chapter 30

22 3 0
                                    

Dalawa. Pangalawang araw na para sa deal naming dalawa. Plano ko na pumunta sa amusement park kasama siya kaya naman bumangon na ako para mag almusal at ayain siya. Pagbaba ko ay nakita ko si duke na paalis.

"Duke!" tawag ko sakaniya. Lumingon naman siya sakin at lumapit.

"Why?"

"Saan punta mo?"

"Dyan lang" tipid na sagot niya, tumango naman ako at pumunta na sa sala para kumain.

Pagdating ko sa sala ay bumungad sa akin dun si lucas na kumakain. Napansin niya siguro ako dahil lumingon siya sa direksyon ko kaya ngumiti ako sakaniya at lumapit.

"Lucas-" Hindi pa ako tapos mag salita nang bigla siyang tumayo at akmang aalis na.

"Im leaving."

"T-teka lucas" Saad ko. Humarap naman siya sa akin at tiningnan ako

"A-ano kasi... Gusto sana kitang yayain mag amusement park-"

"Why? Hindi kaba makaalis ng hindi ako kasama? Pilay kaba?" Nagulat ako sa sinabi niya pero ipinagpatuloy ko padin ang pagsasalita

"Gusto sana kitang makasama...Remember our deal?" napatigil siya ng ilang segundo, tumango naman siya sa akin

"okay, 4pm" naintindihan ko naman ang sinabi niya kaya ngumiti ako at umupo na para kumain, siya naman ay umalis na. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta.

NATAPOS akong kumain at pumunta sa aking silid para maligo at magbihis. Pagtapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako para maglakad lakad saglit. Nasa labas na ako ng bahay nang maipa-isip ako. May nakalimutan ba ako? Teka nga saad ko sa isip ko at kinapa ang dalawang bulsa ko. Ayown ang silpun ang nakaligtaan ni anteh.

Wala akong nagawa kundi ang pumasok ulit sa bahay para kunin sa aking silid ang cellphone ko. Habang papasok ako sa bahay ay may narinig akong busina ng kotse na galing sa labas.

*Beep*

"Ayy anak ka ng tatay ng kabayo!" sigaw ko sa gulat. May narinig akong tumatawa sa likod ko kaya hinarap ko ito at nakita ko si aiden. naks sayang saya si gago

"Wews papansin ka boy" saad ko

"'anak ka ng tatay ng kabayo!' HAHAHAHAHAH-" Habang tumatawa siya ay binato ko siya ng sandals ko boom sapul sa noo men

"Wow airplane" sabi ko sabay halakhak, Sya naman ay napa hawak sa noo niyang namumula.

"Hirap mo gulatin nananakit ka" sabi ni aiden. Hindi ko siya pinansin at umakyat na papunta sa silid ko para kunin ang cellphone ko. Pagtapos kong kunin yon ay lumabas na ako ng kwarto atsaka bumaba ulit para lumabas sa bahay.

"Saan ka punta?" bungad sa akin ni aiden.

"Dyan lang, papahangin" wika ko sakaniya.

"Tara na" sabi nya sabay lahad ng kaniyang kamay at itinuro ang kotse nya. Tinanggap ko naman ang kamay nyang nakalahad sa akin atsaka sumakay sa kotse niya. Umikot naman siya para pumunta sa driver seat.

"Saan tayo?" tanong ko sakaniya na ikinabasag ng katahimikan naming dalawa.

"Sa park kung saan tahimik" sabi nito, tumango naman ako at nagikot ikot ang mata ko sa kotse niya nang mapadpad ang atensyon ko sa gitara sa likod.

"that's mine" Napansin nya sigurong nandoon ang atensyon ko kaya napa 'ahhh' nalang ako.

Tama siya, dahil nandito nga kami sa park kung saan medyo walang tao kaya tahimik at ang aliwalas tingnan ng park na ito. May kung anong kinuha siya sa kotse niya at dun ko lang napagtantong picnic tong ginagawa namin.

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now