chapter 17

105 10 1
                                    

"bwisit kang bata ka ang bata bata mo pa lumalandi kana!?"sigaw ni mama sakin habang hawak ang buhok ko at kinaladkad ako paalis ng bagay nila mommy viena

"M-ma t-tama masakit"pag mamakaawa ko sakanya pero syempre hindi sya nakinig sakin

Hanggang sa maka sakay kami ng taxi hindi nya padin binibitawan ang buhok ko

"Ma please bitawan mona yung buhok ko"sabi ko habang nangingilid ang luha ko

"Hindi ko bibitawan yang buhok mo kung dika mag sasabi sakin ng totoo!"bulyaw nya

"Mama wala naman akong sasabihin sayo!"

"Eh ano yung nakita ko?hindi ako bulag nathalia!" Sigaw nya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkahawak sa buhok ko

"Ma wala kaming ginagawa masama!nahulog ako sa swimming pool kaya nandoon ako sa room nayun!" Sigaw ko

"At ngayon sinisigawan mona ako ha!tandaan mo nathalia kahit baliktarin ang mundo nanay mo padin ako!"sigaw nya  sakin

Nakita ko sa mga mata ng driver na naaawa sya sakin kaso hindi sya makapag salita dahil nadin siguro sa takot nya kay mama

"Ma please tama na" pagmamakaawa ko sakanya

"Hindi kita tatantanan nathalia malandi kana ke-bata bata mopa kumakaringking kana!"sigaw nya

kahit hawak nyako sa buhok ko napayuko nalang ako dahil napapahiya ako naririnig nung driver yung sigawan namin ng nanay ko kaya naman hindi nako sumagot sakanya at pinili ko nalang na tumahimik

Nang makauwi na kami sa bahay—i mean sa bahay ng JOWA nya—hawak hawak nya padin yung buhok ko at kinaladkad ako papuntang kwarto ko

Binitawan nya na ang buhok ko at tinulak ako papasok ng kwarto, tumayo ako at akmang lalabas ng bigla nalang nyang isara yung pinto at ilock

"Ma please parang awa mona wag mo namang gawin sakin to"sabi ko habang walang tigil sa pag iyak

"Hindi!jan kalang hangga't hindi ka nag titino hindi ka lalabas sa silid nayan"sigaw nya, narinig ko pa ang yabag na papalayo kaya naman napa-upo nalang ako sa sahig

Wala akong ginawang masama, pero bakit kailangan ko tong maranasan?pagod na pagod nako hindi kona kaya yung ganto




Weeks later.......







3 weeks
3 weeks nako nakakulong dito sa silid ko
Walang tulog walang kain, nakakatawa kase kahit ganon kinaya ko pa, kinaya ko pang mabuhay sa ganitong paraan

Gusto konang tumakas pero pano?

Gusto ko nang maging masaya
Gusto ko nang makalaya

Gusto ko nang umalis sa buhay na meron ako ngayon hindi kona kaya ng ganito

Habang naka higa ako sa kama ko biglang tumunog yung tyan ko dahilan para mamilipit ako sa sakit

Nagulay ako nang biglang may kumatok sa pinto agad akong tumayo para salubungin kung sino yun

Nang marinig kong nabuksan ang lock ng pinto at bumukas ang pinto bumungad sakin ang nag iisang maid nila, kitang kita ang pag aalala sa mukha nya nakita kong may dalawa syang tray ng pag kain at lumapit sakin

"Iha wala sila dito ngayon kaya naglakas loob akong buksan ang pintong ito, nag aalala nako sayo ilang linggo kanang nakakulong dito at  walang kain"sabi nya at nilagay ang tray sa kama ko

"Iha kung ako sayo tatakas nalang ako"dagdag pa nya

Nag pilit ng ngiti lang ako sakanya nang hawakan nya ang kamay ko

"W-wag napo, b-babalik at babalik lang din ako dito sa kwartong toh, ilang beses nakong nagtangkang tumakas pero ano?nandito padin ako nakakulong"sabi ko at mahinang natawa ng maramdaman kong naluluha nanaman ako

Ngumiti sya sakin, yung tipo ng ngiti na para bang may gagawin sya

"Tutulungan ka namin iha"sabi nya habang hawak ng mahigpit ang kamay ko

"N-namin?"taka ko syang tinignan, umiwas lang sya ng tingin at inalok nakong kumain

Habang kumakain ako hinahaplos nya ang buhok ko, maliban kay mommy viena si aling maria ang nagpaparamdam sakin na hindi ako nag iisa

"S-salamat po" nahihiyang sabi ko sakanya, taka nya kong tiningnan

"S-salamt po k-kase k-kahit alam nyong mapapahamak k-kayo s-sa gagawin n-nyo tinutulungan nyo padin po ako"sabi ko at niyakap sya ng mahigpit ramdam ko ang pagka gulat nya pero yumakap din naman sya sakin pabalik

"Walang anuman iha, ang mahalaga makaalis ka dito sa impyernong lugar natoh" sabi nya habang haplos haplos padin ang buhok ko

May narinig akong pag bukas ng pinto kaya agad kaming nag hiwalay ni aling maria at niligpit nya na ang  tray at saka umalis sa silid ko

Ni-lock nya muna ang pinto bago sya tuluyang umalis



Bago sya tuluyang umalis may huli syang sinabi sakin dahilan ng pagbibigay sakin ng pag-asa na makakaalis ako dito

"Wag kang mag alala iha hindi ko hahayaan na makulong kapa dito ng mas matagal"


Don't forget to vote and share😉

The Unexpected Goodbye(On going)Where stories live. Discover now