga, wala akong laban sakaniya. Kamukha lang niya ako at wala nang hihigit pa don.

" Woah, hugot yun ah! Pero kung ako yun, ipaglalaban ko siya kasi mahal ko siya eh they say if you truly love him/her ipaglalaban mo siya no matter what, 'wag mong hayaan  na sayangin lang ng kung sinong tao ang ilang years or months na pinagsamahan niyo. " Saad niya at tumitig sa kisame.

Pero kapatid kita... At ayokong masaktan ka...

"Gusto ko na matapos ito Alexandra."

"What do you mean?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now